Episode 3

2066 Words
Someone's POV Habang nasa ilalim ako ng punong Acacia at nakaupo sa mga bangko dito ay hindi ko mapigilan hindi mag-init sa twing nakikita ko ang mga litrato ni Marrie Anna. Kahit naka-side view lang siya ay talaga naman nakakapanindig balahibo ang ganda niya. "Magiging akin karin Anna. Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako napapansin"  Pagkasabi ko nito ay agad kong hinalikan ang picture niya na nakaupo habang nagbababasa. Ang dami na niyang stolen picture sa akin at ito lang ang nakapuno ng gallery ko. Hindi ko napigilan mang init ang aking katawan nang maalala ko ang minsanan na nabasa ang damit niya dahil natapunan ng iniinum kong Juice dahil bigla siyang natapilok at sakto naman na ito ang natapik niya kaya nabasa siya. Kitang-kita ko ang ganda ng hubog ng dibdib niya at ang ganda ng katawan niya. "Ang sarap mo siguro kasama sa kama" bulong ko sa sarili ko. Mayamaya pa ay agad na akong pumasok dahil baka kung ano pa ang magawa ko ng wala sa oras. CRIZLE's POV "Gino!" Tawag ko kay Gino nang makapasok ako ng classroom dahil magsisimula na ang klase ay wala parin si Anna. Agad naman siyang napalingon sa akin at huminto. "Bakit Criz?" Takang tanong nito sa akin. "Nakita mo ba si Anna?" Tanong ko rito pagkalapit ko sa kanya. "Hindi pa. Bakit?" Reply nito sa akin at kinuha ang cellphone nito dahil nagvibrate at agad na binasa ang laman ng mensahe. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Gino pagkabasa niya ng message sa phone niya. Nacurious naman ako dito kaya agad akong napatanong. "Anong laman ng mensahe Gino?" Takang tanong ko rito.  "Nasa hospital si Anna" nabigla ako sa sinabi nito. Pagkasabi niya ay agad naman siyang tumakbo habang hawak-hawak ang kamay ko. Sa diko malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng tuwa pagkadikit ng kamay namin ni Gino. Agad akong napabalik sa kabihasanan ng sumigaw ito. "CRIZLEJYNE ANGELES!!" pagkakita ko sa mukha ni Gino ay bahagya akong napatawa. Nakakatawa kasi ang hitsura niya kapag naiinis. Ang cute niya. "Bakit?" Takang tanong ko rito. Nakita kong mas lalong kumunot ang noo nito pagkakita sa nakangiting ekspresyon ko habang nagtatanong sa kanya. "Sasama kaba sa hospital o hindi?!" Agad naman akong pumasok sa kotse nito pagkakita ko sa galit na mukha niya. Nakita kong agad naman siyang umikot at pumasok sa driver seat at agad na pinaharurot ang Lamborgini nito na kulay blue. "Woooh Chillax bro!" Nakataas kong kilay na sabi rito dahil halos paliparin na niya ang kotse.  Ang init lagi ng ulo ng mokong na 'to. Sabi ko sa isip-isip ko. "Shut up!" Pagkarinig ko non ay hindi na lang ako umimik dahil kita ko ang galit sa mukha nito. "Oh My GOD!" Bulalas ko dahil muntikan na akong mapasubsob sa salamin ng kotse nang bigla itong huminto. "Problema m---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil mabilis siyang lumabas ng kotse. Agad ko naman sinundan ng tingin kung saan siya pupunta. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa taong puno ng dugo ang buong katawan na nakahiga sa semento. Mabilis akong lumabas ng kotse at lumapit kay Gino na nakasabunot sa buhok nito habang problemadong nakatingin sa babaeng walang malay at puno ng dugo ang buong damit. "Is she okay?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko pero nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Patay na siya" MARRIE's POV Agad na akong umuwi sa bahay nang malaman kong hindi naman ganoon kalubha ang pagkabangga sa pasyente at pwedi naman daw itong bumaba anumang oras. Kinabukasan ay exam na namin subalit tila hindi ako mapakali dahil sa nangyari kahapon. Kaya sa halip na isipin ko 'yun ay nagpokus na lamang ako sa test paper ko. "Mind your paper!" Sigaw ni Prof. Lita sa isang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ko naman masasabing bobo o nangongopya ito dahil laging nakatoon ang atensyon sa dala-dala nitong aklat. Lagi ko rin siyang nakikitang nagta-take down note kapag may lecture. Agad siyang napatingin kay Prof. Lita na nakataas ang kilay habang nakalagay ang dalawang kamay sa baywang. Agad naman akong nagpokus sa aking exam dahil baka ako pa ang mapagalitan. Alam mo yung piling na sarili mong wika ay nano-nosebleed ka? Ganoon ang nangyayari sa akin ngayon. Anong payak? Anong kolokyal? Anong balbal? At ang matindi... Tayo Tay! I mean "tayutay".. Kaasar! English major ako pero kailangan ko pang pagdaanan ito. Kakatapos na nga lang ng madugong exam ko sa part two ng math na may mga numerong ngumingiti sa akin at inaasar ako dahil hindi ko raw sila kayang sagutin. Ito na naman sa madugong tagalog... Sarap magbigti! Agad akong napabalik sa aking ulirat ng may biglang naglagay ng answer sa test paper ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong kodigo ito. Nagkataon naman na lumapit si Prof. Lita sa akin. "Give me your test paper Marrie Anna and you may go out!" Sabi nito sa akin. Hindi ko masabing galit o naiinis dahil mahinahon ang pagkakasabi nito. Bwesit! Agad akong nagpalinga-linga sa mga classmate ko na malapit sa tabi ko at nagbakasakaling makita kung sino ang nagtapon nito sa akin pero bigo ako dahil lahat sila ay halos lunukin na ang test paper sa sobrang pokus nila. Oras na malaman ko kung sino ang gumawa noon ay makakatikim talaga sa akin. *** Labag man sa kalooban ko ay bagsak balikat akong lumabas ng classroom at naghintay ng isang oras para sa last period namin sa umagang ito. "O Marrie Anna bakit nasa labas ka? Tapos kana ba mag-exam?" Agad akong napatingin sa taong nagsalita at pagkakita ko sa taong nasa harapan ko ay para akong binuhusan ng isang libong tanky tubig na may napakaraming yelo. Si Madam chancellor ay nakita akong nakatayo sa labas ng classroom. Patay ako nito. Iniingatan ko pa naman masyado ang grado ko dahil ayokong mabigo ang mga magulang ko. "Ahhh kasi po madam kwan---" anong sasabihin ko.. "May naiwa---" agad akong napatigil sa pagsasalita at napalingon kay Prof. Lita na nagsalita sa likod ko. "Nahuli ko siyang may kodigo Madam" sabi nito sabay tingin sa akin ng "YARI KA NGAYON!" Agad naman akong napayuko dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang masaganang tubig sa mga mata ko sa inis, asar at hiya sa mga nangyayari. MAGBABAYAD SA AKIN ANG GUMAWA NITO! Sigaw ko sa isip ko sabay kuyom ng daliri. "See you at my office Ms. Dela Cruz later" sabi ni Madam Jehan bago umalis. Pagkatalikod nito ay agad akong tumakbo palayo sa impyernong classroom na iyon. "AAAHHH!" SOMEONE's POV Agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na hinanap ang number ni Recardo. "Bro. Successful!" Text ko dito at agad naman ini-sent. Pero kanina pa ako naghihintay ng reply nito ay ni isa wala na akong natanggap. Kainis! Kanina pa nag-iinit ang katawan ko sa babaeng iyon. Hindi ko alam pero kahit presensya niya lang ang nakikita ko ay naglulukso na ang dugo ko. Sa twing naaamoy ko ang pabango nito na Victoria's Secret ay hindi ko mapigilan hindi mapatitig sa bandang pagitan ng hita nito. "Takte! What the hell happening to me?" Bulalas kong sabi na agad kong ikinatahimik dahil halos lahat ng mga mata ng mga classmate ko ay napatingin sa akin. "Yes! Mr. De Castro?" Nakataas kilay na tanong sa akin ni Prof. Lita. Hindi na lamang ako umimik at agad na akong nagpokus sa pagsagot ng walang kataposan parirala at tambalan. Kainis! Mathematics ang Major ko pero bakit kailangan ko pang pag-aralan ito. Dumudugo lang ang ilong ko. Natapon ko tuloy ang kodigo ko kay Marrie Anna nang tumingin si Prof. Sa akin habang hawak ko ito. "Takte!" MARRIE's POV Hindi ko mapigilan hindi mapaiyak pagkadating ko sa likod ng classroom namin. Sa twing naaalala ko ang kahihiyan na nangyari sa akin ay hindi ko mapigilan hindi mapahagulgol. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa ako nahuling nangodigo sa katotohanan hindi ko naman talaga ginawa. Unti-unti akong napaupo sa damuhan habang umiiyak. Ang sakit. Yari talaga sa akin kapag nalaman ko kung sinong tao ang gumawa sa akin ng bagay na iyon. "Are you okay?" Agad akong napa-angat ng ulo pagkarinig ko sa taong nagsalita. Bahagya akong napatayo ng makita ko ang mukha nito. "May nasabi ba akong mali?" Nakakunot noong tanong nito sa akin dahil hindi ko mapigilan hindi mapatitig sa gwapong mukha nito. Agad naman akong umiwas ng tingin nang marealize kong napatitig ako sa kanya. "Ito panyo" sabi nito sabay bigay sa akin ng panyo pero di ko ito kinuha. Hindi kasi ako kumakausap ng hindi ko kilala. "Kunin mo na. Don't worry hindi ko pa nagagamit yan" dahil sa sinabi nito ay mas lalong akong nahiyang kunin ito. "Salamat na lang" sabi ko rito at mabilisan tumalikod sa kanya. Akmang aalis na ako ng bigla ako nitong hawakan sa kamay. "Sandali" sabi nito sabay bigay sa akin ng isang piraso ng papel. Agad naman akong napakunot ng noo pagkakita ko sa kamay niya. "Naiwan mo" tipid na sabi nito. Agad ko naman itong kinuha kahit nalilito ako. Pagkakuha ko nito ay mabilisan naman akong umalis dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya. " I am Mario. Nice to meet you Anna!" Sigaw nito na agad nagpahinto sa akin. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Mukhang matagal na ako nitong kilala samantalang ako ay ngayon ko lamang nakita ang postura niya. Hindi na lamang akong nag-aksaya ng oras at agad na akong tumungo sa office ni Madam Jehan dahil exactly 11:30 am na. Pagkarating ko ay agad Kong nakita si Prof. Lita na nakataas ang kaliwang kilay. "Tuloy ka Ms. Dela Cruz" sabi nito at agad na akong pumasok. *** "Ahhhh KUNG SINO KA MAN NA SUMIRA SA PANGALAN KO AY YARI KA TALAGA SA AKIN PUTANG INA MO!!!" Sigaw ko sa field habang pilit na tinatanggal ang galit na nabubuo sa puso ko. "Magandang way yan para mailabas mo lahat ng galit mo" agad naman akong napatingin sa taong nagsalita sa likod ko. Nakita ko itong nakangiti ng napakalapad kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti rin. "Gino. KAnina ka pa?" Tanong ko rito pagkalapit niya sa akin sabay yakap. Nasa field kami ngayon ng campus at nagtambay na naman. Ayaw ko pa kasi umuwi ng bahay dahil wala rin ginagawa doon. "Totoo ba itong nababalitaan ko Anna?" Tanong nito sa akon pagkaupo namin. Agad naman akong napayuko dahil hindi ko kayang iharap ang mukha ko sa kanya. Ang laki kasi ng tiwala nito sa akin. Naramdaman ko na lamang ang pagpilipit ng kamay nito sa baywang ko. Ang sarap sa pakiramdam na lagi siyang nandiyan para damayan ako. Sa sayang aking nadarama na kasama ko siya at sa dami ng kalokohan niya para makalimutan ko ang problema ko. Hindi namin namalayan ang oras ay dumidilim na. "Uwi na tayo" yaya nito sa akin at agad naman kaming tumayo at pumunta na sa parking area. Pero agad akong napahinto ng huminto ito na animoy may hinahanap sa bulsa. "May problema ba?" Takang tanong ko rito dahil parang may hinahanap siya. "Sandali Anna. Nawawala ang susi ng sasakyan ko. Balikan ko muna sa inupuan natin kanina" pagkasabi nito ay agad na ako nitong iniwan at mabilisan tumakbo. Agad kong kinapa ang cellhone ko sa bulsa ko at binasa ang mensahe na dumating dito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang laman ng text message. "Oras na para patayin ka!" Nakaramdam ako ng unti-unting pagtayo ng balahibo sa aking batok at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Agad akong nagpalinga-linga sa bawat sulok ng parking lot pero tanging tahimik na lugar lamang ang aking nakikita at tanging mga sasakyan lamang na walang tao ang nandito. Wala na akong nakikitang tao kahit saan. Bahagya akong humakbang pabalik sa paaralan para sundan si Gino ng may bigla akong nakitang tao sa harap ko. Bahagya akong napaatras ng makita ko ang postura nito. Nakasuot ito ng itim na damit at may maskara. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng unti-unti itong humakbang palapit sa akin. Akmang sisigaw na ako ng bigla naman akong may nabanggang tao sa likod ko dahilan para mapaatras ako pabalik. Kinakabahan na talaga ako. Nabibingi ako ng t***k ng puso ko sa lakas nito. "Anong kailangan niyo sa akin?" Nanginginig na tanong ko sa kanila pero hindi sila nagsalita. May isang postura na naman ng isang taong balot na balot ng itim na tela ang lumabas. Gino?? Saan kana? Sigaw ko sa isip-isip ko sa sobrang takot na nadarama. Akmang tatakbo na ako pero mabilisan ako nitong nahawakan sa kamay at mabilis na pinagtulungan. "TULOOONGGG!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. "BITAWAN NIYO AKO!!!"  Pilit parin akong nagpupumiglas pero napatigil ako ng may nilagay silang isang tuwalya sa mukha ko. Pagka-amoy ko nito ay para akong nawalan ng lakas at bahagyang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Unti-unti na akong napapapikit ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. "Nagtagumpay tayo pare. Mukha ngang masarap ang babaeng ito. Nasasabik na ako" Ang huling kataga na aking narinig bago ako tuluyan mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD