Chapter 2: Fight

1284 Words
Yana's POV Date: April 28, 2019 (Sunday) PAG AKYAT ni Hell sa stage nag speech lang ito, dahil madali akong mainip sa mga speech na yan kinuha ko na lang ang cellphone ko at binuksan ko na lang ang account ko sa underground kesa mabored lang ako dito. Oo nga pala gangster nga pala ako kasama si Umie at Clara. Ang grupo namin ay yung grupo ni mommy ninang ang devilous trio. Ang codename ko ay Gun dahil expert ako dito, si Clara naman ang codename niya ay Blade katulad ko expert siya sa mga katana, kunai at iba pang gawa sa Blade at si Umie naman si Blood at siya ang leader namin. Gaya ni mommy ninang mahilig din itong makakita ng dugo minsan nga tinitikman niya kaya sinusuway namin kasi na kakadiri pero ayaw niyang mag pa awat mas lumalakas daw siya kapag nakakatikim ng dugo. Iba talaga ang taste niya, feeling ko nga bampira siya eh dahil hindi mabubuhay hangga't hindi nakakatikim ng dugo. Ay, ewan hayaan na nga yang si Umie kung type niya ang dugo bahala siya. Pagbukas ko ng account ko nakita ko na naman na madaming naghahamon sa amin pero as usual nireject ni Umie. Kasi naman mga mahihinang gangster lang ang naghahamon. Ang lakas ng loob mag hamon pero kapag nilabanan namin sila at natalo nagmamakaawa sila na wag silang patayin. May rules kasi sa underground kapag hinamon mo ang mas nakakataas na rango at natalo sila kailangan silang mamatay dahil wala ng kwenta ang buhay nila. Kaya nga nirereject ni Umie kasi ayaw naming pumatay. Yun ang bilin sa amin ng dating devilous trio. 'Hindi naman nasusukat ang lakas mo sa pagpatay kaya hindi mo kailangang pumatay para mapatunayan na malakas ka' yan ang sabi nila sa amin. Tama naman eh hindi naman porket nakapatay ka malakas ka na. Eh paano kung yung pinatay mo inosente at wala naman talagang alam sa pakikipaglaban? Masasabi mo bang malakas ka? Hindi diba? Kahit nagrereject si Umie wala namang nagtatangkang sabihan kami na duwag at mahina dahil alam nila ang nangyayari sa kanila tsaka hindi naman totoo ang mga yun. Porket hindi namin sila nilabanan duwag na agad? Hindi ba pwedeng kaya kami mag reject dahil naaawa kami sa pamilyang maiiwan nila kung sakaling matalo sila? At hindi naman talaga nila masasabing mahina kami dahil ilang beses na naming napapatunayan na hindi kami mahihina. Ilang malalakas na gang na din ang na ka laban namin at take note mas madami sila kesa sa amin. So, hindi nila pwedeng sabihing mahina kami. Habang busy ako sa pag tingin ng balita sa underground bigla akong siniko ng mahina ni Umie – dahil katabi ko nga siya – napatingin naman ako sa kanya. Pagtingin ko tinuro niya ang nasa harap ko kaya tumingin ako. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng makita kong si Hell ang nasa harap ko at nakatingin sa akin. Hindi naman ako makatingin ng maayos dahil sa mga tingin niya. Tumingin ulit ako kay Umie at tinignan ko siya na parang nagtatanong. "Wala ka bang sasabihin?" bulong niya sa akin. Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Umie tapos biglang sumagi sa isip ko na kararating lang niya kaya nagsalita ako at sinabihan siya ng... "Welcome back," walang buhay na sabi ko at tumingin ulit sa cellphone ko at hindi na ulit siya pinansin. Akuma's POV "WELCOME back," walang buhay na sabi ni Yannie at bumalik ulit sa ginagawa niya. Tumingin naman ako kay kuya at nagkibit balikat. Hindi ko alam kung bakit ganun ang inakto niya pero alam kong may dahilan siya kung bakit siya kanyan kaya hinayaan ko muna siya. Alam ko naman man na sooner or later magkekwento din yan. Dahil hindi na pinansin ni Yannie si kuya wala siyang nagawa kung hindi punta sa ibang bisita para makipag kumusta sa kanila. Yana's POV NANDITO ako ngayon sa tabi ng pool, naka lublob ang mga paa ko. Umalis ako doon dahil na bo-bored na ako, si Umie kasi nakikipag usap sa mga business partner nila. Tinitrain din kasi siya sa bisiness dahil hahawak din siya ng business. Ipapamana sa kanya ang business ni Daddy Ninong at lahat ng natira kay Hell.  Hindi naman talaga gusto ni Umie ang ganito eh gusto niya simple lang at yung pinaghihirapan niya pero dahil lumaki siyang mayaman kaya no choice siya kundi ang hawakan ang business nila pero may deal naman sila ni daddy ninong eh. Kapag naging 21 na si Inferno kay inferno na nila ipapa-manage ang kumpanya kaya pwede na niyang gawin lahat ng gusto niya pero susuportahan pa rin siya. Kahit laki sa luho si Umie hindi siya spoiled at independent siya hindi siya gaya ng iba. Hindi ko siya kagaya, kasi hindi ko pa kayang mag pa ka independent hindi ko pa kasi kayang suportahan ang sarili ko. Pero sabi naman ni Umie okey lang naman daw yun dahil 17 pa lang ako kaya normal lang yun. Pero gusto ko kasi maging independent pero hindi ko pa kaya. Hindi naman kasi ako genius gaya ng kambal eh kahit si Clara at Inferno napakatalino. Perks for having genius parents. Habang nang mumuni muni ako may biglang nagsalita sa likod ko at kahit hindi ko na tignan kilala ko kung sino yun. "Ducky, pwede ba tayong mag usap?" tanong niya. "Nag uusap na tayo," pamimilosopo ko sa kanya. "I'm serious, Ducky," seryosong sabi niya. "Seryoso din naman ako ah, anong akala mo sa akin mag jo-joke?" inis na sabi ko. "Ducky, kausapin mo ako ng maayos" sabi niya na medyo tumataas na ang boses niya. Naku. Mukhang ginalit ko yata siya. Eh anong magagawa niya nagtatampo at naiinis pa rin ako sa kanya. Ayoko siyang makausap. Tumayo naman ako at hirap siya. "Eh ano bang pakielam mo kung ayaw kita kausapin ng matino ha?" sabi ko. He Sigh. "I just want to talk to you about our past," sabi niya. "Past? May past ba tayo? Sa pagkakaalam ko wala eh," sabi ko at inirapan siya. "Fvck! Yana hindi ako nakikipagbiruan sayo, gusto lang naman kitang kausapin," galit na sigaw niya. Mukhang nainis na talaga siya sa akin. Hindi niya ako masisisi kung ganito ako sa kanya. "Wow, ikaw pa ang may ganang magalit sa ating dalawa ha? Ikaw nga iyong may kasalanan sa akin ikaw pa itong nagagalit," galit na sabi ko din sa kanya. Anong akala niya siya lang ang may karapatang magalit? "Kaya nga kakausapin kita tungkol doon," mahinahong sabi niya. "Ano pa bang pag usapan natin?" sigaw ko. "Malinaw naman na binali mo ang pangako mo sa akin noon na tatawagin mo ako araw araw kahit busy ka pero ano? Hindi mo man lang nagawa. Araw araw palagi akong umaasa na tatawagan mo ako pero wala, wala akong kahit isang tawag na nakuha mula sayo." Hindi ko maiwasang mapaiyak ng maalala ko 'yun. Ang tagal niya akong pinaasa, ang tagal ko siyang hinintay na tumawag pero wala. Binali lang niya ang pangako niya. "Hindi mo lang ba papakinggan ang paliwanag ko?" sabi niya. "Hindi, dahil wala na akong pakielam diyan sa letcheng paliwanag mo," sigaw ko. "Ganun ba?" sabi niya. "Okey fine, ayaw mong makinig? Sige kalimutan mo na din na nakilala mo ako. Kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin." Pagkatapos naglakad siya palayo. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Ano ba yan, bakit ako nagiguilty? Eh siya ang may kasalanan sa akin eh. Bakit hindi mo kasi pakinggan ang explanation niya? Malay mo importante iyon? Kung importante iyon dapat gumawa niya ng paraan para sabihin niya sa akin yun. Paano niya sasabihin kung hindi mo siya pinakikinggan? Ewan ko. Ah basta kung ayaw na niya edi wag. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD