Finale

2180 Words
“ Subukan mong manlaban, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang mangyari sa kapatid mo,” banta ng isa sa mga kalalakihan na bumukas sa pintuan ng kanilang sasakyan. “ Ate, gusto ko pang mabuhay at magkaanak sa kasinthan kong si Khali, kaya sana hwag ka ng manlaban sa kanila at sundin na lang natin ang nais nilang mangyari.,” saad ng kapatid niya sa kanya. Sa pakiusap ng kapatid niya sa kanya minabuti niyang manahimik at hinayaan ang mga kalalakihan kung saan sila nais dalhin ng mga ito. Wala siyang maaninag na kahit kunting liwanag sa kanilang byahe dahil piniringan ang kanyang mga mata habang ang dalawa niyang kamay ay may suot na posas. Habang sa byahe na papaisip siya kung sino ang tao na maaring nasa likod sa kumidnap sa kanila. Hindi niya maiwasan na hangaan ang taong nasa likod ng krimen na ito, dahil mula sa kasuotan at sasakyan ng mga kalalakihan na kumidnap sa kanila ay tila pinaghandaan ito ng mabuti. Kung hindi nga lang sila kinidnap ng mga ito iisipan niyang isang magarbong piging ang pupuntahan ng mga ito. Ang pinagtaka niya pinaghiwalay silang magkapatid ng sasakyan na sinakyan. “ Alam mo Miss Romasanta, alam ng boss, namin na magaling ka sa kahit anong kumbati kaya naisipan namin na paghiwalayin kayong magkapatid ng masigurado namin na hindi ka makapnlaban. Nasagot ang mga katanungan sa kanyang isipan, nang marinig niya ang mga sinabi ng isa sa mga lalaking kasama niya sa sasakyan na may suot na maskara. “Ano bang kailangan ng boss n’yo sa akin? Hindi ba kayo nahihiya sa inyong sarili ? “matapang niyang tanong sa mga ito kahit nakagapos. “Bakit naman kami mahihiya sa aming sarili? “ Hindi ba nakakahiya isang babae lang ang kikidnapin n’yo sa araw na ito ngunit isang katirba kayong magkasama? Sa tingin ko masyadong minamaliit ng boss n’yo ang inyong kakayahan kung sino man siya.” sarkastiko niyang saad at may kasama pang ngisi sa kanyang mga labi. “Kung balak mong siraan ang boss, namin sa amin, wag ka ng magsayang ng oras dahil kahit isa sa amin na nadito ay hindi mo makumbinsi.” sabay tawa ng lalaking kausap niya. Nang marinig niya ang tawa nito, tila pamilyar sa kanyang pandinig ang mga tawang naririnig. “Mio, ikaw ba yan?” sambit niya. Nawala ng segundo ang tawang naririnig niya sa kanyang paligid ng banggitin niya ang pangalan ng dating katrabaho. Ngunit hindi naman ito tumagal dahil muli siyang nakarinig ng salita. “Bro, mukha yatang iniisip niyang ikaw ay kakilala niya? Tse tse kawawa naman kung sino ang nagmamay-ari sa pangalang Mio, dahil nasangkot ang pangalan nito sa krimeng hindi siya sangkot.” saba’t ng isa pang lalake. Nakaramdam siya ng kunseniya sa sarili ng marinig ang mga katagang iyon, dahil pinag-isipan niya ng masama ang dating katrabaho na naging mabuti sa kanya ng maraming taon, hanggang sa kasalukuyan ng buhay niya ngayon. “Ibaba n’yo na ang ating bihag at ipasok sa loob ng makilala na niya ang ating boss, na kanina pang naghihintay. Maingat siyang inalalayan ng kung sino sa mga ito na maibaba siya sa sasakyan at inalalayan din siya ng taong ito na makapasok sa kung saan. Kumabog ng mabilis ang puso niya habang humakbang siya na hindi alam kung saan siya dadalhin ng taong gumagabay sa paglalakad niya. Maya-maya tumigil na sila sa paglalakad hudyat na narating na nila ang kinaroonan ng boss ng mga ito. “ Hanggang dito na lang ako antayin mo na lamang na lapitan ka ng aming boss.” sabay alis ng posas sa kamay niya bago tamalikod ang lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Mula sa kinatatayuan nakakarinig siya ng isang awitin na kay sarap pakinggan sa mga tenga niya. Pakiramdam din niya ang kantang naririnig ay para iyon sa kanya, kaya dahan-dahan niyang inangat ng sabay ang dalawang kamay at marahang hinila pababa ang piring na ilagay sa kanyang mga mata. Nang tuluyan niyang naalis ito natanaw niya sa hindi kalayuan ang kasintahan na may hawak na mga rosas. “Babe, alam kung natakot kita sa ginawa kung ito, subalit ito ang paraan na naisip ko nang mapalitan ko sa isipan mo ang masalimuot na ala-ala na kapwa nating naranasan noong kabataan natin . Sa araw na ito siguradong- sigurado ako na ikaw ang babaeng nais kong makasama sa habang buhay, sana ganoon rin ang nararamdaman mo para sa akin babe. Gusto kung pasukin ang bagong pahina ng buhay ko na kasama ka at ang mga taong malapit sa akin, at sa mga taong mahal na mahal ka. Kahit hindi ka ganoon ka pinong kumilos tulad ng ibang babae mahal na mahal kita maging ano at sino ka man. Kaya babe, hindi mo kailangan maglagay ng maraming kolorete sa iyong mukha para magustuhan at mahalin kita, hindi mo rin kailangan baguhin kung ano ang nakasanayan mong kilos dahil mahal ko kung ano ang tunay mong pagkatao. Alam kung nagsimula tayo sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon subalit tiyak akong mamahalin kita habang nabubuhay ako,” mahabang litanya ng kasintahan niya habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanyang kinatatayuan. Masaganang mga luha ang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata, nang marining ang mga sinabi ng kasintahan niya sa kanya Sino ba naman ang hindi mapapaiyak ang inakala mong kidnapan ay napunta sa ganito ka romantic na kaganapan. Hindi niya inalis ang paningin sa nobyo,ng masilayan niyang palapit na ito sa kanya, kahit naririnig pa niya ang boses ng kapatid na tinatawag ang kanyang pangalan. Ayaw niyang lumingon dahil batid niyang kasabwat ito sa kung ano ang mga nagaganap ngayon. Maya-maya pa muli niyang narinig nagsalita ang nobyo. “Babe, gusto ko baguhin ang mga ala-ala na hindi maganda sa ating isipan. Ito din ang sinasabi kong baguhin natin ang masalimoot naala-ala natin na magkasama. Hindi sa tulong ng neurologist, kundi sa pamagitan ng ating pag-iibigan at sa pamilyang ating bubuohin na magkasama. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan kung tayo ay mag asawa na, ngunit sikapin ko abot ng makakaya ko na maging mabuting asawa at ama sa ating magiging mga anak. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid, sa hindi sinasadya nagtama ang tingin niya at ng kanyang ina. Nakita niyang lumuhuha ang ilaw ng kanilang tahanan habang mayroong mga ngiting nakasilay sa labi ng kanyang mahal na ina. Dahil sa nakita niyang ito nasabi niya sa sarili na masaya ang ina niya kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon, pa, kaya ginantihan niya ito ng ngiti at buong puso na pasasalamat sa pamagitan ng salitang walang tuno. Nakita niya rin ang ama niyang pilit pinapatatag ang sarili nang hindi maiyak sa mga eksenang nasasaksihan na nagaganap ngayon. Nang binalik niya ang tingin sa nobyong humahakbang palapit sa kanya, bahagya siyang nagulat ng nasa harapan na niya ito, habang nakaluhod. “Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan at pangakuan ko sa diyos ama na makakasama sa hirap man o ginhawa. Sa harap ng mga taong nagmamahal sa akin at sa mga taong mahal mo at nagmamahal sa iyo, gusto kung hingin ang mga kamay mo sa kanilang harapan. Cassandra, Marteniz, Romasanta, Well You Marry Me?” saad ng kasintahan niya habang nakaluhod. Patuloy siyang lumuluha habang tinitigan niya ang lalaking unang nagpatibog ng puso niya ng hindi normal sa pagtibok. Ito din ang lalaking unang nagparamdam sa kanya ng salitang pagmamahal na ang akala niya ay hindi na niya mararanasan pa kailan man. Sino ang may alam sa idad niyang dalawangpu’t siyam ay matatagpuan niya pala ang kanyang true love? Maya-maya nagpakawala siya ng isang napakagandang ngiti at nag wika. “ Wala sa hinuha kong maikasal at bubuo ng pamilya, at lalong lalo wala sa isipan kong ikaw ang lalaking makakasama ko sa habang buhay. Alam ko ang kasagutan ko sa araw na ito ay makakadulot ng malaking pagbabago sa buhay ko, subalit magatal ko na itong pinag-isipan at pinaghandaan. Kung sakaling darating ang araw na ito na siyang nangyari na nga ngayon na hindi ko inasahan. Nasaher, alam kung hindi maganda ang ating nakaraan, ayaw ko rin magtapos tayo sa hindi magandang pangyayari na magdadagdag sa hindi magandang ala-ala sa ating dalawa. Kaya sana patawarin mo ako kung ang isasagot ko ay… Ngunit hindi pa niya natapos ang gusto niyang sabihin nakita na niyang masaganang tumulo ang luha ng kasintahang niyang nakaluhod sa kanyang harapan, na siyang hindi niya kayang pagmasdan, kaya niyakap niya ito at dahan dahang pinatayo. Maya-maya nakaramdam siya ng mainit at mahigpit nayakap mula sa nobyo. Nakakarinig din siya ng munting paghikbi na pinipigilan nito na kumawa sa bibig nito. “Babe, hindi naman ako nagmamadali, nagbaka sakali lang akong handa ka nang makasama ako bilang kabiyak mo sa habang buhay. Ku….kung hindi ka pa handa, handa akong maghintay kung kailan kana handang pakasalan ako. Hwag mo lang hingiin sa akin na palayain kita, dahil hindi ko kakayanin na makitang hawak ka ng iba. “Husssh….Ano ba yang pinagsasabi mo? Pwide ba hwag kang umiyak ng ganyan? Ano na lang sabihin ng ibang kababaihan kung makita nilang umiiyak ng ganyan ang binatang matagal na nilang hinahangaan? “ Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao, dahil para sa akin ikaw at ako ang mahalaga. Kahit gaano pa karami ang babaeng darating sa buhay ko, ikaw parin ang pipiliin kong makasama. “ Paano kung ang babaeng lumapit saiyo ay mayroong malaking hinaharap at may magandang pangangatawan? Hindi tulad ko parang kasing laki lang ng rambutan ,hindi mo pa rin ba ako ipagpapalit?” sinsero niyang tanong. Ngunit ang totoo sa loob-loob niya gusto na niya sumigaw sa sobrang kilig na nararamdaman. “Babe, kahit kasing liit pa yan ng strawberry.” sabay turo ng labi nito sa hinaharap ng nobya at muling nagwika. “ Ikaw parin ang babaeng pipiliin ko. “Sigurado ka ba talagang papakasalan mo na ako? Dahil ako siguradong sigurado ng magpakasal saiyo.”saad niya. Napalundag ang nobyo niya sa labis na tuwa ng marinig nito ang kanyang sinabi. Maya-maya pa sabay-sabay naghiyawan ang kanilang pamilya ng makita ng mga itong maingat isinusuot ng nobyo niya ang singsing sa kanyang daliri. Nang maisuot na nito sa daliliri niya ang enganged ring tiningnan niya ito. Bahagya pa siyang napanganga ng makita kung gaano ito kaganda. Alam niyang napakamahal ng bagay na suot niya, dahil sa batong kumikinang sa gitna nito at sa maliliit na batong pumabalibot dito. “ Babe, napakamahal naman yata ng bagay na ito? Pwide na ako sa kahit simpleng singsing lang. “Babe, mas mahal kita kaysa bagay na isinusuot ko sa daliri mo. Kaya pwide ba hwag mong hangaan ang bagay na yan? At kung pwide iwasan mong magsuot ng ganyang kaigsing damit dahil masyadong nakakaakit sa mga mata ko, paano na lang sa mata ng iba? Matapos nilang mag-usap nilapitan sila ng kanilang mga pamilya, lalong lalo na ang ama ni Cassandra. “ Anak, masaya akong natagpuan n’yong muli ang isa’t isa. Ang buong akala namin ng kaibigan kong si Gaspar, hindi na darating ang araw na ito. Sino ba naman ang mag aakalang muli ninyong matagpuan ang isa’t isa at higit sa lahat mahalin n’yo ang isa’t isa. dahil mula’t sapol maihahanlintulad namin kayo ng kaibigan ko sa isang lion at tigre kung mag-away. Alam kong marami akong dapat ipaliwanag saiyo subalit hindi ito ang araw na iyon. “ Papa, hindi na kailangan. Alam kong responsibilidad mo ako sa mga panahong iyon. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at sa ating pamilya. “Alam mo Cassandra, ngayon pa lang hinahangaan na kita bilang isang magiging ina. I love you anak. “Papa, mahal na mahal ko kayo ni mama, utang ko sa inyo ang buhay ko. Wala akong karapatang questionin kung paano n’yo ako palakihin at pangalagaan. Alam ko balang araw mas lalo ko kayong maunawaan kung magkakaroon ako ng sariling pamilya. “Kahit kailan, hindi ko pinagsisihan na sinunod ko ang pakiusap ni Razel, na ikaw at ang anak nito ang una kong iligtas sa araw na iyon kaysa kanilang mag-asawa. Tiyak akong abot langit ang pasasalamat ng mga ito sa ating tagapaglikha kahit sabihing hindi natin sila kasama sa ating mundo. Lumipas pa ang isang taon ginanap ang kanilang kasal sa buwan ng ocktubre sa araw ng huwebes sa ganap ng alas 10 ng umaga. Sa araw na ito sumumpa sila sa harap ng diyos at sa harap ng mga taong nagmamahal sa kanila, na kahit anong mangyari sisikapin nilang magkasama na lampasan ang lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay bilang mag -asawa. At mula din sa araw na ito pinangako nila sa kanilang sarili na gagawa sila ng mga magagandang ala-ala na kahit kailan hindi nila malilimutan hanggang sa kanilang pagtanda.Nang mayroon silang ikuwento sa kanilang magiging anak balak araw. Isang taon pa ang lumipas june, 16 nabiyayaan sila ng isang supling na lalake, sa araw at sa petsa kung kailan naganap ang aksidente na ilang taon ng nakalipas. Kaya abot langit ang kanilang pasasalamat sa tagapaglikha,sa sunod-sunod na magagandang biyaya na kanilang natatangap mula ng sila ay ikinasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD