[Stargazer] MARFIE Fionna's POV ”Sa totoo lang akala ko mag tataxi na tayo ,” sabi ko sa kaniya habang tinititigan ko ang napakagandang singsing na bigay niya sa’kin kanina. "Humawak ka ngang maige baka mahulog ka saka alalayan mo ‘yang dress mo baka masilipan ka.” binatukan ko siya. "Wow naman sana kanina mo pa na isip ‘yan ‘di ba? Pinaangkas mo ko dito sa bike mo nang nakatayo at ngayon!” pinagpipingot ko siya at pagewang gewang siyang nag drive. "Tigilan mo ko Marfie!” Tumawa kami pareho at pinulupot ang braso ko sa balikat niya, tinungo ko ang baba ko sa ulo niya at pinagmasdan ang daan na tinatahak namin. Madilim na, walang katao tao dahil 1am na ngayon at ito kami parang mga batang naggagala gamit ang bisikleta. "Marfie thank you.” hinalikan ko ang ulo niya. ”I love you.” nar

