bc

Extended Love Story [TAGALOG] (bxb)

book_age18+
802
FOLLOW
3.5K
READ
reincarnation/transmigration
body exchange
CEO
twisted
office/work place
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

After a tragic accident happened, Gabriel and Carlo Basco reincarnated to the modern days, but with a different persona and body. It seems like the destiny itself are making its own game, and they are the sole pieces of it by making their lives intertwined with each other.

Can a siblings from the past could establish a relationship that are opposite to it? Or it will remain as a history by their own aching hearts?

A love story that will make us believe that a second chance can sometimes be an important aspect for an eternal ties between two people.

chap-preview
Free preview
Chapter 01: The Beginning
"Hindi matatapos ang pagmamahal ko sa'yo sa isang henerasyon lamang. Kahit anong panahon, kahit anong oras ay pinapangako kong ipagpapatuloy ko ang naudlot nating pagsasama.  "Kahit ilang siglo pa ang dumaan, hangga't nananatiling buhay ang aking pagmamahal ay magkikita at magkikita tayo." **** Carlo Basco's POV May 06, 18**   Nagkaroon ng kunting salo-salo sa bahay namin ngayon dito sa Cebu bilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap namin kahapon lamang, ang ama ko kasi ay may nagawa na namang bagong programa para sa buong Pilipinas. Kasabay na rin nito ang pagdiriwang namin ng kaarawan ko at ng nag-iisa kong kapatid na si Gabriel. Doble-doble ang ibinigay na biyaya sa'min ng maykapal kaya lubos itong ipanagpapasalamat ng aking Ina. "Caloy, tawagin mo nga iyong kapatid at baka kung saan-saan na naman yun nagsusuot ngayon. Sabihin mo umuwi na at maya-maya lang ay dadating na ang tatay nyo. Kahit kailan talaga ang kulit-kulit nun. Ang tanda-tanda na, napaka-lakwatsero pa rin," mahabang dada ng aking Ina sa Cebuanong lengwahe. "Opo, Inay," sagot ko sa kanya. Agad-agad ko namang itinigil ang pagguhit ko saka ko mabilis na tinungo ang labas upang tawagin ang aking kapatid. Ako nga pala si Carlo Basco y Vargas, pero sa aming pamilya ay mas ginagamit namin ang apelyedong Basco, dahil sabi ni Ama ay mas maganda raw sa pandinig ang apelyedong iyon keysa sa Vargas. Maglalabing-walo na ako ngayong araw at nasa ika-apat na baitang na ako sa koleheyo. Limang taong gulang pa lamang ako ay nagsimula na agad akong tumungtong sa paaralan, dahil sa aming pamilya ay natural na ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak sa maagang edad nito. Ako ang panganay sa aming dalawang magkapatid. Ang inay ko ay Pilipino at ang tatay ko naman ay Kastila kaya medyo may pagkaporcelana ang aking balat. Pero ang mas nakakuha talaga ng katangian ng aking ama ay ang bunso kong kapatid, na dahil sa pagkaporcelana ng kanyang balat ay napagkakamalan na syang babae ng karamihan.  Nasa katamtaman lamang ang aking tangkad, siguro ay nasa anim na talampakan lamang ako at ang katawan ko naman ay maipagmamalaki ko talagang matipuno at hinihiyawan ng mga babae kapag nakikita akong nakahubad ng pang-itaas. Dahil na rin siguro ito sa batak din ako sa trabaho sa aming bukid na puro mga tabako ang tanim na minana pa ng aming pamilya sa kanunu-nunoang pamilya ng aking ama. Ang kapatid ko namang si Gabriel ay nasa labing-apat na taong gulang na ngayong araw, nasa ika-tatlong baitang na rin siya ngayon sa sekondarya. Dahil nga siya ang nag-iisa kong kapatid at ako ang mas matanda ay todo talaga ang tanggol ko sa kanya sa lahat ng kaaway niya simula ng bata pa lamang kami. Medyo mahiyain kasi siya at pili lamang ang mga kaibigan kaya madalas nasasangkot sa mga mapang-matang ibang tao, isa sa mga dahilan na rito ay ang pagiging kalahating Kastila nya.  Madalas syang kinakantyawan ng ibang bata dahil hindi raw sya totoong Pilipino, kaya sa tuwing umiiyak siya ay sa akin siya lagi unang tumatakbo upang humingi ng tulong, dahil na rin siguro kami lamang dalawa ang magkapatid ay napalapit na rin ang loob namin sa isa't isa.   "Hoy, Pilipinong hilaw! Bakit nandito ka sa teretoryo namin, hindi bagay ang mga banyaga dito, Alis!" sigaw nung isang lalaki sa isang grupo ng mga kabataang nakasalubong nito sa daan sabay tulak pa sa kanya. "Oo nga, bakit hindi na lang kayo umalis dito sa Pilipinas, Sama mo na rin lahat ng kalahi nyong Kastila na nagdadala ng kapahamakan sa mga Pilipino rito, " sigunda naman ng isang batang babae na nakapameywang pa sa harap nya. "Oo nga, dapat kayong lumayas dito sa Bayan namin, mga salbahe yang mga kalahi nyo." Pag sang-ayon naman nung isa. At saka sya pinagtulungang alipustahin ng lahat. "Hoy, ano yan? Tigilan nyo nga ang kapatid ko, kayo ang lalaki nyo na, ang kikitid pa rin ng utak nyo. Gusto nyo sumbong ko kayo sa mga magulang nyo?" Pag-singit ko sa pang-aalipusta nila sa kapatid ko. Agad naman silang nagsitakbuhan ng makita nila ako. "Hoy!Hoy! Tara na! nandyan na yung kuya nya , baka masuntok pa tayo nyan, " sabi nung isa sa iba pa nyang kasama, nang makita na nila akong lahat ay agad naman silang nag-unahan sa pagtakbo. "Tsk, mga takot pala kayo eh, " tanging nasabi ko na lang. Agad ko namang inalalayan ang kapatid kong nakalugmok ngayon sa lupa dahil sa pagtulak sa kanya ng batang lalaki kanina.  Nang makatayo na sya ay agad ko namang pinagpagan ang nadumihan nyang kasuotan. Nakita ko pang may sugat siya sa kanyang braso. "Oh, napano yan?!" pero imbes na sagutin ako ay bigla nya na lamang akong niyakap ng mahigpit saka siya umiyak ng malakas sa dibdib ko. "Ibuhos mo lang yan, kahit kailan talaga napaka-iyakin mo."  Ako naman ay inalo lamang siya hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak, saka nya ko sinagot. "Wala lang ito kuya, nasagi lang siguro kanina sa nakausling kahoy, 'wag mo na lang sasabihin kina mama at papa ah, baka kasi mag-alala sila, saka maliit lang naman 'to malayo sa bituka, " pagpapalusot nya na alam ko namang nakuha nya ito sa pagkakatumba nya kanina, dahil may kunti pang dumi sa paligid nito, pero hindi ko na lamang sya kinulit. Iniba ko na lamang ang usapan "O sya, pinapatawag ka na ni Mama, umuwi ka na raw at maya-maya lamang ay dadating na si Papa. " Tumango lamang siya at saka binigyan ako ng ngiting alam kong pilit lamang, saka kami naglakad pabalik sa aming bahay.  Habang naglalakad kami ay bigla na lamang syang nagsalita. Agad naman akong napalingon sa pwesto nya. "Bakit ganon kuya, kapag may ginawang hindi kanais-nais ang isang Kastila ay damay na ang lahat, pero kung sila naman ang magkasala ay pinaparusahan lamang ang dapat parusahan at hindi pinapaki-alaman ang iba pa? “Kailangan ba talagang ungkatin ang nakaraang pang-aabuso ng mga kalahi natin noon sa mga Pilipino para isumbat ito sa atin ngayon?" mahabang salaysay nya, hindi nya naman mapigilang hindi na naman maluha.  Siguro ay sariwa pa sa kanya ang nangyari kanina. Hinablot ko naman siya saka inakbayan upang kahit sa ganoong paraan ay maibsan ang sakit na dinadala niya. "Alam mo kasi, Gab, hindi kasi natin hawak ang isip ng bawat tao, hindi natin sila mapipilit lahat na kumbinsiheng wala tayong kasalanan kung ano mang ginawa ng mga Kastila sa kanila noon. Bawat isa sa atin ay may sariling pag-iisip, may tao lang talagang makikitid ang utak at hindi marunong tumingin sa ibang angulo ng pangyayari— Ginawa tayong lahat ng dyos na pantay-pantay, nasa tao na lang yun kung pipiliin nila ang mang-apak at mang-api, kaya 'wag mo na lang silang pansinin , pasasaan ba't makakalimot din ang mga yan, " dugtong ko sabay kawala ng isang napakalaking ngiti sa kanya upang sya ay makumbinse ko. Ngumiti naman sya pabalik sa'kin. "Tara na, baka maunahan pa tayo ni Tatay na dumating sa bahay. " "Mag-unahan tayo sa pagtakbo, kuya, kung sinong mahuhuli syang mag-uurong ng pinggan mamaya. " Hindi pa man din ako nakakasagot ay tumakbo na siya ng matulin patungo sa bahay namin. "Sige B—a, hoy, ahh ganon ah dadayain mo ko, kala mo mas matulin ka sa'kin, akala mo lang iyon."   ****   "Oh bakit ,tumigil ka sa pagtakbo?" tanong ko kay Gab, nang makasalubong ko siya sa daan malapit sa bahay namin. "Pagod na ko kuya, tigil muna tayo," tinawanan ko lang sya. "Anong tumigil, eh inisahan mo kaya ako kanina, bibigyan kita ng limang segundo kapag hindi ka pa tumakbo ikaw maghuhugas ng pinggan mamaya." "Eh kuya naman eh, sabing pagod na 'ko." "Isa." "Pahinga nga muna tayo!" "Dalawa." "Bala ka jan." "Tatlo!" "Whaaa, kuya, naman eh... pagod pa ko, saka ikaw maghugas ng pinggan laki ng katawan mo eh." "Ikaw kaya nag-hamon nito." "Apat." "Suko na ko! " "Ede ikaw, maghuhugas ng pinggan mamaya." "Hindi pa rin."   "Lima... talo ka na." Pagkasabi ko nun ay agad na akong tumalima at iniwan siya sa kanyang pwesto, narinig ko pang tinatawag niya ko pero hindi ko sya pinansin, sige lang ako sa pagtakbo habang nakangiti, hanggang sa nakarating na nga ako sa bahay. Pagdating ko roon ay mas domoble na ang bilang ng mga tao, kadalasan sa mga bisita ay pawing mga sundalo o mga kasamahan ni Papa sa gobyerno.  Nilibot ko ang paningin ko, umaasang matatagpuan ko ang mukha ng aking Ama, ngunit wala akong naaninag, siguro ay may tinatapos pa siya sa kaniyang opesina dahil nga isa sya ngayong Gobernador-Heneral ng Pilipinas. "Oh asan na ang kapatid mo, hindi mo ba siya nakita?" bungad sa'kin ng aking ina nang makasalubong niya ako sa pintuan habang may dala-dala syang pagkain, siguro ay ibibigay nya 'to sa mga bisita. "Nakasunod lang po yun sa'kin, Nay, mas nauna lang po akong dumating, maya-maya po ay nandyan na yun." "Ganon ba, pumunta ka na sa loob at hintayin mo na lamang ang kapatid mo tapos kumain na kaagad kayo." "Mamaya na po, Nay, hindi pa naman po ako gutom, tulungan ko na lamang po kayong mag-asikaso sa mga bisita." Hindi sya tumutol, kaagad ko naman syang tinulungan sa pag-aasikaso ng mga bisita, maya-maya pa ay nakita ko ng paparating na sila Papa at kasama nya si Gab. Nag-uusap sila habang patungo rito. Narinig ko naman ang mga kasamahan nyang nauna na rito na tinatawag ang pansin nya. Nagpaalam muna siya kay Gab, bago nya pinuntahan ang mga ito. Pumunta naman sa gawi ko si Gab na nakabusangot ang mukha. "O ba't naka busangot ka?" "Ang daya mo kasi, sabi kong pahinga muna, binilangan mo naman ako," tumawa lang ako dahil sa pagmamaktol niya, kahit kailan talaga ang sarap kurutin ng kapatid kong 'to kapag nagtatampo. "Ikaw kaya tong tumakbo agad kahit hindi pa ako handa, ayan tuloy nakarma ka." "Bala ka nga jan, 'di muna tayo bati." "Ayos lang sa'kin, ikaw pa rin naman ang maghuhugas ng pinggan ngayon, hahaha." Inasar ko pa siya nang inasar hanggang sa padabog na syang pumunta sa loob, ako naman ay nagpatuloy na sa pag-asikaso sa mga bisita. Tinawag naman ako ni Tatay kaya pumunta ako sa kinaroroonan niya. "Balita ko ay magtatapos na raw itong anak mo sa pagtatapos ng klase ngayong taon? Susunod ba sya sa yapak mo, Jose?" dinig kong tanong ng isang kasamahan niya nang makalapit na ako sa kanila, si Papa naman ay ngumiti lang. "Gusto ko sana pero kung ano ang desisyon ng anak ko ay hahayaan ko na lamang siya, tutal matanda na naman at may kusa ng isip," sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi nito. Nang makita ako ni Ama ay agad nya na akong tinawag upang palapitin pang lalo. "Siya nga pala, ito ang panganay kong anak, na si Kaloy." "Kay kisig namang bata, manang-mana sa kanyang mga magulang," sabi naman ng babaeng katrabaho niya. Ngumiti lang naman ako dahil sa sinabi nito, sanay naman na ako sa kadalasang sinasabi ng mga taong bago ko pa lamang nakikilala kaya hindi na bago ang ganitong mga bagay. "Syempre saan pa ba magmamana, edi sa Ina, pero akin pa rin ang kakisigan," sabat ni Ama na ang lapad ng ngiti. Nakipagkamay naman ako sa mga kasamahan nya bilang pagbibigay galang. "Asan pala ang kapatid mo, bakit wala sya rito sa labas, eh diba kaarawan niyo ngayon?" "Nasa loob po, nagtatampo." "Bakit naman? nako, kahit kailan talaga ang tampuhin ng kapatid mong iyon, o sya maiwan na muna kita at kakausapin ko lang iyong iba pang bisita," tumango ako at siya naman ay naglakad na palayo sa'kin. Habang ako naman ay pumunta na sa loob ng bahay para kausapin ang nagtatampo kong kapatid. Nakita ko sya roon sa sulok habang nakalumbaba ang mukha sa mesa. "Hoy, ayos ka na?" "Hindi." "Bakit?" "Madaya ka." Tinawanan ko lang sya. "Ba't ka tumatawa jan?!" "Ang pangit mo kasi kapag nagtatampo," pagkasabi ko nun ay kinurot ko naman ang pingi nya. "Aray, kuya, pisngi ko talaga pinagdidisketahan mo eh." "Paano ba naman kasi ang taba-taba ng pisgi mo," tumawa ako sa kanya. "Wag ka ng magtampo, bawal malungkot ngayong araw dahil kaarawan natin dalawa, “MALIGAYANG KAARWAN!!" pagkasabi ko nun ay ngumiti sya agad at binati niya ako pabalik. "Maligayang Kaarawan din sa'yo, kuya!" pagkasabi niya nun ay agad niya naman akong niyakap. Kahit kailan talaga ang lambing ng kapatid kong 'to, hindi man ako nagkaroon ng maraming kapatid ay masaya na akong magkaroon ng isa ngunit napakalambing naman, kahit pa nasa ika-labing apat na syang taon ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagkamalambing nya sa'kin at habang buhay ko itong ipagpapasalamat. "Pero ikaw pa rin ang mag-uurong ng pinggan ngayon—" "Kuya naman eh!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.2K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

A Night With My Professor

read
498.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

NINONG III

read
364.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook