Chapter 11 Pagpakilala

1857 Words
Papunta na kami ngayon sa bahay ni Mikael para pormal na raw niya akong ipakilala sa pamilya niya bilang girlfriend nito. Tama, isang linggo na mula no'ng pagtatalo namin tungkol nga ro'n. Sinubukan ko pang kumbinsihin na ipagpaliban na muna kasi baka mabigla ang pamilya niya pero ayaw talaga magbago ng isip nito. Pinaalala pa niya sa akin ang binitawan kong salita na ngayong linggo ako pupunta sa kanilang bahay para harapin ang pamilya niya. Kaya wala na akong choice kundi ang tuparin ang binitawan kong salita. As usual, si Mikael ang nagmamaneho ng sasakyan ko habang nasa passenger seat naman ako. Sinulyapan ko nang saglit si Mikael. Papatik-patik pa ang isang kamay nito na nasa manibela at tumatango-tango ang ulo na parang sinusundan ang saliw ng tugtog mula sa stereo. Halata namang excited siyang ipaalam sa pamilya niya na girlfriend na niya ako. Inalis ko agad ang tingin sa kaniya at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob ko na hindi talagang magandang ideya 'tong gagawin namin. Hindi naman sa nagiging kontrabida ako sa gustong mangyari ni Mikael, pero 'yon talaga ang sinasabi ng instinct. Maaaring gusto nila ako bilang best friend ni Mikael, pero matatanggap kaya nila ako bilang girlfriend na nito. Lalo na't katatapos ko pa lang maka-date ang pinsan ni Mikael, at alam 'yon ng mga kapatid nito. Hindi ako kinakabahan kundi nababahala, 'yon talaga ang nararamdaman ko. Tumigil ang sasakyan sa kalye kung saan nakatira si Mikael. Bumuntong-hininga muna ako bago lumabas ng sasakyan. Nasa tabi ko na si Mikael nang kinawayan niya 'yong matabang lalaki at nagpaalam na ro'n sa tapat nila ipaparada ang sasakyan. Tumango naman ang lalaki sabay ngisi at kindat pa sa akin. Kung kilala ako ng pamilya ni Mikael, gano'n din ang mga tagarito. Inakbayan ako ni Mikael. "Hoy, Timoy, 'wag mong kindatan 'tong si Trisha. Girlfriend ko na 'to," proud na sabi niya. Kumunot ang noo ni Timoy. "Ikaw? P*cha! Baka ginayuma mo lang 'yan," pang-aalaska nito. "G*go," bulong ni Mikael at saka niya ako inakay para lumakad na habang nakaakbay siya sa akin. Pumasok kami sa makipot na eskinita. May mga nakasalubong kaming mga bata na nagtatakbukan, 'yong isa nga nabunggo pa sa akin. Pinagsabihan sila ni Mikael na 'wag maglaro ro’n, tinawanan lang siya ng mga bata. Halos dikit-dikit ang mga bahay rito at kung mag-usap ang mga taga-rito ay parang naka-loud speaker lagi kaya dinig na dinig ng mga kapit-bahay pati na’ng mga dumadaan sa tapat ng bahay ang usapan nila. Sanay na naman ako kaya ‘di na ako nabibigla pa. Diretso lang kaming naglakad hanggang sa narating na namin ‘yong bahay nina Mikael. Dalawang palapag din ‘yon na may balkon at sementado pa, medyo makitid lang nga lang. Kahit dito sa labas pa lang, dinig na dinig na nagvivideoke ang mag-anak sa loob ng bahay nila. Pagkapasok namin, naabutan namin na nag-iinuman ang ama at ang tatlong kapatid na lalaki ni Mikael sa sala habang kumakanta ang nag-iisa niyang kapatid na babae na si May. Karga-karga pa nito ang anak niyang mahigit isang taong gulang pa lang na dumedede pa sa kaniya. Nang makita nila kami, binati agad ako ng tatay ni Mikael at tuwang-tuwa na nakadalaw ako sa kanila. “Akala ko nakalimutan mo na kami, Trisha. Ang tagal mo nang hindi nakakapasyal dito sa amin, e,” pasigaw na sabi ng tatay ni Mikael dahil sa lakas ng tugtog mula sa videoke. Halatang lasing na ‘to kasi madaldal na. ‘Pag ‘di naman kasi ito nakainom, parang mapapanis na’ng laway nito dahil sobrang tahimik nito. “Medyo busy lang po sa work,” paliwanag ko naman. “Oo nga po, ‘Tay. Alam n’yo naman ‘tong si Trisha, masyadong workaholic,” dagdag naman ni Mikael. “Pa’no ba naman ‘yan gaganahang pumunta rito kung ang laging maabutan at makakausap niya ay puro lasing,” sabi naman ng nanay niya na kakababa lang sa hagdan. Nagkibit-balikat na lang ang tatay ni Mikael at tinungga na ang gin. Lumapit naman si Mikael sa nanay niya at nagmano. Naisip ko rin sanang magmano pero baka ma-weirdohan ito sa akin kasi ‘di ko naman ‘yon ginagawan noon. “Ano ba, May! Tama na nga ‘yang kakangawa mo diyan. Kanina pa nakukulili ang tenga ko sa l*tseng videoke na ‘yan. Tingnan mo ‘yang anak mo, paglaki niyan bingi na sa pinagagawa mo,” pagsisita ng nanay ni Mikael. Parang wala lang narinig si May dahil patuloy pa rin ‘to ng pagkanta ng Basang-basa sa Ulan ng Aegis. Feel na feel pa talaga nito ang kanta kasi naman ‘yong nakabuntis sa kaniya ay tinakbuhan siya at ‘di na nagpakita pa. Nakahiram pa nga ‘to sa akin ng pera pambayad sa ospital nang nanganak ito, pati na’ng bininyagan ito at hanggang ngayon, hind pa ako nababayaran. ‘Di na rin ako naningil pa kasi hanggang ngayon wala pa rin ‘tong trabaho at umaasa sa mga magulang nila ni Mikael. “At kayo naman, ang aga-aga, alak agad ang pinang-almusal n’yo. Imbes na magsimba dahil linggo ngayon, ‘yan at ang alak ang sinasamba n’yo. ‘Wag kayong tumulad sa tatay n’yo na ginagawang diyos ang alak,” dire-diretsong sabi ng nanay ni Mikael. Sanay na ako sa pagbububunga ng nanay ni Mikael kaya balewala na lang sa akin ‘to. Pero si Mikael ay tila nahihiya sa inaasta ng nanay niya. “Tama na ‘yan, ‘Nay,” awat ni Mikael sa nanay niya. “Oo nga, ‘Nay. Nakakahiya naman kay Trisha,” sabi ng kuya ni Mikael nang nakatingin sa akin nang nakakaloko. Sa malalagkit nitong titig ay parang hinuhubaran na ako nito. Ramdam ko noon pa na type ako ng kuya ni Mikael. Hindi ‘yong type na i-date kundi ikama lang. Pasensiya na lang siya dahil hindi ko siya type. Siya ang panganay sa kanila at anim na taon ang agwat nito sa amin ni Mikael. At kahit kailan hindi pa ako nakipag-date o nakipag-s*x ng mas matanda sa akin nang higit sa dalawang taon. “Tara na, ‘Nay. Doon na muna tayo sa kusina,” akay sa kaniya ni Mikael. Nakasunod naman ako sa kanilang dalawa. Malapit lang naman ang kusina nila sa sala. Kitang-kita mo pa rin ‘yong nag-iinuman at nagvivideoke sa sala. Umupo na kaming tatlo, magkatabi kami ni Mikael habang nasa harap namin ang nanay niya. “Tingnan mo nga ro’n sa ref kung may makakain do’n para pangmeryenda rito kay Trisha,” utos ng nanay ni Mikael sa kaniya. “Naku, ‘wag na po. Busog pa po ako,” agad kong sabi. “Oo nga, katatapos lang namin mag-almusal, ‘Nay," segunda ni Mikael. Tumango lang ang nanay ni Mikael at aakma nang tatayo nang hinawakan siya ni Mikael kaya ‘di na siya nakaalis pa sa kinauupuan niya. “Teka lang, ‘Nay. May importante pa akong sasabihin,” pigil niya sa nanay niya. “Ano ba ‘yon?” Kinuha ni Mikael ang kamay ko na nasa kandungan ko at pinagsalikup ang mga kamay namin bago nilagay sa ibabae ng mesa. Sa nanay lang ni Mikael ako nakatingin at inaabangan ang magiging reaksiyon ito. Agad na tumaas ang isang kilay nito pagkakita sa magkahawak naming kamay. “Kami na ni Trisha. Girlfriend ko na siya, 'Nay," sabi ni Mikael nang abot tenga ang ngiti. Tinuon ko agad ang pansin ko sa nanay niya. Kumunot ang mga noo nito at sumalubong ang mga kilay. Nakanganga pa ito habang palipat-lipat niya kaming tinitingnan bago ito sumimangot. “L*tse, May. Sabi nang patayin mo na ‘yang l*tseng videoke na ‘yan,” mabalasik na sigaw ng nanay niya mula sa kusina. Sa sobrang lakas ng sigaw ng nanay ni Mikael, natabunan nito ang tunog mula sa videoke. Sumunod na naman si May pero padabog niyang pinatay ang videoke at bumubulong-bulong pa ito na halatang nagrereklamo. Tumahimik naman ang mga nag-iinuman na mga kapatid at tatay ni Mikael. “Ano’ng sabi mo ulit, Mikael?” may himig na pagbabanta ang tanong nito. ‘Yong mga nasa sala ay nasa amin na ang atensiyon at parang mga curious na inaabangan ang sasabihin ni Mikael. “Ano, nagbibiro--,” gusto ko pa sanang isalba ang sitwasyon pero ayaw talaga paawat ni Mikael at 'di na ako pinatapos. "Girlfriend ko na si Trisha," buong-tapang niyang deklara sa mataas na boses na tila sinasadya talaga niyang iparinig 'yon sa buo niyang pamilya. Natahimik ang lahat, walang kumibo nang ilang sandali. "T*ng ina, dyinowa mo pa talaga. Kung kinant*t mo na lang 'yan," walang pakundangan na sabi ng kuya ni Mikael. Binatukan siya ng tatay nila. "'Yang bunganga mong bastos, itikom mo 'yan," sermon niya sa anak. "Ano naman ang nakain mo at naisipan mong gawin 'tong girlfriend si Trisha," sabi ng nanay ni Mikael nang may kasamang pag-irap sa akin. Bago pa man siya masagot, inunahan na siya ni May. "Ano pa nga ba kundi ang k*pyas niyan na nilantakan at inararo na ng 'di mabilang na mga lalaki. Pinagsawaan na nga 'yan ng pinsan natin, tapos ngayon, ikaw naman ang tinarget niya," galit na sabi ni Trisha. Tiningnan ko si May at medyo nagulat ako sa masasamang mga salitang binitawan niya at sa napakatalim ng tingin niya sa akin. 'Di ko inaasahan na hindi rin siya boto sa akin para sa kuya niya. At kung makapagsalita, akala mo kung sinong santa. Siya nga binuntis ng lalaking naka-one night stand niya lang. 'Di ko na lang pinatulan kasi bahay nila ito at respeto na rin para sa mga magulang nila. "Tumahimik ka nga," sigaw na sabi sa kaniya ni Mikael. Bunaling siya sa nanay niya. "'Nay, wala namang masama kung maging girlfriend ko si Trisha. Matagal ko na siyang gusto." "Tama nga naman si Mikael. At saka mabait namang bata itong si..." Hindi na natuloy ng tatay ni Mikael ang sasabihin niya dahil sa sama ng tingin na pinukol ng asawa niya sa kaniya. Takot din kasi ito sa asawa niya. "Kung pipili ka lang din ng babae, mas mainam na 'yong matinong babae ang pipiliin mo kahit na walang sinasabi sa buhay, hindi 'yong..." Sinadya talagang niyang tumigil at tiningnan ako na parang nangdidiri sa akin. "Parang bilasang isda na pinagpiyestahan na ng isang buong barangay. Aba, baka nga mahawa ka pa diyan ng--." Padabog akong tumayo, sa lakas ng pwersa natumba ang bangkong inuupuan ko na siyang naglikha ng malakas na ingay, kaya natahimik bigla ang nanay ni Mikael. Kung inaakala niya na papatulan ko siya, sila pala, nagkakamali sila. Hindi ako ibababa ang sarili ko para lang patulan sila. "Lalabas na ako," matipid kong sabi kay Mikael bago nakataas noo na lumabas sa bw*sit na bahay nila. Wala naman akong pakialam kung 'yon ang tingin nila sa akin. Tama nga ang kutob ko, ayos lang maging best friend ako ni Mikael, 'wag lang maging girlfriend. E, ano naman ngayon kung ayaw nila sa akin. 'Di ko ipipilit ang sarili ko sa kanila. Si Mikael lang ang boyfriend ko, hindi naman sila.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD