Sa paglakad nina Akane at Sheena pauwi sa kanilang bahay. Hindi napansin ng dalaga ang saksakyang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. "Anak? `Di ba gusto mong makilala ang tunay mong papa?" Excited ngunit nangaalinlangan pa pa rin si Sheena. "Ma, wag na muna natin pagusapan yan ngayon. Pagod na po kasi ako." Naglalakad man pero sa sahig nakatingin si Akane. "Tumingi ka muna kasi sa harapan mo." Inangat ng dalaga ang kanyang ulo at tumingin sa direksyon na sabi ng kanyang ina. Nakakita ito ng puting kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Ngayon lang nangyari na may pumaradang sasakyan sa kanila kaya naman labis ang pagtataka nito. Sunod na bumukas ang pintuan. Sa pagbaba nito, isang malaking lalaki ang bumungad sa kanya. Malaki ang pangangatawan at makapal ang balbas. Hind

