NAPATAKBO ako palapit kay daddy atsaka ito mahigpit na niyakap. "I miss you daddy..."
Natawa naman siya. "I miss you too..." Iginaya niya ako sa madalas naming inuupan tuwing dinadalaw ko siya. "How are you? How's school?" Tanong nito.
Napangisi ako. "Okay lang po, dad. Kayo po?" Medyo magaan ang loob ko ngayon, siguro kasi ilang gabi ko nang hindi naaabutang lasing si mommy.
Tinitigan niya ako pagkatapos ay hinagkan sa noo. "I'm okay. Mas naging okay ako nang makita ka rito nang nakangiti. You look so happy."
"I am dad." Humilig ako sa balikat niya. "I heard bumalik na daw ang asawa't anak ni mommy. Hindi ko na rin siya naaabutang lasing kaya po msaya ako, nakikita ko kasing nagiging maayos na siya." Ang mag-ama lang naman kasi ni mommy ang makakapagpa-saya sa kaniya.
Knowing na nasa pilipinas na ang mga ito ay alam kong umaasa siyang uuwi sila sa bahay. Siguro, it's time na ako naman ang gumawa ng paraan para maayos ang lahat.
Kapag okay na sila at makita kong masaya na sila at buo na ulit....maybe, thats the time for me to be gone.
"Mabuti naman kung ganon. Sana maging maayos na sila." Bumuntong hininga siya. "Gusto ko mang ako mismo ang umayos sa mga nasira ko noon ay hindi ko pa magagawa sa ngayon hanggat nandito ako at nakakulong."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Leave it to me, dad. After all it was also my fault."
Nanlaki naman ang mga mata niya at napuno 'yon ng pag-aalala. "What are you planning to do aria? Kung ano man iyan ay wag mo nang itutuloy! Baka maipit ka lang sa g**o nila." Iling nito. Napaayos ako ng upo. "At isa pa. Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Sa lahat ng taong involve ikaw ang pinaka-inosente. So please....don't make a move that will cause you pain."
Napayuko ako. "Don't worry about me,dad." Huminga ako ng malalim.
"I am already immune to pain."
NAPAHINTO AKO sa paglalakad nang makita ko na naman siya kasama ang mga barkada, at kung minamalas ka nga naman, papunta pa sila sa direksiyon ko.
What the heck!
Isang linggo. Isang linggo ko na siyang iniiwasan. Mula kasi nang unang may magbigay nang tumbler sa'kin, na sa kaniya daw galing ay iniwasan ko na talaga siya. Ayokong gumawa ng mas malaking g**o kaya hangga't maaari ay ako na mismo ang lumalayo.
"Aria!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako. Napalinga linga ako sa paligid, mabuti nalang at walang ibang tao, dahil kung nagkataon...tiyak na g**o na naman 'to.
"Aria!"
Tumakbo na ako palayo ng makitang humakbang siya palapit sa 'kin. Skyrile villafontia! Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? Sh*t! Mukhang hindi nakabuti ang paglapit ko sa kaniya. Sana pala tumakbo nalang ako nang mapansin niyang nagtatago ako. Dapat hindi na ako nagpakita at nakipag-usap sa kaniya!
Huminga ako ng malalim at napaupo sa bleacher malapit sa hinintuan ko. Nakarating pala ako sa garden sa likod ng school, mabuti nalang at walang pumupunta rito maliban sa 'kin kaya panatag ang loob kong walang maliligaw rito.
Mabilis kong nilabas ang inhaler ko at ginamit 'yon. Hika! Kailang mo ba ako lulubayan? Ganito ba kahina ang puso ko na konting pagod lang ay hihingalin na?
"F*ck..." Nakapikit kong bulong habang nakatingala at pilit pinapakalma ang paghinga ako.
Napasandal nalang ako sa upuan atsaka hinintay ang panunumbalik ng normal na t***k ng puso ko. Sh*t! Ang sakit ng puso ko. Literal na masakit. Kulang pa ba ang inhaler ko?
"Aria...."
Gulat akong nagmulat ng mga mata. Akmang tatayo na ako para makatakas nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko at pinigilan ako sa akmang pag-tayo.
Sinalubong ko ang malamlam niyang mga mata. "S-Skyrile? What are you...." Sunod sunod akong naghabol ng hininga. Ang lakas naman ngayon ng t***k ng puso ko.
"Are you okay?" Alalang tanong nito atsaka sinapo ang pisngi ko.
Iniwas ko naman ang mukha ko sa kaniya atsaka muling pumikit. This is bad. "Leave me alone...." Mahinang sabi ko.
"No." Matigas niyang sabi.
Napailing ako atsaka matapang na tinignan siya. "W-What do you w-want..?"
"Why are you avoiding me?" Pang aakusa niya.
Napalunok ako. Bakit nga ba? Kasi ayoko ng g**o? Kasi ayoko nang isali siya sa g**o ng buhay ko? Napayuko na lamang ako at hindi sumagot. Kasi nga ayokong sumbatan niya 'ko. Natatakot akong masaktan lalo ng dahil sa kaniya.
"Aria...." Napabuntong hininga nalang ako ng umupo siya sa tabi ko. Mukhang wala nga at talaga siyang balak iwan akong mag-isa. "Talk to me." He demanded.
Unti unti akong nagmulat ng mga mata at nanghihinang sinalubong ang mga titig niya. Posible pa lang maging abnormal pa lalo ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang nalaman 'yon ng salubungin ko ang malamlam niyang mga mata.
"Aria please...." Nagsusumamong aniya.
Kumurap kurap ako. "W-What....?" Buntong hininga ko.
"Why are you avoiding me?" Seryosong tanong niya.
"I'm not." Matigas kong sagot.
"Your obvious..." Ismid nito.
Napapikit nalang ako at tumayo. "Okay! I'm guilty." Napahilamos ako ng mukha sa sobrang frustration na nararamdaman. "Iniiwasan nga kita! At hanggat maaari ay ayokong magtagpo ang landas nating dalawa..."
"Why?"
Kumunot ang noo ko. "Seriously?" Di makapaniwalang hinarap ko siya. "Kilala mo 'ko diba? Alam mo kung saan ako nanggaling? Kung sino ang tatay ko! At kung paano ni-r**e ng daddy ko ang mommy ko! Alam mo 'yun diba?! Alam nang lahat 'yon! So, why are you here talking to me?!" Sigaw ko kasabay nang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. It hurts....ofcourse! It's f*cking hurt!
"Aria..." Napaurong ako nang akma siyang lalapit sa'kin.
Napatingala ako at nagpunas ng luha. I should stop crying....i must stop.
"Everyone hate me skyrile, even you. I know you hate me. Alam kong masama rin ang tingin mo sa'kin tulad ng lahat ng tao. Alam kong ayaw mo rin sa'kin tulad ng mommy ko." Napatakip ako ng bibig para matago ang hikbi ko.
"I-I am not like them..." Halos pabulong nitong sabi. "I don't hate you. I never did."
Napailing ako. "I don't believe you."
"I never hate you! You're the one who hate me!" Nanlaki ang mga mata ko nang huliin niya ang magkabilang braso ko.
"W-What?" Gulat kong tanong.
"Please..." Nagsusumamo ang mga mata niyang tumingin sa'kin. "Hayaan mo akong damayan ka sa mga panahong nasasaktan ka. Hayaan mong maging bahagi ako ng buhay. Hindi ako katulad nila, aria. Hindi kita hinusgahan. I never hate you."
"Skyrile...." I was speechless.
Hindi ko naisip na kayang magsalita ng isang skyrile villafontia ng ganito para sa'kin. Hindi ko akalain na darating ang panahong siya pa mismo ang makikiusap para maging bahagi ng malungkot kong mundo.
Gusto kong maging masaya.
Gusto kong magdiwang sa kaligayan dahil sa wakas, may taong handang tumanggap sa'kin.
But,
If i accept this...if i accept him it will be consequence for sure.
Lalo akong kamumuhian ng lahat.
Isusumpa nila ako.
"Don't think negative aria. Just think of me. I will protect you no matter what, I promise."