Episode 1

1713 Words
MARRIE's POV "Ginooo!" Sigaw ko kay Gino dahil bigla akong ginulat nito. Pagkakitang namula ako ay agad naman tumakbo palayo, kaya heto kami ngayon. Parang mga timang na naghahabulan sa field ng campus. Mag aalas-5:00 na kasi ng hapon kaya masarap tumambay dito. Nakakarelax ng natutuyong brain cells sa exam namin sa math kanina. Mantakin mo, number na pinaghalo sa letters. Hellooo! English Major ako hindi mathematics. Bakit kailangan pa namin i-take ang subject na yan eh hindi naman namin yan maituturo kapag nasa field na kami. Tsk!  Kaya habang nagpapakawala ng stress. Nagtambay na muna kami dito sa field. Ang sarap sa piling ang ihip ng hangin at ang awra ng kapaligiran. "Ang sarap magtambay dito kapag hapon 'no?" Agad kaming napalingon ni Gino sa nagsalita. Nakaupo kami kasi ngayon habang umiinom ng Royal na Mismo at kumakain ng Magic cream na Condense. "Oh Cryzle akala ko umuwi kana?" Bungad kong tanong sa kanya pagkalapit niya sa amin sabay upo sa tabi ko. "Ayoko muna umuwi. Masarap kasi magtambay dito kapag hapon na" sabi nito sabay tingin sa masarap na awra ng berdeng kapaligiran. Punong-puno ng malalaking Acacia kasi ang field campus namin. KAya hindi mainit kahit tanghali at tirik na tirik ang ang araw. "Royal?" Ani Gino sabay abot ng isa pang Royal kay Crizle. "Thank you!" Sabi nito at agad nang kinuha ang Royal with smile in her face. By the way, I am Marrie Anna Dela Cruz. Sometimes they call me Marrie but most of the time Anna ang tinatawag nila sa akin kasi kapag Marrie naiilang daw sila minsan. Ewan ko kung bakit. Taking BSEd Major in English. 18 years old. So that's all. "Anna kailan mo ba ako sasagutin?" Agad kaming napalingon ni Crizle kay Gino sa sinabi nito. Itong si Crizle ang sarap kurutin. Kanina pa ako sinisiko. "Um by the way, Gino si Crizle. Crizle si Gino" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nakalimutan kong sabihin na hindi pala magkakilala ang dalawa at nakalimutan ko rin sabihin na manliligaw ko si Gino sa loob ng dalawang taon. Mula ng tumuntong kami ng kolehiyo ay nililigawan na niya ako. Malay ko ba sa taong ito at sa dinami-rami ng magagandang dilag dito ako pa ang natipohan. Hindi ako umimik sa sinabi niya sa halip gumawa ako ng paraan para makalimutan ang topic na 'yun. Kaya mabilis kong ipinakilala si Crizle sa kanya. Ngayon lang kasi niya ito nakita na magkasama kami. Busy kasi ang bruha na ito sa Thesis niya kaya ayan. Nagmukha na tuloy lola. Peace yow! "Hoy! Ana!" Pukaw ni Crizle sa akin kaya agad akong napalingon sa kanya. "Bakit?" Takang tanong ko rito. "Anong bakit? Kanina kapa tinatanong ni Gino" nakataas kilay nitong sabi. Aba! Taray! Wala naman akong marinig sa pinag-uusapan o tanong niya sa akin kasi nabibingi ako sa pintig ng puso ko. Malay ko ba! Siguro kailangan ko nang magpa-check-up kasi abnormal na ang pintig nito. "Ano ba ang tanong mo Gino?" Takang tanong ko sa kanya.  "Aray!" Bahagya akong napalingon kay Crizle nang piktusan niya ako. Loka talaga ang babaeng 'to! "Para saan 'yun?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang parte ng katawan ko kung saan niya ako pinektusan. Masakit kaya. "Para magising ka!" Iritang sagot nito. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Sign na nagloading ako sa sinabi niya. "Ok. Kasi kanina ka pa tulaley. Bakla 'wag mo masyado ipahalata kay Gino na affect---" walang hiya talaga ang babaeng 'to. Wala talagang preno ang bibig. KAya ayan. Natahimik kasi buong Biscuit na Magic Cream ang sinubo ko sa kanya para manahimik. Kainis eh! Nasa tabi lang namin si Gino. "So it means?" Napaligok ko agad ang Royal na hawak ko kasi natutuyo ang lalamunan ko. Para akong natutunaw sa seryong mukha ni Gino at sa mga titig nito. My Gosh! Normal na talaga ang pintig ng puso ko. Agad akong tumayo at kinaladkad si Crizle patayo para umuwi na. Hindi ko na keri 'to. "Gino usap na lang tayo bukas ha! 'Yung tayong dalawa lang" nakangiting sabi ko sa kanya. Ang kaninang nakasimangot at seryoso ay napalitan ng masiglang mukha at maaliwalas na ngiti. "Aray!" Agad akong napalingon kay Crizle dahil sa lakas ng hampas niya na muntikan ng matanggal ang kapit ng balikat ko sa katawan ko. Langya! Talaga ang babaeng 'to. Nakaka-ilan na siya. "Oo na. Alam kong kailangan niyo ng privacy. Pero Hellooo! Mag-aala-sais na ng gabi oh" inis na sabi nito habang ipinapakita sa akin ang orasan niya. Napatawa na lang ako ng bahagya sa pagkamaldita niya. Lumalabas na naman ang pagka-ate epek nito. Lumingon muna ako kay Gino bago kami umalis pero tango lamang ang isinukli nito. "Oh paano bukas ulit, bye!" Sabi ni Crizle kay Gino sabay kaladkad sa akin paalis. GINO's POV Natatawa ako sa reaksyon ni Crizle pagkarinig niya ng sinabi ko. Kanina pa kasi panakaw-nakaw nang tingin sa akin kaya sinabi ko 'yun para malaman niyang may nagmamay-ari na ng puso ko.  Lalo na sa pagiging maldita niya. Namimiss ko tuloy ang ate ko sa kanya. By the way, Gino Hermosa pala. 18 years old. So that's it. Habang naglalakad sila palayo sa akin ay pinagmamasdan ko parin ang likod nila. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa twing nakikita ko ang pamumula niya sa twing nago-open-up ako sa kanya about my feelings. She is so cute and I can't resist to imagine that I am hugging that beautiful woman with full of love and care. "Hoy! May araw na!" Napapitlag ako sa paggulat sa akin ni Fahre (pronounce as Far). "Oh men! Wag ka nga manggulat!" Inis na sabi ko rito. "E nakangiti ka kasi diyan. Iba na ang level niya buddy. May hindi kaba sinasabi sa akin?" Napakunot noo na lang ako sa sinabi nito. Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad. "Ar-ouch!" Binatukan ko siya kasi loko ang lapad ng ngiti. "Alam ko iniisip mo" sabi ko rito sabay naglakad palayo sa kanya. Alam ko kasi iniisip nito ay naka-score na ako kay Anna. Takte! Mayamaya lang ay naramdaman ko ng sumasabay na ito sa akin. "Yung totoo. Kayo na ba bro?" Tanong nito sa akin but I didn't answer him. I shrugged only as an answer. "E bakit ang lapad ng ngiti mo kanina?" Daming tanong. "Wala" sabi ko rito at binilisan ko na lang ang paglalalakad ko. Pero napahinto ako sa sinabi niya. "Or else? Naka-score kana sa kanya" agad akong napalingon sa kanya na ang lapad ng ngiti. See? Tama ang hinala ko kanina. Agad ko naman itinaas ang kamay ko at ginawang f**k you! Sign. Tawa lang ito nang tawa sa ginawa ko. Sarap batukan. "So hindi pa pala naging kayo?" Pangungulit na naman nito. Minsan nagtatanong na ako sa sarili ko kung lalaki ba ito o bakla. Ang daldal at echusera. "Hindi pa" tipid kong sagot dito. "Wala ka na bang load?" Tanong nito na ikinakunot lamang ng noo ko. "Teka? Anong koneksyon ng load sa sinabi ko?" Takang tanong ko rito. "E kasi ang tipid mong magsalita." napapangiti ako sa reaksyon nito at non-verbal sign niya sa twing nagsasalita. "Bakit kana naman nakangiti? Naka-shabu kaba?" Wow ha! Porket nakangiti lang nakashabu agad? "Wala masaya lang ako" sabi ko rito at tuluyan ng pumasok sa room ko. Dumating na kasi kami sa dormitoryo.  "Hoy! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko" sigaw nito sa akin. "Magsain kana muna bago tayo mag usap ulol. Gutom na ako e" sabi ko rito sabay hawak ko sa tiyan ko. "Sige" sabi nito at agad nang tumayo at tumungo ng kusina. Agad ko naman kinuha ang phone ko sa pocket ko pagkaupo ko sa kama ko. Sa loob ng isang room kasi ay may dalawang kama na katamtaman lang ang laki. Sakto lang sa isang tao. Nagustuhan ko ang kulay nito dahil purely white ang pintura at puro blue naman ang kumot at mga gamit dito which is favorite color ko. Mabilis kong hinalungkat at cellphone ko at hinanap ang phone number ni Anna. Pagkakita ko nito ay agad kong pinindot at hinanap ang SMS. "Nakauwi na ba kayo?" Laman ng text ko sa kanya. Sa loob ng mga limang segundo ay agad na itong nagsent. Mayamaya pa ay agad naman nagvibrate ang phone ko. Kaya agad ko itong kinuha. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang pangalan niyang nakarehistro sa screen ng phone ko. "Yap! Salamat kanina!" Reply nito sa akin. "No problem. Um Anna---" ugggrrr! Napahawak ako sa noo ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan ako at nai-intimidate. "No problem. Anna may sasabihin ako sa iyo?" Pagkasulat mo nito sa phone ko ay agad ko naman pinindot ang send button. Pagkalagay ko ng phone ko ay agad naman itong nagvibrate. Napangiti ako ng bahagya kasi ang bilis niyang magreply. "Salamat kanina kasi nakasama kita" pagkasulat mo nito ay agad mo naman denelete kasi parang ang korny. "Sana makausap kita bukas ulit" pagkasulat ko nito ay agad ko ng pinindot at send button. Lumipas ang ilang minuto ay hindi na siya nagreply. Siguro wala na siyang load or maybe busy siya. Agad naman akong pumunta ng kusina kasi ang bango ng naaamoy ko. Pero nagulat ako ng makita ko ang taong nasa loob ng kusina. "Rodrigo?" Agad naman napatingin si Rodrigo ng tawagin ko ang pangalan niya. "Hey! Whatss up?" Sabi nito habang nagluluto ng pagkain. Nagtataka ako kung paano siya nakapasok at bakit wala dito si Fahre. "Paano ka nakapasok at nasaan si Fahre?" Medyo may inis kong sabi dahil sa mga titig niya kay Marrie Anna. Ewan ko pero sa twing nakikita ko si Rodrigo ay naiinis ako. Ibang-iba kasi siya tumingin kay Marrie Anna. "Nasa banyo si Fahre kaya ako na muna ang nagluto. Kakapasok ko lang hindi mo ako napansin dahil para kang baliw na kinakausap ang sarili kanina habang kaharap mo iyang phone mo. Kaya hindi mo ako napansin na pumasok" mahabang salaysay niya. Kaya minabuti ko na lamang na iwan na lang siya sa kusina at deretso kong ibinagsak ang katawan ko sa aking kwarto. Agad kong tinignan ang cellphone ko at nagbaka sakali na may reply na si Anna pero lantang gulay kong binagsak ang kamay kong may hawak sa phone ko at huminga ng malalim habang nakatitig sa kisame. "Am I really in love at you Anna? Lagi ka na lang kasing tumatambay dito sa pusot isip ko" "Baliw kana talaga!" Agad akong napatingin sa taong nagsalita at binato ng unan. "Bitter ka lang kasi single ka hahaha" sabi ko kay Fahre sabay tawa ng malakas. Narinig ko na lamang na nagsabi si Fahre ng "Adik" bago pumunta ng kusina. Inlove lang 'yun tao adik agad? Hanep naman! Kaasar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD