Yana's POV
Date: May 29, 2019 (Wednesday)
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw. Babangon sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Argh! Ano bang nangyari?
Bigla namang nagbalik sa akin lahat ng nangyari sa akin simula ng makita ko si Hell na may kasamang babae at pagpunta ko sa bar. Pati yung lalaking nakasama ko at na pagsabihan ko ng sakit ng loob ko. Sino kaya yung lalaking yun.
Shit. Hangover. Argh! Kung ganito kasakit ang ulo ko kapag uminom ng alak hinding hindi na ako iinom.
Kahit masakit ang ulo ko pinilit kong bumangon at pumunta ng c.r para maligo. Matapos kong maligo at magbihis biglang bumukas ang pinto at pumasok si Set.
"Onesan, tawag ka ni Daddy," sabi niya at agad ring lumabas ng kwarto ko.
Naku, lagot siguradong papagalitan ako ni Daddy sa paglalasing ko pero teka sino bang naghatid sa akin dito? Wala akong matandaan na umuwi ako ng mag isa.
Pagkatapos kong magsuklay napagdisisyunan ko ng bumaba. Pagbaba ko nakita ko sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa. Nang makita nila ako niyaya nila akong umupo.
Hindi muna sila nagsalita ng makaupo ako pero mayamaya nagsalita si Mommy.
"Sweetheart may problema ka ba?" tanong ni Mommy, kita ko sa mata niya ang pag-aalala.
"Wala naman po Mommy bakit po?" tanong ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero ayokong mag-alala sila.
"Sigurado ka ba?" Tumango naman ako.
"Princess hindi ako naniniwala sayo, this past few days bigla ka nalang tumatahimik," nag aalalang sabi ni Daddy. "Palagi kang nakakulong sa kwarto mo. Hindi ka naman ganyan dati, dati palagi kang nasa bahay ng Mommy Ninang mo palagi kang nasa mall kasama si Akuma. Mas okey samin na palagi kang nasa labas at gumagastos kesa sa nandito ka nga, hindi ka nga magastos wala ka namang buhay. Hindi ko na nakikita ang totoong ngiti mo palagi na lang fake.
Yumuko naman ako at tahimik na umiyak. Tama si Daddy nag iba na nga ako, nawawalan na kasi akong ng gana na gawin ang mga dati kong ginagawa.
"Sweetheart kung may problema ka," sabi ni Mommy. "Nandito naman kami ng Daddy mo para pagsabihan mo ng problema mo. Hindi lang naman kami mga magulang mo. Pwede mo rin kaming maging kaibigan mo. Nandito kami para sayo. Noong nakaraang araw nakausap ko si Aku, sinabi niya sa amin ang pananahimik mo at hindi ka din daw nagsasabi sa kanya ng sikreto mo na ginagawa mo naman noon. Sweetheart ano ba talagang nangyari sayo?"
Hindi ko na nakayanan kaya kinwento ko sa nanila ang pagtatampo ko kay Hell at yung dahilan ng pag lalasing ko.
"Princess, may dahilan si Hell kung bakit niya hindi ka niya tinawagan," sabi ni Daddy.
"Ano naman po ang dahilan na 'yun?" tanong ko, sinabi rin sa akin dati iyon ni Hell pero hindi ako nakinig dahil mas nanaig ang galit sa puso ko.
"Wala akong karapatan na sabihin iyon, kung gusto mong malaman kausapin mo si Hell at 'wag mong pairalin ang galit mo Princess pakinggan mo siya," sagot ni Daddy.
"Eh, sino po yung babaeng kasama ni Hell?" tanong ko.
"Hindi namin alam sweetheart sa kanya mo itanong at wag mo ding pairalin ang pagseselos mo. Tsaka tandaan mo wag mong ibigay lahat. Masyado ka pang bata para diyan. Kapag siguradong sigurado ka na na mahal mo siya doon mo ibigay lahat pero sana magtira ka pa rin sa sarili mo," sabi ni Mommy.
"Opo Mommy," sagot ko.
"Sana sweetheart hindi na mauulit yung pag iinom mo. Kapag may problema ka wag mong idadaan sa pag inom tapos sa bar ka pa uminom paano kung mapahamak ka, marape ka doon buti na lang at nandoon si Hell para iuwi ka," na pa tingin ako bigla kay Mommy sa sinabi niya.
"S-Si Hell po ang naghatid sa akin dito?" gulat na sabi ko.
"Oo nakita ka daw niya doon na walang malay kaya inuwi ka na niya dahil may mga lalaki daw na muntik ka ng pagsamantalahan" sagot niya.
Siya ang mag hatid sa akin dito? Bakit? Akala ko ba kakalimutan na niya ako?
Of course iuuwi ka niya dahil kababata ka niya kahit papano may pinagsamahan kayo.
Oo nga naman kababata ko siya tsaka kunsensya na niya kung hindi niya ako iuuwi. Oo tama nakunsensya lang siya yun lang ang dahilan kung bakit niya ako inuwi.
Pero bakit umaasa ako na kaya niya ako inuwi kasi nag aalala siya sa akin at mahalaga ako sa kanya pero hanggang pangarap na lang iyon dahil malabong mangyari yun.
KINABUKASAN
"OMG! Sabi ko na mahal mo si kuya eh," sigaw ni Umie ng ikinwento ko sa kanya ang dahilan ng pagbabago ko.
"'Wag ka ngang sumigaw," saway ko sa kanya buti na lang sound prof ang kwarto ni Umie.
"Sorry, kinikilig lang ako eh," sabi niya.
"Bakit ka naman kinikilig ha?" tanong ko.
"Kasi mahal mo si kuya," sagot niya. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya malay mo mahal ka din nun."
"Malabong mangyari yun, sigurado akong girlfriend niya yung babaeng kasama niya nung nagmall tayo," sabi ko.
"Hindi niya girlfriend yun, kung girlfriend niya iyon sasabihin niya sa akin," sabi niya. "Magagalit ako sa kanya kapag nagsekreto siya sa akin. Kambal kami kaya dapat wala kaming sekretong itinatago." She's right, kambal sila kaya malamang dapat kilala ni Umie ang babaeng kasama ni Hell pero ilang taon din silang hindi nagkasama eh.
"Matagal kayong hindi nagkita ni Hell at hindi kayo nagkaroon ng contact," sabi ko. "Malay mo nagkagirlfriend siya habang nasa korea siya. Hindi natin alam ang naging buhay niya doon."
"Hindi yan tiwala ka sa akin, kakambal ko siya kaya alam ko ang likaw ng bituka nun," pagpapalakas ng loob niyang sabi sa akin.
"Ay, ewan bahala na," sabi ko.
Humiga ako sa kama ni Umie at pumikit, mag oover night ako dito. Matagal na kasi akong hindi nakakapag overnight dito dahil nga ayokong makita si Hell.
Hindi ko namalayan na makatulog na ako pero bago ako lamunin ng dilim naramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko at may humalik sa noo ko.
"Good night ducky," huling rinig ko bago ako lamunin ng antok ko.
Akuma's POV
NAKATINGIN lang ako kay kuya habang nakaupo sa tabi ni Yannie at hinahaplos ang buhok nito.
"Kuya bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo," sabi ko.
"Ayaw naman niya akong pakinggan," sagot niya. "Masyadong matigas ang ulo niya, hindi mo agad siya makakausap kung hindi mo siya pipilitin at patatahimikin" dugtong niya habang nakatingin kay Yannie.
"Anong gusto mong gawin para pakinggan ka niya?" tanong ko. "Naku, kuya kung hindi maganda yan, tignan mo lang ako ang makakalaban mo." Kahit pa kakambal ko siya kapag sinaktan niya si Yannie hindi ako magdadalawang isip na awayin siya.
He Chuckled. "Don't worry hindi masama ang gagawin ko sa kanya. Hindi ko naman hahayaan na masaktan siya," sagot niya.
"Siguraduhin mo lang kuya naku ako ang makakalaban mo," pagbabanta ko. "Tsk, sige na alis ka na inaantok na ako." Pagtataboy na sabi ko sa kanya.
"Pwedeng palit muna tayo ng kwarto?" tanong niya.
"Sapak gusto mo?" sabi ko at pinakita sa kanya ang kamao ko.
Ano siya sinuswerte? Baka kung ano pang gawin niya kay Yannie. Wala ako pa naman tiwala sa kanya kahit kakambal ko siya.
Tumawa naman siya. "Biro lang, sige alis na ako pakibantayan lang si Ducky," sabi niya at tumayo sa kama ko.
"Tsk, kuya matutulog lang kami ano ka ba, sige alis na," hinila ko ang kamay ni kuya at tinulak siya palabas.
Isasara ko na sana ang pinto ng pigilan ito ni kuya.
"Si Ducky ha? Wag mong pabayaan," pahabol niyang sabi.
"Kuya ano kaba para kang sira nandito lang kami sa kwarto okey walang mangyayaring masama samin," sabi ko, ang kulit kulit niya.
"Naniniguro lang," sabi niya.
"Oo na sige good night," sabi ko/
Magsasalita pa sana si Kuya pero sinara ko na ang pinto. Tsk ang kulit talaga niya.
To be continued...