INALIS ko na siya sa isipan ko bago pa man ako mawala sa sarili ngayon. Wala na rin namang magbabago, alam ko iyon at natanggap ko na 'yon.
Hindi na kami pwede....
Kahit naman noon hindi na talaga kami pwede. Paano pa kaya ngayon? Ngayon na mas may malaki nang hadlang.
"Ma'am? Ready na po ang binili niyo." Napakurap ako at bumaling sa babae.
Tumango ako kinuha ang dalawang box ng cake sa harapan ko. Tipid akong ngumiti. "Thank you." Pormal kong wika bago umalis doon.
Muli akong pinagbuksan ng pinto ng guard. Nag-thank you lang rin ako rito bago ako dumiretso sa kotse ni kuya.
"Matagal ba ako?" Tanong ko rito habang binubuksan ang backseat.
"Hindi naman." Aniya.
Ibinaba ko na muna ang dalawang box sa likod bago ako umikot at umupo sa tabi niya. "Bakit ba tuwing nababanggit ko ang pangalan ni jethro sa public iniisip nilang iyong singer iyon? Andami namang pangalang jethro eh." Sabi ko habang nagkakabit ng seatbelt.
"People always conclude things victoria." Sabi niya.
Tiningnan ko siya. "Si Armina?" Mahinang sabi ko. Tiningnan ko ang nakakuyom niyang kamao sa manibela. "Hindi ba nag-conclude siya na may babae ka kaya kayo naghiwalay?" I know that he is still in pain. Hindi ko lang mapigilang magtanong dahil alam ko at nasubaybayan ko ang apat na taon nilang relasyon.
"She fell out of love victoria..." singhap nito.
Napakagat ako ng ibabang labi. Is that even possible? Posible ba talagang mawala nalang bigla ang pagmamahal mo sa isang tao kahit matagal na kayo?
Is he still love me? Suminghap ako sa naisip. This is not right! Hindi ko na dapat iyon iniisip pa....wala na dapat akong pakialam doon.
"I heard she's already engage...." mahinang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "What?" Di makapaniwalang tiningnan ko siya. "Wala pang tatlong buwan kayong hiwalay meron na kaagad siyang bago?" Gulat kong tanong.
Hindi na siya nagsalita. Tinitigan ko lang siya kapagkuwan ay napabuntong hininga nalang. I know that armina loves him. I saw it! I saw the love and cared in her eyes whenever she's looking at him!
Hindi ako naniniwalang hindi na niya mahal si kuya. Umaasa pa rin akong magiging maayos sila....pero ano 'tong sinasabi ni kuya? Bakit engage na agad si armina sa ibang lalaki?
Ganon ba talaga kabilis mag-move on? Dalawang buwan at dalawang linggo lang? It's impossible......That's bullsht!
"Wag mo nang isipin ang nangyari sa'min victoria," Seryosong sabi ni kuya. Nagtagis ang bagang niya. "I'll fix everything. I will have her again in any means..." Madiin niyang wika.
Napatitig ako sa kaniya. He looks determined!
Tipid akong ngumiti. "Goodluck then," Ngisi ko sa kaniya.
Nauna na akong bumaba sa kaniya. Masakit na sa balat ang araw kaya mabilis na ang kilos ko nang buksan ko ang pintuan ng backseat para kunin mula roon ang dalawang cake na binili namin para kay jethro.
Naalala ko na may plano pala kaming mag-beach noong nasa states palang kami! Kailan kaya pa-planuhin iyon nila mike? Sana mag-plano na sila hanggat hindi pa dumadating ang ikatlong exhibit ko at ang party for a cost ng pamilya.
"Mauna kana muna sa loob victoria. May kailangan lang akong kausapin." Sabi ni kuya.
Tumango ako. "Okay."
Nauna na nga akong pumasok sa loob ng restaurant. Maayos na ang mga tables at abala na halos lahat lalo na sa pagkain para mamaya. May mga bulaklak na rin sa bawat table tulad ng gusto ni lola, mas mukha daw kasing desente para sa kaniya kapag may mga bulaklak sa mga tables.
"Ma'am! Tulungan ko na po kayo sa hawak niyo...." Napatingin ako sa waiter na lumapit sa 'kin.
Tipid akong ngumiti at inabot sa kaniya ang dalwang kahong hawak. "Thank you..."
Naglakad ako papunta sa madalas kong pwesto noon kapag nandito ako. Hindi pa rin pala ito inaalis ni mrs. Benitez. Napangiti ako at umupo sa wooden chair, binaba ko ang kamay ko sa lamesang walang nakatakip na tela atsaka iyon marahang hinaplos. Still...soft and look new.
Sumulyap ako sa isa pang upuan sa aking harap. Naalala ko noon na diyan siya nakaupo. Masaya ang una't huli naming punta rito. Isang memorya na gusto ko mang balikan ay mali na. Tulad ng sinabi ko...hindi na kami pwede ni skyrile.
"Alam namin na babalik ka dito kaya iniwan talaga namin ang pwestong iyan para sa'yo."
Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa atsaka ito dinambahan ng yakap. "Mr. Benitez!" Masayang wika ko.
Napahalakhak ito. "I miss you too, anak." Natatawang aniya. Anak ang parati niyang tawag sa'kin dahil parang anak niya na daw ako.
I giggle. "How are you?" Tanong ko.
"I'm perfectly fine iha..." Ngumisi ito atsaka ako ginaya paupo sa isang table malapit sa pwesto namin. "Pasensiya na at ngayon lang kita nilapitan, busy kasi sa kitchen kanina." Halakhak nito.
Tumango ako. "I understand po." Ngisi ko din.
"Are you staying here for good?" Tanong niya.
"It depends po mr. Benitez. Kung gusto ni lola rito, dito po muna kami." Sabi ko.
Tumango ito. "Your lola suffered a lot this past few months...." nakiki-simpatya niyang wika.
Ngumiti na lamang ako. Mula ng mamatay si lolo ay lumungkot na si lola. Although, napapasaya pa rin namin siya pero alam naming lahat na iba pa rin kung kasama niya si lolo.
Nakakalungkot lang na kailangan nang mamaalam ni lolo sa mundo. I just hope that lola will be happy in staying here.
"By the---" Naputol ang akmang sasabihin niya pa ng makarinig kami ng ingay mula sa labas.
Napatayo kaming pareho at sabay na nilingon ang entrance ng restaurant. May mga taong nagkakagulo roon....mga media!
"Bakit nandito sila?" Takang tanong ko. Imposible namang dahil kay jethro, lihim ang pag-uwi niya rito. Tanging kami lang ang nakakaalam. "Sino pong pinagkakaguluhan nila sa labas?" Tanong ko kay mr. Benitez.
Nagkibit balikat ito. "Baka natunugan ng mga media na nandito ang buong pamilya ninyo ngayon." Aniya.
"Ang bilis po ng source nila kung ganon." Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi magiging tahimik at pribado ang lunch na gusto namin rito.
Nagpaalam na muna ako kay mr. Benitez para silipin si kuya. Baka hindi iyon makapasok sa dami ng media sa paligid. Baka madumog pa siya.
He's one of the famous bachelor in town, he's a big news to everyone. Baka hindi na iyon makalampas sa dami ng media.
"Ma'am wag na po muna kayong lumabas." Harang ng guard sa'kin.
Sumilip ako sa labas. "Nakita mo ba ang kuya ko? Iyong kasama ko kanina?" Tanong ko nalang.
"Opo!" Tumango ito. "Sinalubong niya po iyong mga lumabas ng itim na suv. Hindi nga lang po sila makapasok dahil sa mga media." Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Nakita mo ba kung sino ang sinundo niya?" Takang tanong ko.
"Hindi po e." Iling niya.
Tumango nalang ako at nag-abang sa entrance. May mga bodyguards akong nakitang nagtataboy sa mga media. Tumayo ako ng tuwid ng mahawi ang tao at nagkaroon ng maliit na daan sa gitna.
Dumungaw ako at tiningnan kung sino nga ba ang mga pinagkakaguluhan nila. Imposible namang sila mommy iyon, kasi mamayang konti pa ang dating nila.
"Governor?!"
"May gusto lang po kaming itanong gov.?"
Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran ko ang mga pamilyar na mukha ang papasok ng restaurant. Umawang ang bibig ko at nagningning ang mga mata sa sobrang excitement.
"Kuya!" Dinambahan ko ito ng yakap pagkapasok na pagkapasok niya nang restaurant. "I miss you!"
He chuckled. "I miss you too victoria. My forever aria..." aniya.
He really like my past name. Noong nasa states ako ay dumadalaw siya sa'kin buwan buwan pero hindi pa rin niya naaalis sa isipan ang dati kong pangalan.
Ang sabi niya'y....para sa kaniya, ako pa rin ang aria na kilala niya. Ako pa rin naman iyong kapatid niya, wala namang nagbago sa'kin bukod sa pangalan ko at sa bago kong pamilya.
I'm still the girl before but not the aria de guzman anymore.
"Where is ate naya and pony?" Paghahanap ko sa mag-ina niya. He was 3 years married with ate naya, anak naman nila ang 2 taon at 4 na buwan na si pony. Kilala ko na sila dahil madalas silang dalawa sa states noon lalo na kapag abala si kuya.
"They are on their way here..." Ngiti nito. "By the way, i'm with mom and grandma...." Aniya sabay baling sa entrance ng restaurant kung saan papasok ang tatlong taong tinutukoy niya. "They were excited to see you..." Mahinang sabi ni kuya.
Nabura ang malawak na ngiti sa labi ko at napalitan na lamang ng isang tipid at pilit na ngiti. I didn't expect to see them. I am not yet ready.....
Suminghap ako at bahagyang napaatras. Ngumiti ang mommy ni kuya sa'kin samantalang nanatili namang walang expression ang mukha ang matandang kasama.
Napalunok ako ng yakapin ako ni mrs. De guzman or mrs. Archimedes, iyan na dapat ang tawag ko sa kaniya. She's not my mom anymore. "Aria! I'm very happy to see you again...." bulong nito.
Hindi ako nakapagsalita. Naguguluhan ako. Why is she hugging me? Hindi na ba siya galit sa'kin? Kumurap kurap ako at dahan dahang lumayo sa kaniya.
"Aria..." Bumakas ang lungkot sa kaniyang mga mata nang humakbang ako ulit palayo sa kaniya.
Umawang lamang ang bibig ko. Naguguluhang napatingin ako kay kuya. Anong nangyayari? Bakit iba ang trato ng mommy niya sa'kin ngayon? Bakit parang ang bait bait na nito sa'kin?
"How are you aria?" Bumaling ang tingin ko sa matandang De guzman nang tanungin ako nito.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "I'm fine...." Napabuga ako ng hangin. "And my name is victoria not aria...." Kunot noong sabi ko.
"Victoria." Nilapitan ako ni kuya at hinawakan sa braso. "Why won't you give them a hug? They missed you." Ngiti nito.
I don't believe him. Kilala ko ang dalawang taong nasa harapan ko. They are not capable to miss me. I know that i'm still the unwanted girl before.
"Victoria!" Nagulat ako ng may biglang humigit sa'kin. Maski sila kuya ay nagulat din. Nag-angat ako ng tingin kay kuya vlane na hinihingal pang lumapit sa'min. "I didn't give you permission to bring them here Governor! And don't fvcking force victoria to welcome your family as if they've been good to her!" Galit na singhal ni kuya vlane.
"Kuya...." Gulat kong asal. He's too harsh.
"They are also her family vlane." Malamig na wika ni kuya.
"Not anymore." Asik nito.
Napalunok ako. Napatingin ako sa mga media sa labas na tuloy tuloy pa ring kumukuha ng litrato sa'min.
"They're still." Giit ni kuya zoello.
Tumiim ang bagang ni kuya vlane. "I shouldn't invite you here." Madiing wika ni kuya.
Sasagot pa sana si kuya zoel nang pumagitna na ako sa kanila. "Stop." Mahinang sabi ko. Tiningnan ko sila pareho. "Don't make a scene please? I want a peaceful and happy lunch for lola." Sabi ko bago sila iniwan doon.
Napahilamos ako ng mukha. This is not a good idea. Siguradong magkakagulo mamaya. I don't like that to happen, not infront of lola. Ayokong pati ito ay ma-stress.
"Are you okay?" Tanong ni kuya vlane nang sundan niya ako.
Tumango ako at sinulyapan sila kuya zoel na nakaupo sa isang table at nakatingin sa'kin. Tipid ko lang silang nginitian bago bumaling kay kuya.
"Ayokong magkagulo mamaya kuya." Sabi ko.
"Don't worry." Huminga siya ng malalim. "Our lunch will be fine." Aniya.
I hope so.
Ayokong ma-headline kami at ang dalawang pamilya. Baka bumalik na naman ang issue dati. Ayokong gumulo ulit.
Napatingin ako sa waiter na lumapit sa'min. Binigyan ako nito ng isang basong tubig na pinagtaka ko. Hindi naman kasi ako humingi.
"Thank you." Buntong hininga ni kuya. Napatingin ako sa kaniya ng may dukutin siya sa bulsa. "Uminom kana muna ng gamot mo." Masuyong aniya atsaka nilagay sa kamay ko ang isang pamilyar na tableta ng gamot. It was my vitamin and stress reliever na nireseta ng doctor. Kailangan ko daw itong inumin every time i sense trouble.
"Thank you kuya but i'm fine...." Humugot ako ng malalim na hininga. Tinapat ko ang kamay ko sa taas ng aking dibdib kung saan normal na tumitibok ang puso ko. "My heart is fine too." I assured to him.
"I know." Ngumisi siya. "But i still want you to drink that..." Aniya.
Ngumiti na lamang ako at ginawa ang gusto niya. Mabilis kong ininom ang gamot ko para hindi na siya mag-alala.
"Sila mommy pala?" Tanong ko.
"Papunta na sila." Nagkibit balikat siya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa atsaka iyon tiningnan. "Tatawagan ko lang sila..." sabi niya bago bahagyang lumayo sa'kin.
Tumango lang ako at muling tiningnan sila kuya. Gusto ko silang lapitan pero para saan naman? They don't like me for the first place...kaya nga nagulat ako ng makitang nandito sila.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni kuya bago niya ako nilapitan. Inabot niya ang kamay ko at seryosong tinignan. "You're not comfortable..." Aniya.
Umawang lang ang labi ko. Napalunok ako at napayuko. Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko sila ngayon. Hindi ako nakapag-handa.
"I'm sorry..." Aniya.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "It's okay kuya. Can you just talk to them to not do anything to ruin this day?" Mahinang sabi ko.
"I will...." Sabi niya.
"Ar-victoria?" Sabay kaming napalingon ni kuya sa nagsalita.
"Not now, mom." Baling ni kuya rito.
"Can i talk to you?" Garalgal ang boses niyang tanong.
Tiningnan ko saglit si kuya bago muling bumaling sa kaniya. Tipid akong ngumiti, "Sige po." Tumango ako.
I feel like i can't say no to her. Parang hindi ko siya kayang tanggihan, siguro dahil nire-respeto ko pa rin siya.
"Dito nalang kayo mag-usap, maraming media sa labas." Sabi ni kuya atsaka bumuntong hininga.
Tinanguan ko lang siya. Tumalikod ako at naglakad papunta sa harap ng artistic fountain. Ganoon pa rin ang itsura nito tulad noon, maganda pa rin at nakakagaan ng pakiramdam.
"How are you? Noong nalaman ko na may sakit ka sa puso at kailangan ng operahan ay gusto kitang puntahan kaya lang...." Hindi na niya natuloy ang balak sabihin.
Mapait akong ngumiti. "Kaya lang hindi ka pa handang harapin si daddy." Sabi ko. Hindi siya sumagot. "Bakit po ngayon, nandito ka? Handa kana bang harapin siya?" Tanong ko.
Kaya niya bang harapin si daddy? Nabawasan na ba ng bahagya ang galit niya rito? Sana oo.
"Nandito ako para sa'yo." Naluluhang aniya.
Napayuko ako. Ngayon pa ba mom? Ngayon pa ba kung kailan masaya na ako sa bago kong pamilya?
"Bumalik kana sa'kin....anak...." Garalgal ang boses niyang pakiusap. "Limang taon kang nawala sa'kin...baka pwedeng umuwi ka na sa bahay..." sabi niya pa.
Napasinghap ako at bahagyang humakbang palayo sa kaniya. Tinitigan ko siya. "Ngayon mo lang ako tinawag na anak..." hindi makapaniwalang sabi ko. Huminga ako ng malalim. "Bata pa po ako gusto ko na iyang marinig mula sa inyo." Mapait akong ngumiti. "Pero hindi na po ako pwedeng bumalik sa inyo...."
"Bakit?" Puno ng sakit at pait niyang tanong. Inabot niya ang kamay ko atsaka iyon hinawakan ng mahigpit. "Alam ko na ngayon kung gaano ka ka-importante sa'kin. Hindi ko na kayang mawalay pa sa'yo." Hagulgol niya.
Napapikit ako. "May bago na ho akong pamilya at ayoko silang iwan." Hindi ko alam kung bakit walang luhang tumutulo mula sa mga mata ko gayong ang bigat bigat naman ng dibdib ko. Basta ang alam ko lang ay ayaw kong ipagpalit ang pamilya ko ngayon para sa kaniya. "Mahal na mahal ko po sila at mahal na mahal nila ako..."
"Paano ako anak? Ako ang mommy mo! Dapat sa'kin ka!" Frustrated at puno ng luhang aniya.
Napailing ako. Marahan kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya.
"Matagal na ho kayong nawalan ng karapatan sa'kin. I'm sorry."