bc

Ang Malanding Babae

book_age18+
516
FOLLOW
1.1K
READ
drama
bxg
mystery
bold
brilliant
city
affair
professor
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila may dalawang uri ng babae -- 'Yong sineseryoso at 'Yong kinakama. Kung ikaw 'yong babaeng kinakama, nasa tatlong kategorya ka lang: A rich wh*re, ang malanding b*tch, at ang pakawalang pokp*k. Pero kahit ano pa man ang estado ng buhay mo, iisa lang naman ang ibig sabihin no'n, isa kang p*ta.

Ako si Trisha De Guzman, ang malanding babae. Malandi man ako pero hindi ako p*ta dahil kahit kailan man hindi ako naging kabit at mas lalong hindi isang bayaring babae. At hindi porke't malandi na ako, wala ng lalaking magseseryoso at mababaliw ng pagmamahal sa akin.

Pero pa'no kung ang malanding si Trisha na ayaw o takot magmahal ang na-fall in love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Ang Pagtataksil
Suot ko ang hapit na hapit na kulay rosas kong dress at tila kulang sa tela dahil sa sobrang iksi nito na 'pag yumuko ako, masisipat na'ng lace kong unnderwear at sa sobrang baba ng cleavage nito, nakalitaw na ang kalahati ng malulusog kong mga boobs. At siyempre para terno sa aking dress na mapapatayo ang sinuman na lalaki, nakapulang stiletto rin ako. Nakalugay lang ang mahaba at maalon kong brown na buhok, at putok na putok din ang make-up ko, lalo na ang labi kong pulang-pula. Naghanda talaga ako dahil ngayon ang 8th monthsary namin ng boyfriend ko na si Brent. At susurpresahin ko siya ngayon. Nakasakay na nga ako nang mag-isa dito sa elevator na papuntang 3rd floor kung saan nando'n ang condo ni Brent. Bumukas ang pintuan ng elevator, at pumasok ang isang babae at lalaki na magkahawak-kamay. Hindi ko na sana sila papansinin pero nararamdaman kong may nakatitig sa akin, at sigurado ako na ang lalaki 'yon. At 'di nga ako nagkamali dahil nang tingnan ko siya, aba, halos lumuwa na'ng mga mata niya kakatitig sa mga boobs ko. Hindi pa nakuntento ang g*go, ngumisi pa at kumindat sa akin habang hawak pa rin 'yong kamay ng kasama niyang babae. Inirapan ko pa ang g*go at sininghalan. Guwapo man siya kung maituturing pero hindi ako desperada para patulan ang may sabit na, girlfriend man 'yan o asawa. At higit sa lahat, faithful ako. Bakit pa ako maghahanap ng ibang lalaki kung mayroon naman akong boyfriend na 'di hamak na mas guwapo sa g*go na 'to? "What a wh*re," biglang turan ng babae sa malakas na boses. Pumantig ang tenga ko. Malamang na ako ang pinapatamaan ng babae, alangan naman 'yong kasama nitong lalaki. Napangiti ako nang matamis nang may pumasok na ideya sa isip ko. "Yes, what a manwh*re," sabi ko naman. Bago pa man sila makahuma at makapagsalita ng anuman, nakalabas na ako ng elevator nang may ngiting tagumpay. Imbes na ako ang awayin, dapat 'yong boyfriend niya ang kinakastigo niya dahil pinagnanasaan nito ang ibang babae nang nakaharap siya mismo. Paano na lang kung nakatalikod siya? Baka nakipaglaplapan na 'yon sa iba. Umiling ako at winaglit sila sa isipin ko. Espesyal ang gabi na 'to para sa amin ni Brent, kaya hindi ko dapat hayaang may sumira nito bago pa man ito magsimula. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad sa makipot na hallway dahil siguradong maninigas si Brent sa gulat pagkakita sa akin. At nang nasa harapan na ako ng pintuan ng condo niya, itinaas ko ng kaunti ang aking maikising damit para maglaway siya kakatitig sa aking mapuputing hita. Sabi nga niya, sa mga hita ko pa lang, natu-turn on na raw siya. Pinindot ko ang mga numero ng passcode ng condo niya. Siyempere, girlfriend niya ako kaya alam ko ang passcode niya. Inayos ko muna ang malambot kong buhok bago ako pumasok. "Brent," tawag ko sa kaniya gamit ang malamyos kong tinig pagkapasok ko. Walang sumagot at wala ring tao sa living room. Baka naka-headphone 'yon at nakikinig ng music habang kumakain ng dinner niya, kaya pumunta ako sa dining room pero wala rin do'n si Brent. Naisip ko na baka nasa kuwarto niya ito at nagpapa-init na. Napangiti ako. Mukhang hindi ko na siya kailangan pang gisingin. Tayong-tayo na siguro 'yon. Bumalik ako sa living room at umakyat sa 'di gaanong kahabaan na hagdanan. Hindi na ako kumatok pa at dumiretsong pumasok sa kuwarto niya. Wala pa rin siya ro'n. May lakad kaya 'yon ngayon, pero ka-text ko pa 'yon kanina at sabi niya, mag-isa lang daw siya dito sa condo niya. Baka naman nasa cr lang at naliligo. Tatalikod na sana ako nang may napansin ako na parang kulay na pula na mantsa sa magulong kama. Parang dugo 'yon, ah. Hindi kaya nagkasugat si Brent. Nang narinig ko ang paglagaslas ng tubig galing sa cr, agad-agad kong hinawakan ang dookrnob at akmang bubuksan ito nang may narinig akong halinghing. Hindi ako nagkakamali, boses ng babae 'yon. At nang sinundan ng isa pang ungol ng isang lalaki na sigurado ako na si Brent 'yon, may hinala na ako kung ano'ng milagro ang ginagawa nila sa loob. Pero para makasigurado, binuksan ko ang cr. Ang tumambad sa akin ay si Brent na hubot-hubad at buhat-buhat ang hubad din na babae habang kinakadyot ito sa ilalim ng shower. Hindi man lang ako napansin ng dalawa dahil mukhang sarap na sarap sila sa kanilang ginagawa at pareho pang umuungol. Pero nang kinalampag ko ng malakas ang pintuan gamit ang kamay ko, pareho silang natigilan. Dumilat ang mga mata ni Brent at bumilog nang makita ako habang ako'y napailing na lang. Hindi ko makita ang reaksiyon ng babae dahil nakatalikod ito sa akin at si Brent lang ang nakaharap. "Tapos na tayo," sabi ko bago iniwan sila. Iisa lang ang nararamdaman ko ngayon, panghihinayang. Hindi ko naman magawang magalit kay Brent dahil hindi ko naman siya mahal at 'di ko rin gawain ang magmahal. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang madismaya kasi puwede naman niyang hiwalayan muna ako bago siya makipag-s*x sa iba. Papayag naman ako. Madali naman akong kausap. Pero sayang pa rin si Brent. Siya na ang pinakamatagal kong nakarelasyon at higt sa lahat, virgin pa siya nang nakuha ko. No'ng una, ayaw kong maniwala na sa edad na 24 ay nanatili itong walang karanasan. Pero nang magtalik kami nang unang beses at nilabasan ito pagkatapos lamang ng ilang segundo na pinasok nito ang kaniyang alaga sa akin, doon lang talaga ako naniwala. Ako kaya ang nagturo sa kaniya ng tamang technique sa pagromansa at pagpapaligaya ng babae. Tapos ngayon, ibang babae pala ang makikinabang no'n. Kahit pa'no, napatunayan ko naman na magaling akong s*x guru. Patunay lamang 'yong mga ungol ng babae kanina habang binabayo siya na Brent. "Sandali," tawag ng babae nang nasa living room na ako. Pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Parang narinig ko na 'yong boses na 'yon nang maraming beses. Nang hinarap ko siya, talagang nagulat ako. "Ikaw, ikaw pa talaga," ang tanging naibulalas ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
39.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
47.0K
bc

LICK ME DADDY(ADOPTED DAUGHTERS SERIES 1) CHLEO&LUCIO'S FORBIDDEN LOVE AFFAIRS (SPG)

read
70.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
58.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
161.1K
bc

MISSION: EXILE THE MAFIA'S SON

read
52.9K
bc

Mr. Harris: The Ugly Billionaire -SPG

read
3.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook