Nanginginig ang buong katawan ni Cassandra habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Joshua. Hindi niya lubos maisip na kaya gawin ng binata ‘yun. “Yan ang totoo, San hindi ko totoong asawa at anak si Justine at Stella. Asawa siya ni Camilo at anak naman nila si Justine “Ako ang nag-utos na gawin ang lahat ng ‘yun ang magpanggap na ako. Wala akong choice kundi gawin ang isang bagay kahit alam kong mahirap at masasaktan tayong pareho. Ngunit wala akong ibang paraan para ilayo ka sa kapahamakan kundi ang saktan ka lamang!” madamdamin na sabi ni Joshua habang nakaluhod parin ito sa kaniyang paanan. “Isa ako mafia, San,” wika pa nito na kinalaki ng mga mata niya. “Ano?” gulat na gulat na saad ni Cassandra sa binata. “Mafia? Diba ang isang mafia ay mamatay tao o gumagawa ng mga illegal na

