Chapter 13

2198 Words
Chapter 13 “ Ikaw ang sinisisi ko noong panahong nagluluksa ako sa pagkawala ng mga magulang ko. “Araw gabi kitang sinisisi noon, dahil kong wala ka nang araw na naganap ang krimen na iyon maaring hanggang ngayon buhay pa ang mga magulang ko. Noong huling kita natin hindi kita magawang tingnan, dahil ikaw ang sinisis ko ng sobra sa panahon na iyon. Lalo pa akong nagalit ng wala man lang akong nakitang bahid na lungkot sa iyong mukha ng araw na iyon. Ilang buwan pa ang nagdaan mula ng huling pagkikita nating iyon, napagpasyahan ng tito Gaspar, na ilapit ako sa neurologist nang matulungan akong makalimutan ang masalimuot na nangyari sa buhay ko. Ngunit dahil sa pakiramdam kong may kulang sa pagkatao ko, kaya nagawa kong tuklasin at alamin itong mag isa na hindi naman ako nabigo. Hindi pala dapat kita sinisi o ang ama mo sa naganap na krimen na iyon, dahil bilang ama responsibilad niyang iligtas ang kanyang anak. Kung tutuusin mabubuhay ang ama ko nang araw na iyon kung hindi ito pinagsabihan ng ama ko na ako at ikaw ang unahing niyang iligtas. Hindi pala dapat ikaw ang sinisi ko kundi ang mismong sarili ko, dahil kung tutuusin kaya ko nang iligtas ang sarili ko sa mga panahong iyon. “Hwag mong sisihin ang sarili mo, may dahil ang diyos kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. “Alo niya sa binatang lumuluha na puno ng pagsisisi sa puso nito. Pagkatapos ng kaganapan na iyon unti-unti na naging malapit ang dalawa mula sa araw na iyon. Makikita mo na sila sa iba’t ibang parte ng bahay na nagtatawanan, habang nag uusap. Buong linggo sila naging maayos at marami -rami din silang natuklasan lalong lalo na kung sino ang may pakanang tambangan siya noong April 21, 2021. Isang umaga habang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa sa harden kasama ang iilan sa mga tauhang naroon, kapwa silang nagulat ng masilayan nila ang isang babaeng galit na galit. “ Kaya ba wala ka ng oras para sa akin dahil sa babaeng yan” galit na turan ng babae habang tinuro si Cassandra. Tumayo si Nasher, sa kanyang kinauupuan at nilapitan ang babaeng papasugod na sa personal bodyguard niya. “Hwag kang gagawa ng gulo sa tahanan ko, walang nag imbita sa iyong pumunta ka rito. “ I’m you girlfriend Nasher, whenever I want to come here, I can. “Maybe you forgot you cheated on me Denice? Hindi lang basta basta panluluko ang ginawa mo, dahil ikaw pa ang namuno sa mga taong gusto akong saktan. “ Hon, tinakot nila akong saktan , kaya nagawa kong makipagtulungan sa kanila. “ Oh really? Pinagkatiwalaan at minahal kita Denice, ngunit nagawa mo akong lukuhin at ipagpalit sa pera. Lumabas ka sa bakuran ng pamamahay ko ayaw kong dito ka maabutan ng mga police. Magsasalita pa sana ito ng mayroong dumating na mga police, na agad siyang pinusasan. Nagulat pa ang binatang bilyonaryo kung paano nakapasok ang mga alagad ng batas sa kanyang bakuran. Ngunit ng makita niyang nginitian siya ng personal bodyguard niyang si Cassandra ay naunawaan na niya adad ito. Habang inaakay ng police, ang dating kasintahan, lumapit sa kanila ang binatang guard na si Ricky. “ Maam Cassandra, pasensiya na po kung medyo nahuli masyado po kasing matraffic sa daan. Nakatanggap si Ricky,ng marahang pagtapik sa balikat mula sa dalaga. “ I’m Cassandra, Martinez, Romasanta, I was born in the month of March 20, of the year of 1992. Pakilala ng dalaga sa dating kasintahan ng binatang Fabillion. “ sinasabi ko ang mga impormasyong ito Miss Denice, just in case gusto mong paghigantihan ako. Pitong buwan ang lumipas mula sa kaganapan na iyon nanatiling personal bodyguard niya ang dalaga. Hindi lang basta personal bodyguard dahil sa pagkakataon na ito tunay na silang magkasintahan. “ Nasher, anong balita sa inilahad mong proposal sa amin ng iyong tito Earnesto? Bakit hanggang ngayon hindi mo parin nagawang mag propose sa kanya? “ Tito hindi kaya masyado pang maaga para gawin ko ito? “ Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mong yan. Bakit hindi ka pa ba sigurado sa dalagang yon? Ikaw kung kaya mong makitang may umaaligid sa kanyang ibang lalaking bukod saiyo.. “Natatakot ako, baka pareho kami nadala sa aming nakaraan, paano kung isang araw maisipan niyang iwanan ako? Paano kung sinagot lang niya ako dahil sa guilt na nararamdaman niya? “Nasher, ang mahalaga sigurado kang mahal mo siya, dahil sa nakikita ko naman sa anak ng kaibigan ko mahal ka niya. Alam mo bang pinapabalik ko na siya sa kanyang trabaho at nang makuha niya ang pinangako kong ranggo, ngunit tinanggihan ng kasintahan mo. Kaya sigurado akong mahal ka niya, dahil kung hindi, hindi itong mag atubiling tanggapin ang alok ko. Hwag kang mag isip ng kung ano-ano, sahalip gumawa ka ng paraan na mapalitan ang masalimuot ninyong karanasan na halos mag labing pitong taon na ang lumipas. “Uncle may idea na akong naisip sa proposal na gagawin, ngunit nais kung makuha ang pagsang-ayon ninyo ng tito Earnesto. Nilahad niya ang planong proposal sa kanyang uncle Gaspar, na siyang ikinatawa naman ng tuyuhin niya ng marinig ang kabuohang detalye. “Tiyak akong magugustuhan ito ng kaibigan ko, kaya ngayon palang binabati na kita sa iyong binabalak. Sabihan mo ako kung kailan mo gawin mga plano mo, nang masabihan ko ang mga taong maaring makatulong saiyo sa gagawin mong ito. Hwag kang mag alala sisiguraduhin namin ng kaibigan ko na naroon kami sa araw na iyon. Masaya siya ng marinig niya iyon sa kanyang napaka supportive na tiyuhin, dahil mula ng mawala ang kanyang ama at ina ito na ang tumayong magulang niya hanggang sa umabot siya sa idad na thirty years old. “ Uncle, thank you, dahil hanggang sa tumanda ako ng ganito nanatili ka sa tabi ko. Minsan tuloy gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon wala parin kayong asawa. “Ikaw talagang bata ka, aalis na ako baka kung saan-saan na naman mapunta ang ating pinag-uusapan. Basta sabihan o tawagan mo ako kung handa ka na gawin ang engrandeng prosal mo. Nakangiti siyang tumango rito, hanggang sa mawala ang bulto nito sa kanyang pananaw. Sa kabilang banda kamustahin naman natin ng dalagang nais yayain ng kasal ng binatang si Nasher. “ Pambihira ka naman Cassandra, bakit mo naman tinanggihan ang alok na maging isang Major? Alam mo bang maraming gustong makuha ang ganoong posisyon? Kabilang na ako sa mga ito. “Khalil, pakiramdam ko naabot ko na ang hangganan ng pangarap ko. Hindi naman siguro masamang hayaan ko ang sarili kong maging malaya sa responsibilidad na ilang taon kung pinahalagahan. “Alam mo tol, hanga naman ako kamandag ng binatang Fabillion, hamakin mo nagpasya kang hindi na bumalik sa trabaho mo. Kulang na lang talaga makita ka namin magsuot ng sexy dress tulad ng ibang mga babae. Tila yata kabaliktaran siya ng ating Colonel.” sabat naman ni Mio, sa kanilang usapan. “ Ilang buwan na kayong makasintahan ng mayaman na binatang yon, tiyak ako isang araw maisipan na nitong magyaya ng kasal.Alam mo Cass, masaya akong natagpuan mo na ang taong magmamahal saiyo. “ Ipangako mo sa akin khalil, alagaan at pangalagaan mo ang kaligtasan ng kapatid kong si Cassy. Hindi ako tutol sa sumisibol na pag-iibigan n’yo dalawa, ang gusto ko lang hintayin mo siya sa idad na bente uno. Nangako naman ang dating katrabaho na pangangalagaan ang damdamin at kaligtasan ng kapatid niya. Maya-maya nagpaalam na siya sa mga ito na kailangan na niyang bumalik sa bahay ng kasintahan. Nag alok pa si Khalil, sa kanya na ihatid siya, subalit hindi niya ito tinanggap dahil batid niyang dati pa itong pinagseselosan ng kanyang boyfriend. Pagkarating na pagkarating niya sa malaking bahay, agad siyang sinalubong ng guard na si Ricky. “ Maam, pinapasabi po ng ama ko ,na masaya daw po siya para sa inyo ni sir Nasher. Pasensiya daw po kung hindi nito nasabi saiyo ang mga impormasyon na gusto n’yo dahil wala daw siya karapatan himasukan ang pampamilyang usapan. “Pasabi kay Mang Ariel, maraming salamat sa ginawa nito.” nakangiting saad niya. Pagkatapos niyang magsalita nagpatuloy na siyang pumasok sa loob ng malaking bahay. Nabungaran niyang umiinom ng juice ang kasintahan habang ang isang kamay nito nasa loob ng bulsa ng pants nito. “Babe, mabuti’t dumating kana, alam mo bang ilang beses kong tinanong si Ricky, kung nakita ka. “ Alam ko, dahil sinabi sa akin pagka-dating na pagka-dating ko. Hwag kang mag alala sa akin dahil palagi akong nag-iingat. ‘ Babe, sinabi ng tito Gaspar, hindi mo daw tinanggap ang pinangako niyang promotion saiyo noon? Dahil ba ito sa akin at sa mga nangyari sixteen years ago? “ Nope, pinili kong hindi tanggapin at umalis na ng tuluyan sa trabaho ko, dahil gusto kong maging malaya at manatili sa tabi mo. “Hindi ba kalabisan ang sinakripisyo mo dahil sa akin? “ Babe, ikaw ang pinakamalaking premyong nakuha ko nang pansamatala kong iniwan ang trabaho kong yon, ikaw din ang premyong ayaw kong mawala pa sa buhay ko. “ Sigurado ka ba sa mga sinasabi mong yan? Mamaya niyan pinapaasa mo lang ako sa wala. Gusto kung baguhin ang mga bumabalot na alaala sa atin, hindi sa tulong ng mga neurologist, kundi sa pagmamahalan nating dalawa. Kaya bukas ipapasundo kita sa tito Gaspar, nang maipapahatid ka sa isang sikat na restaurant, pero hindi ko sasabihin kung saan nang masurpresa naman kita. Kinabukasan matiyagang binabantayan ni Cassandra, ang bawat kilos na ginagawa ng nobyo niya. Tila ayaw niyang alisin ang kanyang mga mata kahit ilang segundo sa binata, halos maghapon niya itong ginagawa. Hanggang lumapit ang kasambahay na si Glenda sa kanya, at sinabing naroon ang kapatid niyang si Cassy, sa harden. Dali-dali siyang tumayo at pinuntahan ang kapatid na siyang hudyat naman sa binata na maari na siyang umalis na hindi namatyagan ng kanyang nobya. Nang tuluyan na siyang makalabas sa sarili niyang pamamahay, sa pamagitan ng lihim na gate na nakatago sa likuran ng kanyang bahay, nabungaran niya roon si Khalil na matiyaga siyang hinihintay. “ Ang bagal mo naman yatang kumilos Dude? Alam ko na, nahirapan ka sigurong takasan si Cassandra? Hindi siya tumugon sa binatang nakangising tumingin sa kanya habang may kasamang pag-iling. Gagawa pa sana siya ng idadahilan dito upang pulaan ang mga ipinahayag nito sa kanya, ngunit hindi pa siya nakapagsalita ng muli itog nagturan. “ Tandaan mo itong sasabihin ko Dude, kung may balak kang mambabae balang araw hwag mo na itong balakin kahit kailan, dahil tiyak akong maraming parte ng katawan mo ang mawawala saiyo, lalong lalo na ang …..Ammhhh alam mo na kung ano ang tinutukoy ko. Tahimik lamang siyang umupo sa tabi ni Khalil, habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito sa kanya. Maya-maya nagtanong ito dito kung nakahanda na ba ang lahat ng taong kinausap nilang tutulong sa gaganapin na proposal. Tumango naman ito sa kanya na siyang ikinatuwa niya ng labis, kahit may kabang nararamdaman sa kanyang puso. Lumipas ang halos tatlong oras handang-handa na si Cassandra, sa pagdating ng tiyuhin ng kanyang kasintahan. “ Ate Cassandra, relax sayang ang effort mong mag-ayos kung masyado kang kabado. “ Sino ba naman kasi nagsabing makipagtulungan ka sa kanya? Alam mo bang kaninang umaaga ko pa siya binabantayan? “ Ate naman paano makakaalis ang Kuya Nasher, kung lagi kang nakabantay sa kanya? Mabuti na lang naisipan niya akong tawagan nito. Sa gitna ng kanilang pag uusap nakatanggap ng tawag si Cassandra,ng tawag sa kanyang telepono. Na agad naman niyang sinagot. “ Hija, hindi kita masusundo tulad ng pakiusap ng pamangkin ko sa akin, dahil nagkaroon ng emergency sa opisina. Subalit mayroon akong inatasang tao , na siyang maghahatid saiyo kung saan ka hinihintay ng kasintahan mo, tiyak ako maya-maya lang darating na ito diyan,’ saad ng Colonel sa kabilang linya. Tulad ng sinabi ng kausap niya sa telepono, dumating ang guard na si Ricky, upang sabihin sa kanya na nariyan na ang sundo niya. Nagpasalamat naman siya sa dating boss, bago binaba ang tawag. “ Ate, bilisan mong kumilos, baka mamaya maiinip ang gwapong prinsipe sa paghintay saiyo, ang mabuti pa samahan na kita nang matiyak kung makarating ka ng maayos. ,” saad ng kapatid niyang si Cassy. Sa sinabi ng kapatid niya sa kanya, dahan-dahan siyang humakbang, kahit medyo hindi siya kumportable sa suot niyang dress na lampas tuhod at sa suot niyang de takong na sandal. Ngunit kung alam niya, lang kung gaano kabagay sa kanya ang suot niyang ito tiyak kahit siya ay masisiyahan. Ilang beses siyang sinabihan ng kanyang kapatid na tumingin sa salamin, ngunit ayaw niya itong sundin dahil pakiramdam niya hindi bagay sa kanya ang suot niyang ito. Sa gitna ng kanilang byahe papunta sa restaurant kung saan naghihintay si Nasher, biglang may dalawang van ang humarang sa kanila, samantala ang driver ng kanilang sasakyan ay mabilis na hinawakan ang kapatid niyang nakaupo sa sa tabi nito at tinutukan ng kung anong bagay, na hindi niya inasahan na mangyari. Hindi siya makapanlaban dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Maya-maya binuksan ang pintuan ng kanilang sasakyan ng mga kalalakihan na nagmula sa van na humarang sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD