"LADIES AND GENTLEMEN, OUR VERY OWN MS. VICTORIA MURIEL DELA FUENTES!" Narinig ko ang palakpakan ng lahat. Bumukas na ang ilaw kasabay ng musikang pumalibot sa buong lugar habang nagpipinta ako. Tumingin ako sa emcee at ngumiti rito. Ilang taon na itong emcee sa mga auction ng aming pamilya kaya kilala ko na rin ito. He was famous pagdating sa mga ganitong bagay kaya marami ang kumukuha sa kaniya. Luckily, ay nanatili siya sa amin hanggang ngayon. Tumayo na ako at humarap naman sa mga nanununod para kumaway. Natawa pa ako nang marinig ang mga sigawan ng mga pinsan ko. Sila lamang ang maingay kaya hindi ko maiwasan ang isiping para silang mga bata. "Do you want to say something, Ms. Victoria?" Tanong ni Harry, the emcee. Tiningnan ko ito at inilingan. I'm not fan of this kind of....pub

