Chapter 4 Nakahanap na

1321 Words
"Nandito ka lang pala," sabi ng isang lalaki sa sobrang pamilyar sa akin ang boses. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yong umupo sa tabi ko. Walang iba kundi ang best friend ko na si Mikael. Nakilala ko siya no'ng nag-aaral pa lang ako sa kolehiyo. Magkaiba man kami ng kursong kinuha pero nasa iisang unibersidad kaming nag-aaral. "Hindi mo man lang ako yinaya. Alam mo naman na sasamahan kita," sabi niya na may himig na pagtatampo. Pa'no ako makakahanap ng lalaki kung para siyang aso na nakabuntot sa akin. Baka isipin pa nila na boyfriend ko siya. Kung noon wala akong pakialam, iba na'ng usapan ngayon. May anim na buwan lang ako, este apat na lang pala, para makahanap ng lalaking mapapaibig ko. At mahirap 'yon gawin kung may nakabuntot na lalaking best friend sa akin. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit," inis kong sabi nang hindi siya tinitingnan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Sinenyasan ko ulit ang bartender na bigyan ako ng tequilla. "Tama na 'yan. Mukhang nakakarami ka na eh," saway niya sa akin. "Mas malakas pa ako uminom sa'yo, Mikael," sabi ko nang binibigyang diin ang kaniyang pangalan. "May trabaho ka pa bukas, best," paala-ala niya, sabay tawag sa akin gamit ang endearment namin sa isa't-isa. Nilagyan ng tequilla ang baso ko ng bartender. Bago ko pa 'yon mainom, kinuha na ni Mikael at inisang lagok 'yon na parang tubig lang. Kunsabagay, malakas din uminom 'tong best friend ko na 'to. "Ano ba?" asik ko, sabay irap sa kaniya. Binaba niya 'yong baso. "Sabi ko nga sa'yo, tama na, 'di ba?" Tuluyan na akong humarap sa kaniya. "Hindi kita tatay at mas lalong hindi kuya. Magka-edad lang tayo kaya 'wag kang umasta na parang mas matanda ka pa sa akin. Kaya walang pumapatol sa'yo kasi ang boring mo," sabi ng walang preno kong bibig. Pumunta-punta pa kasi siya rito. Siya tuloy ang napagbuntunan ko ng inis. At saka siya rin naman ang may kasalanan. Hirap na nga akong makahanap ng lalaki, tapos dumating pa siya. Eh 'di malamang, wala na talagang lalapit na lalaki sa akin. "Choosy kasi ako kaya hindi ko basta-basta pumapatol sa kung sino lang diyan na babae," depensa niya sa kaniyang sarili. Kung tutuusin, nakailang girfriend na rin si Mikael, pero hindi rin tuamatagal. Katulad ko, mga ilang buwan lang ang bibilangin, paminsan isang linggo lang nga, hiwalay na agad. Ang pinagakaiba lang namin, nagkaka-boyfriend agad ako samantala siya, isang taon na yatang walang girlfriend. "Ang sabihin mo, wala lang talagang nagkakagusto sa'yo," pang-aasar ko pa sa kaniya. Kinuha ko 'yong baso at binigay na lang sa bartender. Nawalan na ako ng gana uminom. Hindi naman pangit at hindi rin guwapo si Mikael. 'Yong tipong sakto lang. Moreno at medyo may katabaan siya lalo na 'yong bandang tiyan niya, pero cute pa rin naman siyang tingnan. Lagi ko nga siyang inaasar na magdahan-dahan lang kasi malaki na'ng naipundar niyang taba sa tiyan niya. "Uuwi na tayo," sabi niya nang makitang kumukuha ako ng perang pambayad para sa ininom kong alak. "Ano pa nga ba? Alangan naman mag-order ako ng inumin tapos ikaw din ang maglalaklak pero ako ang magbabayad," sabi ko sabay bayad kay kuya na bartender. Binigyan ko rin siya ng tip. "Akala ko ba maghu-hunting ka pa ng lalaki," sabi niya pagkatayo ko habang siya'y nakaupo pa rin. "Ang laki mo kayang c*ckblock. Sa bilbil mo pa lang, matatakot na silang lapitan ako," patuloy na pang-aasar ko sa kaniya. Napasimangot lang siya samantalang napangiti ako. Ewan ko ba, pero kahit ano'ng pang-aasar ang gawin ko sa kaniya, talagang hindi siya napipikon. "Sabi ko naman kasi sa'yo, wala kang mahahanap na matinong lalaki sa club. Halos lahat ng lalaki na pumupunta rito, gusto lang maka-score. Ang tigas din kasi ng ulo mo," pagsesermon na naman niya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "And I'll prove you wrong, best," malambing na sabi ko sa kaniya. Tinabig niya ang mga kamay at tumayo. " Bahala ka na nga," sabi na lang niya. Ito talaga ang nagustuhan ko kay Mikael. 'Yong walang malisya sa aming dalawa. At 'yon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami. Naglalakad na kami papuntang exit, ako ang nauna sa kaniya at nasa likod ko lang siya, nang may nakasalubong kami na isang lalaki at nakipagkamustahan kay Mike. Siyempre tumigil ako at tiningnan ang lalaki. Hindi katangkaran, mabilog ang mukha pero matangos ang ilong at may mga tattoo mula sa leeg hanggang braso. Siniko ko si Mikael at napatingin siya sa akin. Alam na niya kung ano'ng gusto kong sabihin sa titig ko pa lang sa kaniya. "Si Trisha nga pala, pare. Trisha, si Mark, pinsan ko," pagpapakilala niya sa aming dalawa. Nilahad ni Mark ang kamay at siyempre tinanggap ko naman para makamayan siya. "Trisha, nice name," sabi niya nang nakangiti. "Thanks," sabi ko naman sabay ngiti din. Mukhang laking America 'tong si Mark ayon sa accent niya. Pinisil niya 'yong kamay ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko sa kaniya. At mukhang ayaw na niyang bitawan ang kamay ko dahil mahigpit niya pa rin 'yong hawak. Kung hindi pa tumikhim si Mikael, mukhang hindi pa niya bibitawan ang kamay ko. "Sorry, bro. Is she your girl?" tanong niya pero nakatingin pa rin sa akin. "Hindi, best friend ko si Trisha," sabi naman ni Mikael. "So, we're cool," sabi niya kay Mikael na parang kinukuha ang permiso nito. Tumango lang si Mikael, at saka tiningnan ako ulit ni Mark. Sa mga titig niyang malalagkit, alam kong type ako ni Mark. "Want to hang out? Our table's--," sabi ni Mark. "Pauwi na kami, pare. Maaga pa kasi ang pasok ni Trisha bukas," sabat agad ni Mikael. "Oh," sabi na lang niya. Bwisit talaga 'tong si Mikael pero tumahimik lang ako at hinayaan siya. Gusto ko ring malaman kung ano'ng pakay ni Mark sa akin. "Well, I'm looking for someone to show me around. So, if you're free, maybe, you could help me," sabi ni Mark Baka nagbabakasyon o dito na maninirahan 'tong si Mark. "Sure, I would love to" sabi ko nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi kong pulang-pula. "Oh, sige na, pare. Aalis na kami," sabat na naman ni Mikael at hinawakan na niya ako sa braso. "Wait, how can I contact you if I don't have your number?" tanong niya. Bago pa man ako makasagot, nilabas na niya ang kaniyang cellphone at binigay sa akin. Smooth, 'yon ang unang pumasok sa isip ko. Swabe rin 'tong galawan ni Mark. Tinipa ko 'yong cellphone niya para mailagay ang number ko. Malinaw na sa akin na kabilang si Mark do'n sa uri ng mga lalaki na kung tawagin ko ay pangmaramihan. 'Yong tipong makikipag-date at siyempre kasama na ro'n ang maraming beses na pakikipag-s*x. Umalis ako ro'n sa club nang may ngiting tagumpay. Hindi naman pala malas 'tong si Mikael. Kung hindi siya dumating, baka hindi ko nakilala si Mark "Nagbabakasyon lang 'yon dito. Babalik din 'yon sa Amerika," sabi ni Mikael habang nagmamaneho ako. Siyempre, may sarili akong kotse at fully paid na 'to. Papunta na kami sa condo ko at dahil gabi na, este madaling araw na pala at malayo pa ang tirahan ni Mikael, do'n na rin siya mkikitulog. Malapad naman 'yong couch ko at sanay na siyang matulog do'n. Palagi kasi siyang tumatambay sa condo ko. May malaking dahilan na siya para magtagal dito o kung hindi naman, baka dito na siya maninirahan," sabi ko nang buong-kumpiyansa. "Sa tingin mo, makukumbinse mo siya?" tanong ni Mikael na nasa passenger seat. "Alam mo naman kung ga'no ka-irristible ang charm ng best friend mo," sabi ko sa kaniya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Bahala ka. Basta pinagsabihan na kita," sabi na lang niya sa pagod na boses. "Heto naman, maging supportive ka na lang, best," sabi ko, sabay tapik sa balikat niya. "Okay," halos pabulong niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD