bc

Unfathomable Love

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
BE
opposites attract
curse
billionairess
heir/heiress
mystery
war
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung nalaman mong niloloko ka ng taong mahal mo?

Binigay mo na lahat-lahat nang pag-mamahal na meron ka pero nagawa ka pa rin niyang lokohin sa bandang huli.

Lydia, tawagin niyo ko sa pangalang Lydia pinangalan kasi ‘to sa akin ng ama kong si Narsing. Unang lalaking minahal ko ng buong-buo ngunit unang lalaking wawasak sa pagkatao ko.

‘Di ko lubos maisip na makakaramdam ako ng ganito sa buhay ko. Ang taong dapat na sasandalan ko sa oras ng pangangailangan ang siyang bibitaw at mag tutulak sa akin sa kapahamakan.

Ngunit alam ko na dadating din ang panahon na sisikat ang araw para sa akin at makakahanap din ako ng taong tutulong na bumuo ng pagkatao ko.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Nakatira kami sa isang maliit na bahay sa baryo Guapo. Isang tahimik at payak na pamumuhay lang ang meron kami doon. Tanging sariwang gulay at isda lang ang kinakain namin, minsan panabong ni Itay kapag natatalo siya sa sabong. Hindi ko natapos ang pag aaral ko sapagkat kulang at di sapat ang kinikita ni Inay sa paglalabada sa bayan. Hindi na rin ako umasa na makakatuntong ako ng high school kasi bukod sa lulong sa sugal ang Itay ay may sakit ang Inay. Kulang na kulang ang kinikita niya sa pang araw-araw namin na gastusin kaya naman tumutulong na lang ako sa kanya maglabada. Isang araw habang nasa ilog ako at naglalaba ng mga damit namin. Masaya na patakbong lumapit sa akin ang Itay. “Lydia! Halika, anak.” nakangiting tawag niya sa akin habang kinukumpas ang kamay niya. Naguguluhan man ako sa kinikilos ng tatay ay ngumiti akong lumapit sa kanya. “Bakit po tay?” tanong ko sa kanya habang binabasa ang mukha niya. “Iwanan mo muna ‘yang labahan mo at sumama ka sa akin pauwi ng bahay,” sabik na sabi niya sa akin. “Ano pong meron itay?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Basta sumunod ka na lang sa akin,” Nakangiti niyang sabi sabay hablot ng kamay ko. Patakbo kaming umalis at iniwan na nakatiwangwang ang mga labada ko sa tabi ng ilog. Walang tanong-tanong at imik ay sumunod ako kay itay pabalik ng bahay namin. Tila ang itay ay sobrang saya ngayong araw. Hindi kaya’y nanalo ito sa sugal kaya maganda ang kanyang kondisyon ngayong araw? tanong sa isipan ko. Habang papalayo kami sa ilog ay napatanong na lang ako kay itay. “Sino pong magtutuloy ng mga labahan ko? Baka po liparin ang mga ‘yun,” sabi ko na may agam-agam. “Pinapunta ko na ang inay mo ‘dun hayaan mo na siya ang magtapos ng mga labada na ‘yun. Kaya na niya ‘yun matanda na ‘yun,” Tumatawa-tawa niyang sabi. “Ano po bang meron itay?” nagtatakang tanong ko habang nakatingin ako sa kanya. “Surpresa ko sayo,” Sabik na sabi niya. “Basta makikita mo na lang sa bahay.” Nakangiti niyang sabi sabay sipol. Malayo pa ang kaarawan ko kaya malabong regalo ang matatanggap ko sa kanya. Wala din naman kaming pera para sa mga surpresa. Iba ang pakiramdam ko sa mga ngiti ni Itay Narsing kasi hindi siya ganun. Hindi talaga siya ganun. Si Itay Narsing, Paano ko ba ilalarawan ang taong ‘to? Wala naman kasi kaming magandang karanasan sa isa’t-isa bukod sa lagi niya akong hinahataw ng patpat sa puwet ko noong bata pa ako at nasasabit sa puno ng mangga habang nakasilid sa sako. Ano pa ba? Hindi ko rin masabing mabuting ama siya sa akin kasi hindi ako nakaramdam nang pagmamahal sa kanya. Mas anak pa nga turing ni itay sa mga alaga niyang panabong kaysa sa akin. Pero kahit pa ganito ang itay ay mahal na mahal ko ‘yan kasi alam ko na gumagawa rin siya ng paraan para mapabuti ang pamilya namin. Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon natutuwa ako na nakikita kong masaya ang itay pero nababagabag ako sa mga kinikilos niya sapagkat hindi siya ganitong tao. Iba, Iba talaga ang nararamdaman ko sa oras na ‘to pero kahit pa masama ang kutob ko sa mga ngiti na ‘to. Nagpatay malisya na lang ako na umaasa na baka nga nagbago na siya. Kaya buong puso akong sumama sa kanya pabalik ng bahay. Nagkukumahog kaming dalawa na naglakad pabalik sa bahay namin. Habang papalapit kami sa bahay ay may nakita akong mga lalaking nakasuot ng itim na damit. Sinubukan kong tingnan ang kanilang postura at napansin ko sa isang lalaki na may nakasumbit itong baril sa tagiliran niya. May mga kotse ring nakaparada sa labas ng bahay namin. Siguro sasakyan ito ng mga lalaking ito ngunit habang papapasok kami sa bahay ay nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko at mas lalong kumabog nang husto ang dibdib ko ng palibutan ako ng mga lalaking ito. “Tay?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. Pinaupo ako ni itay sa upuang kahoy namin at doon na nagsimulang magsalita muli. “Lydia, Anak.” sabay hawak sa kamay ko. Dalawang salita pa lang ang lumalabas sa bibig ng itay ay parang gusto ko nang umiyak. Ito ang salitang matagal ko ng gustong marinig sa kanya. Salitang labing pitong taong pinagkait niya sa akin. Anak. Dalawang pantig lang pero mabigat na salita na ito para sa akin. “Lydia anak ko. Alam ko hindi ako naging mabuting ama sayo. Hindi ko nabigay ang buhay na marangya na nararapat para sayo. Ngunit anak, Itong gagawin mo para sa pamilya natin ay tatanawing kong malaking utang na loob.” sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na ‘to. Ano bang nangyayari? Anong dapat kong gawin? Bakit magkakaroon ng malaking utang na loob ang itay sa akin? Iyan lang naman ang mga katanungan sa isipan ko ngayon. Tahimik lang ang lahat ng mga oras na ‘to. Nagtitinginan at nag hihintay ng susunod na mangyayari ng bigla kong binasag ang katahimikan. “Hindi ko po maintindihan kung anong sinasabi mo itay. Anong tatanawin mong utang na loob sa akin? Ano po bang nangyayari na hindi ko alam?” Naguguluhang tanong ko sa kanya. “Anak, patawarin mo ako ito na lang ang alam kong paraan para mabayaran ko ang mga utang ko kay Mr. M,” “Ano? Sandali,” pamimigil ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin na alam mong paraan para mabayaran si Mr. M at ano ‘yung sinasabi mong utang na loob?” Nakataray na tanong ko sa kanya. Napangiti si itay ng bahagya sabay titig sa akin ng masama at mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. “Sampung milyong ang utang ko kay Mr. M at ikaw lang ang meron ako para mabayaran ko lahat ng utang ko sa kanya,” “Sandali lang po itay?” naguguluhang tanong ko sa kanya. “Anong ako? Bakit ako ang ibabayad mo? Para sabihin ko sayo hindi po ako pera na pambayad ng utang nyo. Ang tanging magagawa ko lang ay tulungan kang bayaran ang mga pagkakautang mo sa kanya,” Nakataray na sabi ko sa kanya. “Inihanda ko na ang mga gamit mo,” Masayang sabi ni itay sabay tayo sa kinauupuan niya. “Itay!” Sigaw ko sa kanya sabay sipa ng upuan sa harapan ko. Napatigil sa pagkilos si itay at galit na lumapit sa akin. “Tutulong akong magbayad ng utang mo kay Mr. M pero hindi ko sinabing ako ang ibabayad mo sa kanya!” “Tapos na! wala ka nang magagawa pa!” Sigaw niya sa akin. “Sige na! Kunin nyo na siya at iaabot ko na lang ang mga gamit niya sa kotse nyo.” Utos ni itay sa kanila sabay talikod sa akin. Lumapit ang isang lalaki sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at sabay apak sa paa nito. “Aray!” Galit na sigaw nito. “Wag na wag mo akong hahawakan!” Galit na sigaw ko sa kanya. “Itay naman! Bakit kailangang umabot pa tayo sa ganito? Ano ba mga ginagawa mo bukod sa pag sasabong?” Naiiyak na tanong ko sa kanya. “Pakiusap Lydia, an--,” “Wag mo akong ma-anak-anak diyan kung ganyan lang din naman ang gagawin mo!” Galit na sigaw ko sa kanya.” “Gusto mo bang patayin nila ako? Ikaw na lang ang pag-asa ko. Wala na akong ibang paraan pa para mabayaran si Mr. M,” “Kahit anong gawin mo hinding-hindi ako sasama sa kanila!” “Anong hindi? Wala ka nang magagawa pa Lydia kasi nakapag deal na kami ni Mr. M,” “Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko alam na ganito ka kasamang ama! Wala kang kwenta! Sugarol ka na tapos ganto ka pa!” Galit na galit kong sabi sa kanya. Natigilan si itay sa mga masasamang sinabi ko sa kanya at sa sobrang galit ni itay sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas sa pisngi ko dahilan para mapahawak ako ng madiin sa kanya. “Tama lang na ikaw ang ibayad ko! Hindi kita anak! Hindi ka namin anak ni Linda!” Sigaw niya sa akin. Halos mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigaw ni itay sa akin. Parang… parang nawalan ako nang pandinig sa mga oras na ‘to. Dahil ba talaga ‘to sa lakas ng sigaw niya o sa sinabi niyang hindi nila ako anak ni inay? Kahit ilang segundo na ang lumipas mula nang marinig ko ang katagang “hindi ka namin anak ni Linda” ng itay ay kitang-kita pa rin ang malalaking litig sa leeg nito. Mabilis ang pag hinga ni itay na at habol-habol ito. Sinubukan akong hawakan ni itay sa kamay ko pero iniwas ko ito. “Anak, ganito kasi ‘yun. Malaki ang pagkakautang ko kay Mr. M dahil paulit-ulit akong natatalo sa sugal at paulit-ulit akong nangungutang sa kanya umaasa na baka swertehin din ako,” “Pero anong nangyari? Sa tuwing nananalo ka ng malaking pera dun din lalong lumalaki ang utang mo sa kanya. Hindi mo ba naiisip ‘yun? Wala kang trabaho pero may kapal ka ng mukha para mangutang ng malaking pera sa kanya,” sabi ko habang pumapatak ang luha sa mga mata ko. Sobrang bigat ng dibdib ko sa mga oras na ‘to parang gusto ko na lang mamatay kaso habang iniisip ko ‘to naaalala ko ang inay. Paano na lang si inay kapag wala na ako? Sino na ang mag-aalaga sa kanya ngayon? “Sumama ka na sa kanila anak,” Utos ni itay sa akin. “Wag mo akong matawag-tawag na anak dahil simula noong sinabi mong ibabayad mo ako sa Mr. M na ‘yan eh tinakwil na kita bilang ama ko!” “Napa-drama niyo ng mag-ama!” Singit ng lalaki sa amin. “Sige na hawakan niyo na ‘tong babae na ‘to para madala na natin ‘to kay Mr. M.” Sabi pa ng isa. Hinawakan ako ng mahigpit ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko at pilit na itinatayo sa pagkakaupo ko. Pilit ko ring pinapabigat ang katawan ko para mahirapan silang buhatin ako pero nabuhat pa rin nila ako. “Wag! Bitiwan niyo ako!” Sigaw ko sa dalawang lalaki na ‘to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook