Hindi ko na alam kung ilang ulit ko pang binasa ang nakasulat sa papel na inabot ni Jena. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang mariing tinititigan ang maliit na kapiraso ng papel, na hindi ko na mabitawan kanina pa. "Ano bang nakasulat sa papel, Victoria? Bakit lumong lumo ang itsura mo?" Usisa ni Daddy. Napansin niya rin ata ang pananahimik ko sa likod nila. "Sa Friday pa pala ang flight nila, Daddy. 10am sharp. Apat na araw pa pala ang kailangan kong antayin para makausap ko sila." Gusto ko kasi sanang matapos ito ngayon o bukas. Ayoko na sanang patagalin pa dahil may nag-aantay sa'kin. I sighed. Apat na araw pa pala ang kailangan kong tiisin at antayin. Kamusta na kaya si Skyrile? Kumakain ba siya ng maayos? Nakakatulog ba siya ng mapayapa? Na

