bc

Tamed by hot tricycle driver

book_age18+
59
FOLLOW
1K
READ
family
HE
age gap
drama
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Si Cassandra sa kanyang labing-isang taong gulang ay naranasan na ang paghihirap nang mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso. Iniwan sila ng kanilang magkakapatid. Akala nila ay aalagaan sila ng kanilang lola ngunit nagkamali sila dahil ang salitang bumabalot sa kanyang puso ay paulit-ulit na naririnig: "Patay na ang ina ninyo kaya wala na kaming obligasyon sa inyo, magkakapatid.

chap-preview
Free preview
chapter 1
Nagising si Cassandra sa tunog ng kanyang cellphone, wala na siyang balak sagutin kung sino man ang tumatawag. Ngunit sadyang makulit ang caller, kaya napilitan siyang sagutin ito. "Hello!" patamad niyang wika sa kabilang linya. "Ate!" boses ng kapatid niyang si Ferlin. Nababanaag niyang tila umiiyak ito. "Bakit, may problema ba?" tanong niya sa kapatid. "Ate, si Lolo wala na!" hagulgol na iyak ng kanyang kapatid. Natigilan naman siya sa sinabi ng kapatid. Bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha, naging mabait naman ang kanyang Lolo sa kanila noong nasa probinsya pa siya. Tanging ito lamang ang nagmalasakit sa kanilang magkapatid, kaya masakit sa kanya ang mawala, ngunit dahil sa may katandaan na rin ang lolo niya, ang kwento pa ng kapatid niya para bumalik ito sa pagkabata. Lalo't pa siyang nakaramdam ng awa sa matanda na pinababayaan raw ito ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin na imbes na alagaan. "Ate, nandiyan ka pa ba?" tanong ng kanyang kapatid. "Oo!" tipid niyang sagot habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mata. "Kawawa naman si lolo, ate. Namatay lang ganoon, ng hindi naranasan ang magandang buhay?" saad ng kanyang kapatid habang patuloy lamang sa pag-iyak. Nagbuntong-hininga muna siya at pagkatapos pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Wala na tayong magagawa, matanda na si lolo, tanggapin na lamang natin," aniya ko sa aking kapatid. "Kung saan man naroon si lolo, sigurado masaya na siya dahil kasama na siya ni mama," paliwanag ko pa rito. "Okay na rin, hindi pinahihirapan ni Lolo ang kanyang mga anak!" Turan pa niya sa kapatid. "Ate, uuwi ka ba?" nagtatanong na saad pa nito sa kanya. "Hindi ko pa alam!" tanging sagot niya sa kapatid. "Sige ate, sabihan mo lang ako kung uuwi ka!" malungkot na saad pa ni Ferlin sa kanya. Ito kasi ang pinaka-close sa kanilang Lolo noong nabubuhay pa ito. "Okay!" maikling sagot niya pagkatapos pinatay na ang tawag nito. Napabuga na lamang ng hangin si Cassandra dahil sa nabalitaan niya at tumanaw sa labas ng bintana. Hindi maiwasang bumalik ang alaala kung bakit naging ganoon siya sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang. Naging malamig ang pakikitungo niya sa mga ito dahil na rin sa mga pinagdaanan niya noon. Flashback Umiiyak silang magkapatid na nakaupo sa upuang kawayan. Habang buhat ang bagong silang bunsong kapatid, labing-isang araw palang ito, nabubuhay sa mundo ngunit hindi na makikita pa kahit kailan ang kanilang ina. Kalilibing pa lang ng kanilang ina ngayon dahil namatay ito dahil sa complication sa puso nang isilang ang bunso niyang kapatid na si Xenia. At ngayon nga ay ulilang lubos na sila sa ina. Habang nakaupo silang magkakapatid at kaharap ang kanilang lola, hindi nila alam kung ano ang gusto sabihin ng lola nila. Matamang lang silang tinitingnan ng mga ito kasama ang ibang anak na tiyuhin at tiyahin nila. Para kaming hagdan dahil sunod-sunod kami, kaming magkakapatid. Bawat taon yata ay nagbubuntis ang aming ina. Naitanong nga niya sa kanyang isipan kung bakit hinayaan ng mga magulang nila sila ng ganoong karami. Hindi man lang nagkaroon ng plano. Tapos ngayon ay iiwanan lang pala sila ng maaga. Ang nakakainis pang katwiran na narinig niya mula sa kanyang Ama ay gusto raw nito magkaroon ng anak na lalaki. Kaya palagi buntis si Mama, ngunit hindi naman ibinigay sa kanila ni Mama. At nagkasakit pa nga ito sa puso. Sa panglimang anak nila ni Papa, pinayuhan na ito ng doktor na huwag nang magkaanak pa dahil nakitaan ito na may Congenital heart diseases. Pero dahil nga sa kakahabol ng lalaking anak, bumigay na ang puso ng kaniyang ina. Napabuntong-hininga na lamang siya at marahang tumingin sa kanyang lola. "Ngayon patay na ang ina ninyo? panimula salita ng lola nila sa kanilang magkakapatid habang nakaupo sila sa bangko kawayan at kalong naman niya ang bunso kapatid na labing-isang araw palang pero iniwan na ng kanyang ina. Nakikinig lamang sila sa pinagsasabi ng kanilang Lola, naroon din ang mga tiyuhin at tiyahin. Hindi alam ni Cassandra ang gusto ipahiwatig ng kanilang lola, kukunin ba sila ng mga ito o paghihiwalayin, dahil pitong bata sila. Tumikhim mun ang Ginang bago tumingin sa mga apo. "Patay na ang ina ninyo kaya tapos na rin ang obligasyon namin sa inyo, magkakapatid," sambit ni Lola sa amin na para naman akong nabingi at tila sumikip ang dibdib niya dahil sa sinabi ng kanilang lola. "A-ano, po ang ibig ninyo sabihin?" naguguluhan na tanong ni Cassandra dahil sa murang edad niya na labing isang taon gulang, na sasabihan sila ng gano'n partida kalilibing lang ng kanilang ina. Hindi pa nga ito nakababang luksa. Kung totousin. Mataman na tinitigan ni Cassandra ang kaniyang Lola. Nagpatuloy lamang sa pagsasalita ito. "Natatapos na rin ang mga obligasyon namin sa inyo!" Tila sa tono ng boses ay para itong nabunutan ng tinik. Narinig niya ang dalawang kapatid na umiiyak ang sumunod sa kanya, sina Jenna at Claire. Oo, pito silang magkakapatid na babae. Ang iba naman ay nakatingin lang sa kanila dahil wala pa silang muwang. Ano bang magagawa ng anim, lima, at tatlong taong gulang na bata, isama pa ang bunso nilang kapatid na labing-isang araw pa lang nabubuhay sa mundo tapos ganito lang ang naririnig nila. "Lola!" tumulo ang luha niya habang nakatingin sa kanyang lola. "Wala akong magagawa, patay na ang ina ninyo, na anak ko naman!" Kaya hindi na namin kayo obligations pa. Ang sinasabi ng lola niya ay parang eco na paulit-ulit na pumasok sa kanyang tainga kahit nasa murang edad pa lang siya alam na niya ang ibig sabihin noon, parang kutsilyo sinaksak ng paulit-ulit sa bata niyang puso. Ganon lang ba ‘yun dahil ba patay na ang Mama. Nila ay wala nang karapatan o madaling salita hindi na sila iintindihin pa ng nanay ng mama nila. Ganoon na lang magsalita ang ina ng kanyang Mama. Napakasakit sa kaniyang pag sabihan ng gano'n. Napayuko na lamang siya habang pumapatak ang kanyang mga luha. At mataman nakatingin sa maliit na mukha ng kanyang kapatid. Na payapang natutulog sa kanyang kandungan. Paano na sila ngayon makakaya ka niyang alagaan ang mga kapatid ganun isang bata lamang siya. Hindi na alam ni Cassandra ang iisipin lalo't lagi naman wala ang tatay nila para mag trabaho. "Cassandra," boses ng lola niya ang nagpagising sa lumilipad niya isipan. Kaya nag angat siya ng tingin rito. Kahit puno ng luha ng mga mata niya, ay wala na siyang pakialam pa. "May gustong umampon kay Xenia!" Seryoso wika ng lola nila. "Ano po!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang lola hindi na nga sila obligation tapos parang gusto pa silang paghihiwalay ng mag kakapatid napakasakit naman ng dinanas niya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook