Kinalma ko lang muna ang sarili ko bago sila inayang maupo muna sa gilid. Doon sa mga upuang para sa mga nag-aantay ng flight nila. Tutal wala naman atang magpapalayas sa'min dito dahil kasama ko si Kuya. Nakapasok rin naman kami kanina ng walang tanong tanong kaya okay lang siguro kung magtagal kami kahit saglit. "Wala bang masaket sa'yo, Apo? Ang sugat mo?" Tanong ni Lola nang abutan niya ako ng bote ng tubig. Umiling ako at tinanggap 'yon. Uminom muna ako bago siya sinagot. "Wala naman po, Lola. I'm fine..." Sabi ko. Hinahagod naman ni Mommy ang likod ko kahit kalmado na naman 'ko. "Magpahinga muna tayo dito para hindi mabigla ang katawan mo." Sabi ni Mommy. "Zoel, samahan mo na muna ang Lola mo sa sasakyan namin. Susunod nalang kami ng kapatid mo." Utos ni Mommy kay Kuya. Mabilis n

