"WHAT are you thinking?" Napangiti ako nang marinig ko siyang magtanong.
Magkasama kami ngayon sa isang park malapit sa bahay, sinabi ko kasi sa kaniya na gustong gusto kong panuorin ang paglubog at pagsikat ng araw. Hindi ko naman alam na yayayain niya akong mag-picnic ngayon dito para sabay daw naming makita ang paglubog ng araw.
"Marami." Huminga ako ng malalim. "Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung alin ang uunahin doon."
"Bakit hindi mo unahin ang pinaka-madali? 'Yong alam mong madali lang solusyunan." Suhestiyon niya.
Napailing ako. Kung ganon lang sana 'yon kadali. Hanggat ako si Aria De guzman, mababa lang ang chance na magawan ko pa nang paraan ang mga problema ko.
Napakagat labi ako at ngumisi nalang. Ayokong mag-drama ngayon, masyado akong natuwa sa mga pakulo niya. Isa pa, he deserve to feel acknowledge by doing this to make me happy.
Malawak ang mga ngiti ko siyang binalingan ng tingin. "Hindi ko alam na may sweet side pala ang isang skyrile villafontia?" Tukso ko sa kaniya.
Natawa siya. "Bakit akala mo ba puro bola lang ang laman ng utak ko?" Iling niya.
"Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwalang ginagawa mo 'to para sa'kin." Hindi ako makapaniwalang mapapasaya mo ako ng ganito.
"I'm doing this because you deserve this." Seryosong aniya. "Ang swerte ko kasi nakikita ko ang mga ngiti mong hindi nakikita nang iba."
Nahigit ko na lamang ang hininga ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko na may mga bulateng nagkakagulo sa loob non. Hindi na naman normal ang t***k nang puso.
Nag-iwas na lamang ako nang tingin sa kaniya at ngumisi. Gusto kong salungatin ang sinabi niyang ma-swerte siya, ang totoo ay ako ang ma-swerte saaming dalawa dahil tinanggap niya ang buong pagkatao. Ako ang ma-swerte dahil pinapahalagahan ako ng isang tulad niya.
"Aria, can you do me a favor?" Sabi niya kapagkuwan.
Muli akong bumaling sa kaniya. "What favor?"
Malungkot siyang ngumiti. Parang tinutusok ang puso ko sa lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. "Pwede bang manatili ako sa tabi mo hanggang sa magsawa ka?"
MAY MGA bagay na nagbibigay ng galak sa puso mo na hindi mo alam kung kailan matatapos. Mga bagay na alam mong may katapusan at dapat mong pag-handaan.
"Miss de guzman?" Napatayo ako nang tawagin na ako. "Pwede ka nang pumasok..." Ngiti nito.
Tumango ako at pilit na ngumiti. Kinakabahan ako, ito kasi ang unang beses na makakaharap ko siya. Hinahanda ko na rin ang sarili ko kapag nakaharap ko na siya, siguradong malaki rin ang galit niya sa'kin. Baka nga noon pa man sinusumpa na niya ako.
Ako kasi ang dahilan ng pagkasira ng pamilya niya...
Napalunok ako nang tuluyan na akong makapasok sa opisina niya. Parang ang sikip sikip ng lugar para sa'kin. Hindi ko ba alam kung sa kaba ba ito o sa takot na baka singhalan at saktan niya rin ako.
"Aria?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nanginig ang mga kamay ko kaya mabilis ko itong tinago sa likod. Nanatili lamang akong nakatayo sa tapat ng pinasukan kong pinto. "I didn't know that you're waiting for me...." Sabi niya.
Napayuko ako. "I...I..." Nasara ko ang bibig ko nang walang lumalabas na tamang salita rito.
Handa na ako kanina. Alam ko na ang sasabihin ko dapat pero parang na-blanko ang utak. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iba kasi siya. Hindi lang siya kung sino sino dahil siya ang kuya ko.
Ang mahal na anak ni mommy na nawala'y sa kaniya nang dahil sa 'kin.
Ang kuya ko na sigurado akong hindi rin ako tanggap.
Napapitlag ako nang makaramdam ako ng brasong pumulupot sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang nakayakap sa 'kin ngayon.
"Don't be scared little sis...i wont hurt you." Malumanay niyang wika.
Nangilid ang mga luha ko. "I'm sorry...." bulong ko. Ngayon lang ako makakahingi ng sorry sa kaniya dahil sa pagnanakaw ko sa buong pamilyang nararapat sa kaniya. "I'm sorry for everything..." Hikbi ko.
"Don't be..." Bulong niya atsaka marahang hinaplos ang buhok ko. "Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa'yo kasi wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka." Malungkot niyang aniya.
Namumula ang mga matang nag-angat ako nang tingin sa kaniya. "You don't hate me?" Nanginginig kong tanong.
"No..." Buntong hininga niya atsaka pinunasan ang mga luha ko. "Hush now Aria. Hindi kita sasaktan tulad ng ginagawa nila." Lumambot ang expresyon ng mga mata niya.
"I-I thought......" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang na-unahan na ako ng hikbi.
"Shh..." Pag-aalo niya sa'kin atsaka ako inakbayan at iginaya paupo sa sofa sa loob opisina niya. "Iyakin pala ang kapatid ko..." Tudyo niya.
Natawa lang ako atsaka mabilis na nagpunas ng luha. Iyakin nga siguro ako. Hindi kasi ako nauubusan ng luha kahit araw araw na ata ay umiiyak ako.
"Fix yourself first baby, we'll go out in a minute." Sabi niya bago tumayo at lumapit sa mesa niya. Mabilis naman akong nag-ayos ng sarili nang ka-usapin niya sa intercom ang kaniyang sekretarya. "Cancel all my appointments for today cindy." Rinig kong sabi niya sa sekretarya.
I can't believe this...iba ang ine-expect ko sa mangyayari ngayon. Akala ko sisigawan at sasaktan niya lang ako pero iba ang nangyari.
Ang gaan na nang pakiramdam ko ngayon kahit papano.
"Tara na?" Malambing niyang aniya atsaka nag-alok ng kamay sa'kin na kaagad ko rin namang tinanggap.
Lalong lumawak ang ngiti ko nang igiya niya ako palabas. Nagkaroon din ako nang pagkakataong obserbahan ang pagbabago ng expression ng mukha niya nang kausapin niya ang kaniyang sekretarya na halatang nai-intimidate sa kaniya.
Napangisi na lamang ako. My brother is such a moody. Ibang iba ang expression na ipinapakita niya sa'kin kanina kesa sa seryosong expression niya ngayong nasa labas na kami.
Iisipin ko nalang na kailangan niyang mag-mukhang seryoso dahil sa napiling larangan. He is running for a governor kaya dapat lang na maipakita niya sa mga tao na seryoso siya sa trabaho.
"Where are we going?" Tanong ko nang may sumalubong sa'ming mga naka-puting uniporme, ang kaniyang mga bodyguards.
"We're going to eat. Ngayon lang tayo ulit nagkita kaya dapat i-date kita." Sabi niya.
"Ulit?" Pagsisiguro ko. Hindi pa naman kami nagkikita noon, ah?
"Madalas kitang nilalaro noong baby kapa hanggang sa mag-apat na taon ka, hindi mo na siguro ako natatandaan dahil napaka-bata mo pa noon." Ngiti niya.
Umawang ang labi ko. "W-What? H-How? I t-thought...." I don't understand.
Ngumisi ito nang makapasok na kami sa kotse atsaka ako inakbayan. "Hindi totoong umalis kami kaagad ni daddy noon, tinago niya lang ako kela mommy, at kapag wala kang kasama noon ay nilalapitan ka naming dalawa ni daddy para alagaan at laruin ka."
Napasinghap ako.
Hindi ko alam.
"Alam kong lumaki kang tingin mo maraming galit sa'yo, kaya ngayong nandito na ako, gusto kong isipin mo na maraming nagmamahal sa'yo."