CHAPTER 3 - HALLOWEEN PARTY

1907 Words
“HALLOWEEN WALWALAN COSTUME PARTY . . . WHAT THE HELL?!” Hindi maipinta ang mukha ni Jake habang tinitingnan ang sulat na ‘yon sa itaas ng kahoy na pinto. Narito na siya sa tapat ng venue. Ang suot niyang costume ay Scary Scarecrow at may name tag doon. Iyon ang kasunduan nila, akala niya costume party lang pero may walwalan pala. “Nandito na rin lang kaya papasok na ako,” bulong ni Jake. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto na lumalangitngit pa. Nagtaka siya nang makitang madilim sa loob. “Hello? May tao ba rito?” tanong ni Jake sa malakas na boses ngunit walang sumagot sa kaniya. “Tama naman ang venue na napuntahan ko ah?” tanong niya sa sarili at kinuha ang cellphone para tawagan si Atticus. “BOO! HAHAHAHAHA!” Sa gulat ni Jake ay napahakbang siya paharap at natalisod sabay nadapa sa sahig dahilan nang pagkabagsak din ng kaniyang mamahaling cellphone. “Fvck!” “Ilang palaka ang nahuli mo Jake?” tanong naman ni Kier na katabi si Zion. Mukha itong zombie na nasabugan ng granada. “Ano rin nangyari sa inyo at mukha rin kayong zombie na nasabugan ng granada?” aniya at tatayo sana pero kumirot ang kamay at tuhod niya. “P-Paraka means frog in English, right?” tanong naman ni Steve na medyo slang pa sa pagbanggit ng salitang palaka at as usual, imbis na palaka ay naging 'paraka'. Akmang sasagutin si Steve ni Luis nang may kumuha ng atensyon nila. “Oh my God! Anong nangyari sa ‘yo darling Jake?!” Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si La Diva, si Ynnie Wan, at ang tatlong council. Dahil papalapit na sa kaniya si La Diva, biglang nag-unahan ang mga husbando na pumasok sa loob ng venue at binuksan ang ilaw. “Hey! Help me!” Sigaw ni Jake na parang nasa isang panganib pero napa-peace sign lamang ang mga husbando sa kaniya. “I’m here, darling Jake. Nandito lang ako, tutulungan kita. Ako lang, ako lang,” madramang saad ni La Diva at nagawa pa siyang halikan sa noo bago tinulungang itayo. “Tigilan mo ako La Diva,” wika ni Jake pero hindi ito nakinig. “Wala man lang thank you, darling Jake? Hmm?” tanong nito at pumulupot sa kaniyang parang linta habang papasok. Nanahimik lang si Jake at ‘di na sumagot pa kay La Diva. Nakasunod lamang sa kanila sila Ynnie Wan at ang councils. Nagsimula ang Halloween Walwalan Costume Party nila na nakadikit sa kaniya si La Diva habang si Ynnie Wan naman ay kinukulit si Raven na mag-duet daw sila. Nakasuot si La Diva ng costume na kamatayan pero in sexy version. Ang costume naman ni Ynnie Wan ay Maleficent. Samantala ang tatlong councils ay pare-parehong scary clown mas scary nga lang ang kay Peyton na Pennywise. Si Steve naman ay Deadpool outfit at sina Kier at Zion ay parehong zombie costume. Pinagkaiba lamang. Mapapangiwi nalang ang makakakita kina Zion at Kier dahil para talagang zombie na nasabugan ng granada ang mga hitsura nito. Si Jude at Keith ay parehong Dracula ang costume. Si Luis ay si Valak ang napiling costume at hitsura. Suot naman ni Iñigo ay ang costume na Joker, kay Raven naman ay bampira ang costume. Ang huli, si Atticus ay naka-costume ito ng green na alien pero kita ang abs. Ang kaso lamang ay parang nasabugan naman ng bomba ang hitsura nito. “Alam mo ba darling Jake kung bakit ito ang suot kong costume?” tanong na naman ni La Diva habang nakasandal na sa kaniyang balikat ang ulo nito. Ang kamay nito ay naglalakbay mula sa dibdib niya pababa nang pababa. Kaagad niya naman iyon pinigilan nang umabot sa may tiyan niya. “I don’t care, La Diva,” sagot ni Jake na bored na bored. Walang lumalapit sa kaniyang husbando at binibigyan na lamang siya ng tinging nagsasabi ng ‘goodluck’! “Ang harsh mo talaga sa akin baby Jake, cookie kyah! Suot ko ang costume na ‘to para habang nagsasalo tayo mamaya sa kama ko, ramdam mo kung gaano nakakamatay sa sarap ang--” “Stop it, La Diva!” Tinawanan lamang siya nito at hinalikan sa magkabilang pisngi bago lumapit sa councils na busy sayawin ang sariling step sa I Wear Speedos “Despacito Parody” ni Mikey Bustos. Nang makaalis si La Diva doon lamang lumapit sa kaniya sina Peyton, Iñigo at Zion. Nag-iinuman na agad ang iba habang silang apat ay kinakain lang ang pulutan. “Hindi ka yata napainom, Kuya Peyton s***h Pennywise? Beer ba ang alak?” Tumango naman ito sabay napabuntonghininga bilang tugon. Kapag beer ang alak sa walwalan ay maituturing silang apat na Pulutan Lang Ang Habol Squad. “Buti naman umalis na si La Diva,” ani ni Jake at uminom ng malamig na tubig. “Hahahahaha! Wala kang takas bunso kanina ah?” Napasimangot naman si Jake sa tinuran ni Iñigo. Bored na bored ang hitsura nilang Pulutan Lang Ang Habol Squad habang kumakain ng pulutan. Habang sina Steve, Atticus, Jude, Keith, Raven at Kier ay grabe tumungga ng beer. Noong tumagal ay sabay-sabay silang napalingon sa pinto ng lumalangitngit ito. Unti-unti itong bumukas at may mga usok-usok kaya ‘di nila makita kung sino ang papasok sa loob. Lahat sila nakakunot ang mga noo, tutok na tutok ang mata sa papasok sa loob ng venue. ‘Di nagtagal nawala na ang usok at umubo-ubo ang babaeng nakatalikod na ang suot namang costume ay Harley Quinn. Dahan-dahan itong humarap pagkatapos maubo sa pausok effect nito. “Annyeonghaseyo!” “Lee Nee Wan -- unnie!” Tawag dito ni Steve habang kumakaway. “Oh! Jae Won!” tugon naman ni Lee Nee Wan at nagkumustahan sa lenggwahe ng kanilang bansa. Matapos ang mala-grand entrance ni Lee Nee Wan ay lumapit ito kay Council Xean na busy ngayon sumayaw ng As If It’s Your Last ng Blackpink. Si Ynnie Wan naman ay busy itipa ang song number ng kakantahin sa videoke. “Good evening everyone! Thank you so much for coming! Sana mag-enjoy kayo sa concert ko!” Lahat sila natigilan sabay nakangiwing nagkatinginan. Balewala lamang iyon dito. “Hindi ba siya nagsasawa sa kantang ‘yan? Paulit-ulit niyang kinakanta ‘yan?” pabulong na tanong ni Jude at natawa na lamang sila. “Oh come on, maybe she's already improving now. Let’s see,” saad ni Steve ngunit nagkakamali siya. Lahat sila napatakip ng tainga sa simula pa lang. Walang kasawaang kinakanta nito lagi ang Bakit Mo Ako Iniwan by Jessa Zaragoza. Minsan ay napapatigil ito sa pag-awit lalo na kung pumipiyok. Sandali itong huminto muli at halos lahat sila napapitlag nang biglang pinilit nitong itaas ang tono ng awit kahit ‘di naman sobrang taas ng parteng iyon. Pakiramdam nila mabibingi sila lalo pa’t ang lakas ng boses nito saka ng microphone. May hawak pa itong beer at humihinto rin minsan sa pagkanta para uminom. Habang tumatagal ay halatang lasing na ito sa boses pa lamang. Marami na ang naiinom nitong alak. Mula sa pag-awit at pag-inom ay nauwi sa pag-iyak. “Sabi niya mahal niya ako, pero iniwan niya ako. Huhu! Ang sama-sama niya! Limang taon, f-five years ang relasyon namin, huhu! Tapos, t-tapos basta niya na lang a-akong hiniwalayan. May mahal na r-raw siyang iba. Sawang-sawa na raw siya sa akin! G*ag* siya! Payag nga akong magpakasal sa kaniya kahit ang magiging pangalan ko ay Ynnie Ree! Alam ko namang pronounced as ae o ay ‘yon pero para sa iba aakalain nilang tunog ‘inire’ ang apelyido! Lintik ka sa pagpapaasa mo sa akin Dee Kenne Ree! Ang kapal mong imbitahan ako ngayon sa kasal niyo!” Natahimik silang lahat at mula sa paghagulhol ay babagsak na sana ito nang masalo ni Steve. “Kalerki ang buhay pag-ibig ni Ynnie Wan!” wika ni Council Xean. “Ako na lang ang maghahatid sa kaniya pauwi. Maaga pa kasi flight ko bukas pabalik ng South Korea kaya uuwi na rin ako,” wika ni Lee Nee Wan. Tumulong si Steve at Council Xean na ilabas si Ynnie Wan saka isinakay sa kotse ni Lee Nee Wan. Pagkatapos ay natuloy ang kanilang party. Ngayon naman ay si Raven na ang may hawak sa microphone at kinanta ang sariling nagawang awitin. Ang pamagat nito ay Puso. Patuloy kang hinahanap, nitong puso ko . . . Sabik na sabik sa’yo Bakit nga ba nangyari ang lahat? Kung saka naman masaya, doon mawawala ang lahat Sana,hindi muna kita nakilala Para ang puso ko’y tahimik lang Sana, sa susunod na lang kita nakilala Para tayo’y masaya lang Masakit! Nagdurugo ang puso! Wala na ang panglunas Wala na ang magpapatigil sa pagdurugo Naubos na ang lunas Nitong puso ko . . . Ang puso ko’y patuloy na tumitibok para sa’yo Patuloy na sinisigaw ang pangalan mo Kahit nagdurugo dahil sa’yo Sana’y ‘di muna nakilala Sana’y sa susunod na lang kita nakilala Upang ang puso natin tahimik lamang Para tayo’y masaya lamang Umiiyak ang puso! Nasasaktan ang puso! Nasugatan ang puso! Nagdurugo ang puso! Parang pinupukpok! Wari’y ba ay hinihiwa! Tila’y tinatadtad! Bakit ba parang dinudurog?! Pakiramdam ko’y nilulusaw ang puso ko! Ang puso ko’y patuloy na tumitibok para sa’yo Patuloy pa ring sinisigaw ang pangalan mo Sana’y ganoon din ang iyong puso Sana ay . . . ako pa rin sa puso mo . . . Nagpalakpakan sila dahil sa angking galing ni Raven sa larangan ng pag-awit. Sumunod naman ay si Steve na ang may hawak ng microphone at inawit ang Gimme A Chocolate ni Jo Jung Suk. Si Council Xean naman kinanta ang Genie ng Girls Generation habang sinasayaw ang steps nito. Naalala ni Jake na ito ang narinig niyang inaawit nito ng unang pasok niya sa opisina ng councils. Nang tumagal ay marami na siyang natutunan at nalamang Korean language pala ang liriko ng kanta. Natapos ang Halloween “Walwalan” Costume Party na nakakapit naman si La Diva kay Atticus na pilit na tinatanggal ang kamay ng dalaga sa braso nito. Pumasok si Jake sa kaniyang kotse at nakapagpalit na ng damit. Pinalitan niya ng pormal na damit ang kaninang suot-suot na costume. “Natapos din sa wakas,” bulong niya na nanghihina ang katawan. Nagpaalam siya muli sa ibang husbando bago tuluyang pinaandar palayo ang kotse. Pagkarating pa lamang sa penthouse niya sa Manila ay agad niyang sinagot ang tawag mula sa kapatid na nasa America na kasama ang ina at lolo’t lola nila sa mother side. “Kuya! Magandang gabi po riyan! Kumusta na?!” Napangiti si Jake lalo na nakita niya ang kanilang ina. “Ayos lang naman ako rito Shane. Kumusta na rin kayo riyan ni mama?” tugon niya. “Ayos na ayos lang din kami rito hijo. Pero kailan ka ba talaga babalik dito sa U.S.A? Miss ka na namin,” wika ng kaniyang ina. “Siguro isa o dalawang taon pa po akong mananatili rito mama tapos babalik na po ako riyan. May kailangan lang po akong tapusing trabaho rito, okay?” aniya. “Oo na, nasasabik lang talaga kaming makita ka. Oh siya, maiwan ko muna kayong magkapatid at nagluluto ako ng adobo. Miss na naming kumain ng adobo at maraming kanin,” sagot ng ina. Nag-usap naman sila ng kapatid bilang kumustahan lang ulit. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa dalawang taong importanteng-importante sa kaniyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD