Inalalayan ni Ryoku ang kanyang ina papunta sa hapagkainan at matapos ay binigyan niya ito ng basong tubig. "Sigurado ka bang magnanakaw lang 'yon Ma? E 'bat wala naman siyang kinuha sa gamit mo?" Pag-uusisa ni Ryoku matapos umupo sa tabi ng ina. "Oo anak. Hindi ba't mas mabuti nga't wala siyang nakuha." Sagot naman ng ina na hawak lamang ang baso. "Sinaktam ka niya! Nakakatakot yun Ma. Dapat isumbong na natin sa mga pulis." Inilabas nito ang kanyang cellphone at pipindot na sana ngunit pinigilan siya ng ina. "Ryoku anak, makinig ka, okay lang ako, okay na ako. Hindi na kailangan pang magsumbong. Ang dapat inaalala mo iyang kalusugan mo." Nagaalinlangan man ay binitawan ng binata ang kanyang cellphone at nakinig sa ina. "At sana anak, wag na muna nating sabihin ito sa Papa mo. Ayokong

