Episode 2

1922 Words
MARRIE's POV Habang katext ko si Gino ay hindi ko mapigilan hindi kabahan ng makaramdam ako ng taong nagmamasid sa 'kin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko talaga kasi ay may nanunuod sa akin. Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagpalinga-linga sa bawat sulok ng aking kwarto. Una kong pinuntahan ang aking cabinet dahil nakarinig ako ng kaluskos dito. Habang papalapit ako rito ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko tumatayo ang balahibo ko. Naaalala ko kasi ang mga napapanuod ko na mga movie. Ganitong-ganito ang mga moments and scene na nangyayari sa kanila. Agad kong iniwaksi sa isipan ko 'yun kasi mas lalo akong kinakabahan sa mga naiisip ko. Unti-unti kong hinawakan ang pintuan ng closet ko. Kahit kinakabahan ako ay mabilisan kong binuksan ang pintuan nito pero isang kamangha-manghang katahimikan ang bumungad sa akin. Agad akong napalingon sa banyo ng kwarto ko ng makarinig ako ng tunog nang nahulog na bagay doon. Unti-unti akong humakbang patungo roon. Kinakabahan na talaga ako. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon. Tumitindig lahat ng balahibo ko sa katawan at ang bilis ng t***k ng puso ko na halos lumabas na ito sa dibdib ko. "Yaya ikaw ba 'yan?" Tanong ko rito habang binabaybay ko ang banyo ng kwarto ko. Pero bigo ako kasi ni imik ay wala akong narinig. Nagsisimula na naman magmistulang delobyo ang t***k ng puso ko na animoy nasa karera ito sa bilis ng t***k. Unti-unti ko nang pinihit ang doorknob ng pintuan ng banyo ko. Habang pinipihit ko ito ay nanghihina ako. Unti-unit kong kinalma ang sarili ko at inihanda sa kung anuman ang mangyayari sa akin ngayon. Unti-unti kasing rumerehistro sa balintataw ng aking mga mata ang mga scene sa horror movie. God! I hate watching horror kasi hindi talaga agad ito nawawala sa aking isipan at lagi itong nagre-rewind. Mabilisan ko nang tinulak ang pintuan at laking gulat ko ng isang postura ng lalaki ang nasa harapan ko. Unti-unti itong lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang taong nasa loob ng banyo ko. "Tito? What are you doing here?" Takang tanong ko rito pero hindi ito umimik sa halip unti-unti siyang lumapit sa akin. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay dumoble pa sa nararamdaman ko ngayon. Nakaramdam ako ng butil ng pawis sa noo ko nang makita ko ang ekspredyon ng mukha nito. Masyadong seryoso at hindi ko lubos makilala at malaman kung ano ang emotion na bumabalot sa pagkatao niya. Halos manghina ako ng maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa pisngi ko. Naramdaman ko ang init dulot ng magnet sa katawan niya na parang pumuno sa loob ng banyo. Nakatopless kasi siya at tanging towel lang ang natatanging naiwan na pantakip sa katawan niya. Ang butil ng pawis kanina ay halos naging isang lawa na ng tubig sa katawan ko sa sobrang kaba sa hindi ko malaman ginagawa niya ngayon. Hindi siya ang tito ko na masaya at nakakausap ko ng mga problema ko. Ibang-iba ang awra niya ngayon. Bahagya akong napa-atras ng unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa hindi ko malaman na dahilan ay unti-unting tumulo ang luha ko. Natatakot ako sa pweding mangyari. Gusto kong sumigaw pero nawawalan ako ng boses. Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako. Gusto ko siyang sampalin pero halos kapusin ako ng hininga. Hindi ko namalayan ang sarili ko ay bigla na lamang dumapo ang mainit kong palad sa pisngi nito dahilan para mapa-atras siya ng bahagya. "Tito? Anong nangyayari sa iyo?" Hagulgol kong sabi. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito at inikot ang paningin sa kabuowan ng banyo. "Sorry Anna. Sorry!" Sabi nito sabay hawak sa ulo at inyugyog ito. "Sorry! I thought ikaw ang Merlinda" sabi nito habang hawak-hawak parin ang ulo at nakasabunot ang mga daliri niya sa kanyang buhok. Si Merlinda ay asawa ni tito Noel na pumanaw na 5 months ago. Naaksidenti siya at halos hindi makilala ang mukha dahil nakakiskis ito sa semento. Putol din ang kaliwang hita niya. Agad naman itong isinugod sa hospital subalit binawian na ito ng buhay ng nasa daan pa lang. Kaya ganito na umasta si tito. Sabi niya ay kamukha ko raw ito. Tinuring din nila akong anak nila dahil wala silang anak nito. Kaya nakakapanibago si tito Noel ngayon. "Its okay tito" sabi ko rito at unti-unti na akong lumapit sa pintuan ng banyo pero bago ako lumabas ay tinignan ko muna siya. "Don't worry tito. Makakalimutan mo rin siya. Magbihis na po kayo" pagkasabi ko nito ay agad kong sinarado ang pinto. Pagkasarado ko nito ay hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol sa ginawa niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis parin ng t***k nito. Nanginginig ang katawan ko sa nangyari at para akong kinakapos ng hininga sa nangyari. Unti-unti na akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko at tuluyan ng lumabas dito. *** Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa refrigerator at kinuha ko ang isang pitsel doon na puno ng tubig at pumunta sa kusina para magkuha ng baso. Pagkalagay ko ng tubig sa baso ay agad ko itong tinungga dahil hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko. "Are you okay anak?" Agad akong napalingon sa taong nagsalita. Pagkakita ko sa nag-aalalang mukha ni mama ay agad ko siyang niyakap. Sa lakas ng pagkakayakap ko sa kanya ay napa-wooh siya kasi muntikan na kaming matumba. Naramdaman ko naman na sinuklian din niya ang yakap ko. "May problema ba anak?" Alalang Tanong ni mama sa akin habang hinahagod ang likod ko. "No mom. Im okay! Gusto ko lang po kayo mayakap" sabi ko rito kahit sa kaloob-looban ko ay natatakot parin ako. "Ang anak ko talaga" pagkasabi ni mama nito ay agad niya akong kinalas sa yakap niya. Pagkakalas niya ng yakap niya ay agad niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. "Anak kung may problema ka. Wag mong itago sa amin ha. Lagi kaming nandito para sa iyo okay" sabi nito na puno ng sensiridad. Ramdam na ramdam ko ang bawat kataga na kanyang sinabi. Tumango na lamang ako sa sinabi nito at niyakap siya muli. "Salamat mom!" Sabi ko rito. "O siya. MAtulog kana may klase kapa bukas" sabi niya sa akin at agad na kaming umalis sa kusina. PAgkalabas namin dito ay bigla na naman kumabog ang puso ko ng abnormal pagkakita ko sa postura ng taong nasa harapan namin. "O Noel? Gising kapa?" Sabi ni mama rito pagkakita niya. "OO ate. Hindi ako dinadalaw ng antok eh" pagkasabi nito ay agad naman siyang napabaling ng tingin sa akin. Kinakabahan na naman ako sa tingin niya. "May problema ba Anna?" Tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot. "Sige mom. Matutulog na ako" pagkasabi ko nito kay mama ay agad ko nang tinungo ang aking kwarto. Bago pa man ako makalayo ay narinig kong humingi ng tawad si Mama kay tito dahil problematic lang daw ako. Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad ko itong nilock. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k nito. Kinakabahan na naman ako. Unti-unti na akong humakbang patungo sa kama ko at humiga na rito. Kahit kinakabahan ako ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Sana hindi tama ang hinala ko sa nakikita ko kanina" bulong ko na lamang habang naaalala ko ang bawat titig at sulyap ni tito Noel sa akin. *** Kinabukasan ay hindi agad ako lumabas ng kwarto kahit tinatawag ako ni Yaya Jonna dahil ayoko na muna makasabay sa pagkain si tito Noel. Hindi ko alam pero mukhang natru-trauma ako sa ginawa niya kagabi. Mayamaya lang ay nakarinig na naman ako ng katok sa pintuan kasunod nito ang pagsasalita ng isang tao. "Marrie Anna Dela Cruz!!" Sigaw ni Yaya. Napangiti ako dahil sa pagsigaw niya at pagsambit niya ng buong pangalan ko. Alam ko kasing naiinis na ito.  "Yaya. Pakisabi mamaya na ako kakain. Maliligo muna ako!" Sigaw ko rito habang naglalakad patungong banyo. Matapos kong naligo ay agad ko ng hinanap ang uniform ko. Hindi na ako naglagay ng kung anu-ano pa sa mukha ko at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko pagkatapos kong sukalyin ito. Pagkababa ko ay agad na akong tumungo sa kusina at mabilis na nilatak ang pagkain na nakalatag doon. Agad naman akong napatigil sa pagsubo ng marinig ko ang boses ng taong nagsalita sa likod ko.  "Dahan-dahan lang sa pagsubo. Baka mabilaukan ka" sabi nito at agad na umupo sa kabilang side ng table.  Unti-unti na naman bumibilis ang t***k ng puso ko sa presensya niya. Agad akong naglagay ng tubig sa baso ko at ininum ito. Pagkainum ko ay agad ko nang niligpit ang plato ko na parang walang tao sa harapan ko. Mabilisan kong tinungo ang kusina at nilagay sa lababo ang platong ginamit ko kanina dahil ayokong makausap si tito ng matagal at makasama siya. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin sa likod ko habang nakatayo pero hinayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.  "Sorry about what had happen last night." Sabi nito pero hinayaan ko lang at tuloy-tuloy lang ako sa paghugas ng plato. Mayamaya pa ay naramdaman ko na siya sa tabi ko. Huminto muna ako sandali sa ginagawa ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at bahagya niya itong pinisil. Dahil sa ginawa niya. Heto na naman ang puso ko. Parang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Agad akong umalis ng matapos ko ang paghuhugas ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya pinapansin dahil natatakot parin ako. Pero bago ako tuluyan malayo ay napahinto ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. "Anna?" Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko pagkarinig ko sa pagtawag niya ng pangalan ko.  "Bitawan mo ako" mahinahon kong sabi rito pero hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. "Anna please. Sorry. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari kagabi" hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi sensiro ang sorry niya e. Kaya agad akong tumingin sa mukha niya na puno ng disappointment sa mukha ko. "Ok lang po tito. Bitawan mo na ako kasi male-late na po ako sa klase ko" nakangiting peke kong sabi rito at agad na hinugot ko ang hawak niyang kamay ko. Pero bago pa man ako maka-alis ay laking gulat ko ng maramdamamn ko ang pagpilipit ng kamay niya sa katawan ko. Niyakap niya ako? Sobrang higpit halos hindi na ako makahinga. "Sorry talaga" sa huling pagsabi niya ng sorry ay doon kopa naramdaman ang sensiridad nito. Hindi na lang ako umimik at hinayaan ko na lang siyang yakapin ako hanggang sa siya na mismo ang kumalas. Habang nasa byahe ako papuntang school ay hindi parin maalis ang takot ko sa presensya niya.  "Magkamukha ba talaga kami ni tita Merlinda?" Bulong ko at tuluyan ng lumabas ng bahay. Habang nasa byahe ako papuntang school ay hindi ko mapiglan ang sarili ko na maalala ang mga moment na iyon na masya kami ni Tita sa bahay habang wala si Mama. Sa kalagitnaan ng pagmomoment ko ay muntikan na akong mapasubsob sa upuan ng kotse dahil sa biglang paghinto ni manong. "Oh my God!" Bulalas ko at agad akong napatanong dito. "Anong problema manong?" Pero nakita kong nanlaki lang ang mga mata nito. Agad kong sinundan ng tingin ang bagay na tinitgnan niya at tila nakakita ng multo. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang babaeng nakahandusay sa semento at puno ng dugo ang buong katawan. Mabilisan akong lumabas ng kotse at agad na lumapit sa babaeng aming nabangga. Pagkalapit ko ay agad kong hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito at laking gulat ko ng makita ko ang mukha nito. "Marge?"  *** Dont forget to vote and comment. Just vote na lang kung tinatamad kayong magcomment. Thanks! Godbless!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD