Yana's POV
Date: May 28, 2019 (Tuesday)
ISANG buwan na ang lumipas ng mag away kami ni Hell at sa loob ng isang buwan hindi kami nagpapansinan. Kahit kapag nandoon kami sa mansion nila wala kaming kibuan, na parang hindi kami magkakilala.
Nagtataka na nga sila kung bakit ganun ang ginagawa namin. Alam kasi nila na close na close kaming dalawa noong bata pa kami tapos biglang ganito.
Alam kong gusto nilang magtanong pero mas pinili nilang manahimik, na ikina tuwa ko naman dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila kung anong nangyayari sa aming dalawa.
"Princess," tawag sa akin ni mommy ng makalapit siya sa akin. "Sa isang linggo na ang pasukan niyo hindi ka ba mag eenroll?"
"Mag eenroll po papunta na nga po si Umie dito dahil sabay kaming mag eenroll," sagot ko.
Late na kami nag-enroll dahil ayaw namin na maraming mga tao kaya sobrang late na kaming nagpa-enroll.
"Mabuti naman," sabi niya.
Ngayong pasukan ay 2nd year collenge na ako. Si Umie naman 4th year college dahil a head siya sa akin ng dalawang taon. Mayamaya pa ay dumating na si Umie kaya nagpaalam na ako kina mommy.
Paglabas ko nakita ko si Umie na nakadungaw sa bintana.
"Yannie doon sa passenger seat kasama namin ang kambal dahil mag eenroll din sila," sabi niya.
"Okey," sabi ko.
Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at pumasok. Kinuha ko ang seat belt at nagseat belt. Nang makapagseat belt ako na pa tingin ako sa drivers seat at nanlaki ang mata ko dahil ang driver lang namin ay si Hell.
Shit. Kung kelang iniiwan saka ko siyang makakatabi. Na patingin naman ako kay Umie at halatang nagpipigil ng tawa. Binigyan ko siya ng plinano-mo-to?-look pero umiiling siya at binigyan niya ako ng inosente-ako-look.
Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa harap. Wala naman akong magagawa eh nandito na. Hindi ko na lang siya titignan.
~
NAKARATING na kami sa school dali dali kong inalis ang seatbelt ko at bumaba na ng kotse. Nakita kong bumaba na rin sina Umie at yung kambal kaya naglakad na ako alam ko namang susunod sila.
"Hey, Yannie what that rush?" tanong niya.
"Wala gusto ko lang makapag enroll na agad para hindi na ako makikipagsiksikan," pagdadahilan ko.
"'Yan ba ang dahilan o may iniiwasan ka lang?" tanong niya.
"Tss, wala," sabi ko.
"Sa akin ka pa ba talaga magsisinungaling?" naka taas ang kilay na sabi niya sa akin. "Sabay tayong lumaki, kaya kilala na kita kahit utot mo alam ko eh. Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo," Tama siya, kilalang kilala namin ang isa't isa. "Pero kung hindi ka pa handang sabihin sa akin ang problema niyo ni kuya naiintindihan ko pero tandaan mo nandito lang ako kung kailangan mo ako." Pagkatapos tinapik ang balikat ko.
Bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Umie. Napakaswerte ko at may best friend akong kagaya ni Umie kung man pa piliin ako kung sino ang magiging best friend ko siya pa din ang pipiliin ko dahil walang siyang katulad.
Pagdating namin ni Umie sa register agad kaming nakapag enroll, dahil sina Umie ang may ari ng school madali lang kaming nakapag enroll.
Matapos naming mag enroll at matapos naming tulungang mag enroll ang kambal napagdesisyunan namin na mall at magshopping tsaka doon na din kami kakain.
Pagdating namin sa mall agad kaming pumasok sa boutique. Madami kaming napasukang boutique kaya medyo pagod na kami.
"Umie kain na muna tayo gutom na ako," pagyaya ko kay Umie.
"Wait last na ito tapos kakain na tayo," sabi niya.
"Okey," sabi ko.
Pumasok kami sa sikat na boutique dahil wala na akong ganang mamili hinitay ko na lang si Umie habang namimili siya. Habang naka upo ako may pamilyar akong nakita na pumasok sa boutique. Si Hell at may kasama itong babae.
Makikita mo sa mukha nila na masaya sila. Para namang may biglang sumaksak sa puso ng makita ito. Hindi ko na kinaya ang nakita ko kaya umalis ako ng hindi nagpapaalam kay Umie. Ite-text ko na lang siya.
Paglabas ko ng mall pumara agad ako ng taxi at ng makasakay ako doon pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit, ang sakit palang makita ang mahal mo na may kasamang ibang babae.
Oo, mahal ko si Hell dati pa noon bata pa kami. Noon hindi ko pa alam na mahal ko si Hell hanggang sa umalis siya doon ko na pagtanto na mahal ko siya. Kaya nga sobrang akong nagtampo ng hindi niya ako tinawagan. Pero mas masakit pala na makita ang taong mahal mong may ibang babae.
"Ah ma'am saan po tayo?" tanong ng taxi driver.
"Dalhin niyo po ako sa malapit na bar," sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko.
~
"ISA PA nga po" sabi ko sa bartender.
Pang labing dalawang baso ko na ito at talagang ramdam ko na lasing na ako kaya hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Kanina sumayaw ako sa dance floor kung sino sino ang kasayaw ko. Kung sino sino din ang humahawak sa akin pero wala akong pakielam.
Inilapag na ng bartender ang alak na inorder ko. Kinuha ko ito at akmang iinomin ko pero may pumigil sa akin.
"Yana, tigilan mo yan," galit na sabi niya.
"Ano ba, bitawan mo nga ako," bulol na sabi ko. "Sino ka ba ano bang pakielam mo sa akin." Dahil sa kalasingan hindi ko na makita kung sino ang intruder na ito.
"Tsk, stop it kelan ka pa natutong uminom? Hindi ka naman umiinom diba?" sabi niya paano niya na lamang hindi ako umiinom. Oo, first time kong uminom kaya madali akong malasing.
"Ano bang pakielam mo ha? Tsaka sino ka ba para pakielaman ako pwede ba umalis ka na," sigaw ko at inagaw sa kanya ang kamay ko at akmang iinumin ko ulit ang alak na hawak ko ng tinabing niya ang kamay ko kaya natapon ang alak na hawak ko kaya bigla akong na pa tayo.
"ANO BA! BAKIT KA BA NAKIKIELAM!!" sigaw ko sa kanya.
"PINAKIKIELAMAN KITA DAHIL NAG AALALA AKO SAYO. BAKIT KA BA NAGPAPAKALASING NG GANITO HA?!" sigaw din niya.
Bigla ko namang bumalik kanina ang dahilan ng pagpapakalasing ko kay bigla akong napaiyak at napaupo.
"Ang sakit pala ano? Ang sakit sakit dito," sabi ko sa kanya habang nakaturo sa puso ko. Ewan ko ba kung bakit ko sinasabi sa kanya ito kahit hindi ko siya kilala.
"What do you mean?" tanong niya.
"Ang sakit kapag nakita mo yung taong mahal mo na may ibang babaeng kasama," sabi ko tsaka tumawa ng mapakla. "Pero wala naman akong karapatan sa kanya kasi hindi naman niya alam na mahal ko siya eh hindi niya alam na minamahal ko siya ng palihim. Hindi ko masabi sa kanya kasi natatakot ako, natatakot ako na baka hindi niya ako mahalin ng pabalik."
Oo, natatakot ako baka hindi niya suklian ang pagmamahal ko. Natatakot ako na hindi niya ako mamahalin ayokong masaktan.
"Ang gulo ko nga eh galit ako sa kanya kasi hindi niya ako tinatawagan noon tapos hindi ko siya pinapansin tapos ngayon nasasaktan ako kasi nakita ko siyang may kasamang ibang babae, ang gulo ko no?" sabi ko sabay tawa.
"S-Sino ba ang tinutukoy mong taong mahal mo?" tanong niya sa pananahimik niya kanina.
"Si Hellion Roswell."
To be continued...