Kilalang-kilala ko kung sino ang lalaking iyon, at kahit kailan ay hindi ko ito makakalimutan. Nanginginig ang kamay kong inabot ang litratong hawak ngayon ni Christian saka ko ito tinitigang mabuti. Maya-maya pa’y dahan-dahan ko siyang tiningnan sa mukha na agad namang umukit doon ang pagtataka at pag-aalala. Lumuha ako, hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Bigla akong natakot sa posibleng mangyari sa hinaharap kapag nalaman ni Christian ang lahat. Bigla naman siyang napaupo sa tabi ko at nag-aalalang sinipat ako. “Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?” puno ng paaalala niyang tanong sa akin. Dahil sa sinabing niyang ‘yun ay bigla na lamang dumaloy ang napakaraming luha sa aking mukha sabayan pa na lubhang sumasakit na rin ang aking dibdib dala ng aking nalama

