"Sobrang gwapo ko no?!" narinig niyang wika ng lalaki sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay ni Cassandra dahil sa sinabi ni Joshua. "Anong pinagsasabi mo Mr.?" tanong niya sa lalaki at tinasaan niya ito ng kilay. Kung wala lang sila sa loob ng simbahan, sininghalan na niya ito. "Ang sabi ko sobrang gwapo ko, dahil halos matulala ka na habang nakatitig sa akin?!" mayabang pa nitong wika at pinagtaas baba pa nito ang makakapal na kilay. Napanganga naman siya sa sinagot nito. Grabe naman ang kayabangan ng lalaking ito sa katawan. "Excuse me, Hoy Mr. hindi ko alam kung ano pinagsasabi mo ah! Hindi ako nakatulala sa'yo feeling mo naman!" asar na sagot niya rito. "Nagulat ako sa biglaan mong pagtabi dito sa upuan kaya napatitig ako sayo. Hindi ibig sabihin nakatitig ako ay naggwagwapuhan na

