And it’s really Friday morning, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pipiliin kong puntahan sa dalawang kaarawang inalok sa akin. Kumbakit ba kasi umoo pa ako kay Vincent without me knowing, ‘yan tuloy nahihirapan pa ko sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko gustong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na alas 7 na ng umaga, ni hindi ko na nga nagawang makapag-jogging sa araw na ito dahil sa kadahilanang tinatamad talaga akong simulan ang araw na ito. Kung pwede lang talagang magkulong na lang talaga ako dito sa loob ng kwarto ko buong araw at wala ng sipotin sa dalawa ay ginawa ko na. Kapag ‘di ako pumunta kina Vincent ay posibleng magtampo pa sa akin ang mama niya’t baka madawit pa ang kompanya. Kapag naman ‘di ako sumipot kina Christian ay siguradong matinding parusa ang m

