MAAGA palang nang umalis kami ni kuya ng mansiyon at tinungo ang art restaurant. Balak kasi naming ipa-reserve ang buong lugar para sa lunch. Ayaw kasi nila daddy na may mga ibang tao sa paligid dahil siguradong pagkakaguluhan lang kami ng mga paparazzi.
Mas lalong kailangan pa naming gawing pribado ang lunch ng tumawag si jethro para ipaalam na nasa pilipinas na siya ngayon. Balak niya daw na dito na rin mag-settle at asikasuhin ang kaniyang carreer sa mundo ng musika.
Jethro, is my heart donors brother. Mula nang makuha ko ang puso ng kapatid niyang babae ay napalapit na ito sa 'kin at sa pamilya ko. Naging sobrang buti din ng pamilya niya sa'min kaya naging family friend na din namin ang isa't isa.
He is a superstar. Sikat na sikat siya ngayon at sobrang dami niyang fans sa iba't ibang parte ng mga bansa. May mga kanta siyang isinulat na pumatok sa masa at talagang kinagiliwan ng fans niya. He's a real talent.
Lahat ng achievements niya ngayon ay deserve niya dahil bukod sa napaka-buti niyang tao ay napaka-humble pa. Isa rin siya sa mga taong naging dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa tindi ng kalungkutan ko noon sa states. Never niya akong iniwan kahit minsan ay hindi ko siya napapansin.
He's so patient to me.
"Anong oras daw ang dating ni jethro?" Tanong ni kuya sa gitna ng pagmamaneho niya. Gamit namin ngayon ang kotseng binili ni dad sa kaniya. Latest ito at sobrang mahal kaya talagang umangal ako ng malamang hindi ako naisipang bilhan ni daddy. Hanggang ngayon kasi ay baby pa rin ang tingin niya sa'kin na hindi marunong mag-maneho. "Baka dumugin iyon sa airport ng mga fans niya!" Sabi pa ni kuya.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam kung anong oras ang dating niya but he made sure na nasa restaurant na siya before lunch. Susunduin siya nila kleo at Aj sa airport, and don't worry kuya he's with his P.A and bodyguards." Sabi ko.
"Seryoso ba siyang dito na talaga siya sa pilipinas?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Yup. Pumayag naman daw ang parents niya atsaka mas marami daw siyang oppurtunities dito." Kibit balikat kong sabi.
"Damn his reason! If i know...sinusundan ka lang talaga niya dito."
"Kuya naman," Sumimangot ako. "Kaibigan ko lang iyong tao. Wag na nating bigyang ng kahulugan ang mga desisyon niya."
"Yeah. Whatever." Ismid niya.
Napailing nalang ako sa inaasal niya. He's so childish talaga minsan.
It was exactly 9:00 am nang makarating kami sa art restaurant. Close pa ang restau pero may mga tao na sa loob ang naglilinis at naghahanda para sa pagbubukas nila. Hindi ko makita si mrs. Benitez, baka nasa opisina ito o sa kusina kung nasan ang asawa.
"Tumawag na ako rito kanina. Ine-expect na nila na darating tayo para magpa-reserba." Sabi ni kuya nang igiya niya ako papasok sa loob.
Tumango ako atsaka malapad na ngumiti sa mga waiter at waitress na bumati sa amin. They are so welcoming. Natutuwa ako na napapanatili ni mrs. Benitez ang ganda at aura ng restaurant niya.
Tiningnan ko ang iba't ibang paintings na nakasabi sa mga dingding. Napangiti ako nang makitang lahat ng obra ko ay nananatili pa rin sa dati nitong pwesto. Totoo nga ang sinabi niya na wala siyang tinanggal o pinabayaan sa mga paintings ko. Lahat ay mukha pa ring bago.
"Where is the owner?" Tanong ni kuya nang makapalapit kami sa counter.
Ngumiti naman ang babaeng nakatayo roon. "Palabas na po si Mr. And Mrs. Benitez ng kusina ma'am, sir..." magalang nitong wika.
Tumango ako rito at ngumiti. "Okay." Bored na sabi naman ni kuya.
Nag-angat ako ng tingin kay kuya. "Titingnan ko muna ang mga paintings dito kuya..." Paalam ko sa kaniya.
Mabilis naman siyang tumango atsaka ako hinalikan sa ulo bago pinakawalan. "Ako na ang kakausap sa kanila." Sabi niya. Sumang ayon naman ako. He knows what to do...
Matipid ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang bawat paintings na nakasabit sa dingding. Kung hindi ko lang alam na restaurant ito, marahil ay iisipin ko na isa itong exhibit. Mrs. Benitez has this passion and love in painting that's why she apply it in their business.
Ang daming halatang bago ang nakasabit ngayon. Mukhang magagaling na painters ang mga nagiging customer ni mrs. Benitez. I'm proud that there is some people who can embrace painting and give their whole effort to it.
Napahinto ako sa pagtingin-tingin ng may makaagaw sa aking atensyon. It was a light necklace painting na sa unang tingin ay parang totoo. Parang gusto ng gumawa nito na ipakita sa lahat ng tao na sa kabila ng dilim ay may magsisilbing liwanag sa 'tin.
Dahan dahan kong inangat ang kamay ko para haplusin ang magandang obra. Sa unang tingin ay parang idinikit lang ang necklace nito sa painting, sa sobrang realistic ng may gawa. I'm impressed. This is good and it brings so much emotion to me.
"That painting was paint by a mother for her daughter...." Bahagya akong napaigtad nang may kamay na dumantay sa balat ko sa aking likod. Backless kasi ang blue simple dress na suot ko, mom personally made it for me.
"Its beautiful but too sad..." Mahina kong komento habang titig na titig sa munting obra.
"Ano bang nakikita mo sa painting? It is her love? Sadness? Nakikita mo ba ang emosyong gustong ipakita ng isang ina sa mga kulay na napili niyang gamitin?" Tanong nito.
Tumango ako atsaka siya hinarap. "Its longing...." sigurado kong sabi.
Malapad naman itong ngumiti at napapalakpak. "Tama! Walang dudang nahahanay ka na sa mga magagaling na pintor!" Masayang aniya.
Ngumiti ako. "Its nice to see you again mrs. Benitez..." Masayang wika ko.
Napahalakhak ito atsaka ako mahigpit na niyakap. "Masaya akong bumalik muli rito ang magaling kong studyante...." Aniya.
Its good to be back........again.
Marami kaming napag-usapan at napag-kwentuhan ni mrs. Benitez. Habang si kuya naman ay nanatili sa kusina kasama si mr. Benitez. Mukhang nag-eenjoy din ang dalawang iyon sa kusina kaya hindi na namin inabala pa.
"Kamusta na pala ang mommy mo? Alam mo bang siya ang gagawa ng damit ko para sa party for a cost ng pamilya ninyo?" Nakangiting aniya.
"Nabanggit nga po sa'kin ni mommy..." Ngumiti ako. "Masaya po siyang tinawagan mo siya para magpagawa ng damit."
Napahalakhak ito. "Matagal ko nang gustong magpagawa ng damit sa mommy mo kaya masaya rin akong pumayag siya. Alam mo kilala ang mommy mo sa larangan ng fashion kaya isang malaking karangalan ang magkaroon ng damit na dinesenyo niya mismo."
Ngumisi ako. "Mom, is a very artistic, creative and serious about her designs. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming humahanga sa kaniya. She's good at everything she does..." sabi ko sa kaniya.
"And i can see that, she's also a good mother to you...." Nakangiting aniya.
"Very...." Buong pagmamahal kong wika
Sabay kaming napatingin kay kuya ng lumabas ito ng kusina. Tumayo ako para salubungin ito. It's nearly 10:00 am in my watch. Ang usapan ay dadating sila mommy dito bago mag-11:30.
"Let's buy cake first para may pa-welcome tayo kay jethro." Aniya.
Tumango ako. "Okay." Ngisi ko.
Nagpaalam muna kami kay mrs. Benitez bago kami muling lumabas ng restaurant. Napag-desisyo-nan namin na sa pinaka-malapit na shop nalang kami bumili para hindi na kami mapalayo.
Tumigil kami sa nakita naming coffee shop. Sana may cake sila ng gusto ko. "Ikaw nalang ang bumili tutal alam mo naman ang gusto niya." Sabi ni kuya.
Tumango lang ako at diretso nang lumabas. Lumapit ako sa pinto at ngumiti sa guard ng batiin niya ako at pagbuksan ng pinto.
Dumiretso ako agad sa counter at tiningnan ng mabuti ang mga cake na naka-display doon. Buti nalang at meron silang black forest.
"Goodmorning ma'am!" Bati sa'kin ng nasa counter.
Ngumiti ako rito at tinuro ang red ribbon at black forest na naka-display roon. "Can i get the two?" Ngiti ko.
"Yes ma'am. Gusto niyo po bang lagyan natin ng dedication?" Masayang tanong nito.
"Sige." Tumango ako at kumuha ng papel sa gilid. Sinulat ko ang name ni jethro doon atsaka iyon inabot sa babae.
"Jethro?" Basa niya atsaka ako matamang tinitigan. Ngumiwi ako. Kapag ganito talagang pangalan ni jethro ang nasasali, lahat sila pinakatitigan ako.
Huminga ako ng malalim. Mabuti nalang at hindi ako sikat katulad ng lalaking 'yon. Well, depende nalang kung alam ng lahat ang mga paintings ko. Hindi naman kasi lahat gusto ang art of painting unlike jethro na halos lahat kilala siya dahil sa larangan ng musika, kung saan sikat na sikat siya.
"Yeah. Jethro." Sumeryoso ang mukha ko. Mukha naman siyang napahiya sa naging reaksiyon niya kaya binilisan na niya ang ginagawa. Napailing nalang ako ng mukhang nawala na sa isip niya na ang jethro'ng tinutukoy ko ay ang sikat ng singer ngayon.
Napatingin ako sa mga tao sa loob ng coffee shop. May kaniya kaniyang ginagawa ang mga ito. Ang iba pang couples na nandon ay naglalambingan.
Napangiti ako. Some people look so happy and contented. Naiinggit ako sa kanila.
I wasn't fully happy and contented. Mahal ko ang pamilya ko ngayon pero pakiramdam ko may nawawala sa'kin. Hindi ko lang alam kung ano? O sadyang tinatanggi ko lang.
I sigh. Dapat hindi ko na iyon iniisip. Dapat mag-move on na ako. Past is past.
But, i miss him.
I miss skyrile villafontia.....