Sa dami na nang napagdaanan ko. May mga bagay akong natutunan, iyon ay ang bigyan ng importansiya ang mga taong nagmamahal sa akin, alagaan sila at protektahan sa lahat ng pwedeng makasakit sa kanila. "Nandito na po tayo, ma'am." Napakurap ako at tumingin sa labas ng bintana. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko...basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang maayos ang lahat. "Hihintayin ko pa ho ba kayo?" Tanong ni manong taxi driver. Taxi lang kasi ang sinakyan ko ngayon para hindi malaman nila daddy kung saan ako pupunta. Wala akong pinagsabihan sa gagawin kong ito. Ayoko kasing mag-alala pa sila sa'kin. "Hindi na po, manong. Thank you..." Inabot ko na ang bayad sa kaniya atsaka na bumaba. Luminga ako sa paligid nang umalis

