WARNING! There’s an explicit scene ahead, read at your own risk! ***** “Oo, nagseselos ako, sobra kaya ‘wag kang lalapit-lapit sa lalaking ‘yun,” Nabigla ako sa sagot niyang ‘yun, hindi ako kaagad nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na papatulan niya ang pabiro kong tanong na ‘yun. Napalunok na lamang ang ng sarili kong laway at walang kaimik-imik na nanahimik sa sulok nitong elevator, nagdadasal na sana bumukas na para makatakbo na ako kaagad papasok sa aking kwarto. Lumipas ang ilang sandaling nakakailang na katahimikan sa amin ay bigla siyang humarap sa akin at akmang may sasabihin pero hindi niya matuloy-tuloy. Ako naman ay hinihintay lang sa kung ano ang susunod na lalabas sa kanyang bibig. Nakatitig lamang ako sa pinto nitong elevator dahil kanina ko pa talaga gustong

