"Please, love, pagbigyan mo na ako. Gusto ko magtrabaho para sa pamilya ko," sambit pa ni Cassandra sa asawa niya ngayon, na tila hindi maipinta ang mukha sa sobrang pag nguso. Ngunit kahit ano ang sabi niya, hindi siya nito pinapansin. Nakaupo lamang ito sa sofa, nakatingin ng tuluyan, at tila kulang nalang ay pwedeng sabitan ang bibig nito ng kaldero sa haba ng pag kanguso nito. Huminga ng malalim muna si Cassandra bago lumapit sa asawa na nagtatampo ngayon. Tanging sila na lamang ang narito dahil nasa hardin pa ang mga bisita nila. "Love, promise, kapag nagka-baby na tayo, hihinto ako sa pagtatrabaho sa ospital bilang isang nurse mo?" usal niya sa asawa. Bigla naman bumaling sa kanya si Joshua, at kunti na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi sa sobrang lapit ng mga mukha nil

