Kabanata 43 Habang isa isa kong inaayos ang mga gamit na dadalhin namin sa syudad, hindi ko maiwasang mapangiti sa tanawin sa loob ng silid. Puno ng excitement at saya ang mukha ng kambal, halatang sabik sa ideya ng pag-alis. Si Alistair naman ang abalang nagbibihis sa kanila, maingat, pasensyoso… at kung titingnan, mukhang nasa good mood din siya ngayon. Bihira ko siyang makitang gano’n, magaan, relaxed, parang wala munang pasan na bigat ng mundo. Hindi ko alam kung talagang malapitin si Alistair sa mga bata… o kung may kakaibang lukso talaga ng dugo sa pagitan nilang tatlo. Mula nang dumating siya rito, hindi niya ako kailanman pinilit na sabihin kung sino ang ama ng dalawa. Hindi rin siya nagtatanong. Tahimik lang siyang nandito, lagi. At sa tuwing nakakabonding niya ang kambal, paran

