Three years Sa loob ng tatlong taon, I tried so hard to build myself. And ofcourse stay alive...while waiting for her. Na-isip ko rin na baka tama si Zoel. Kailangan niyang mabuhay at buuin ang sarili niya ng wala ako. Kaya nakukuntento na lamang ako sa mga naririnig kong balita tungkol sa kaniya. Hindi naman na pinagdadamot ni Zoel ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kaniya. Although, hindi niya pa rin sinasabi kung nasaan si Aria. Natatakot ata ang loko na hindi ko mapigilan ang sarili at puntahan ko ang kapatid niya. I sighed. Sabagay, kung alam ko nga talaga kung nasaan siya...baka nandoon na ako ngayon. Baka katabi niya na ako ngayon.... "Kailan daw siya babalik, Zoel?" Mariing tanong ko habang diretso lamang ang tingin sa baso ng alak na hawak ko. Nasa bar kami ngayon. G

