Bakit nagpakamatay si Samantha? Bakit binigay niya ang puso sa'kin? Iyan ang dalawang tanong na nabuo sa utak ko pagkatapos sabihin ni Skyrile sa'kin ang lahat. Sinabi niya ring nagpakamatay si Samantha pero bago 'yon ay may pinirmahan muna itong papel na nagsasabing ibibigay niya ang puso sa'kin kung sakali mang may mangyari sa kaniya. Sa simula pa lamang ay naka-plano na ang pagpapakamatay niya. Pero bakit Samantha? Bakit mo kailangang tapusin ang sarili mong buhay? Hindi mo ba alam na andaming tao ang gusto pang mabuhay tulad ko? Bakit mo sinayang ang iyo.....bakit? "Baby...please, stop crying..."Pag-aalo niya sa'kin. "Hindi makakabuti sa'yo...ang ganito. You have to rest...." Umiling ako. "P-Pakiramdam ko....kasalanan k-ko ang lahat..." Hikbi ko. I feel so bad! Kung hindi ba ako nabu

