Kabanata 8
“This is the spot I’m talking about,” paliwanag ni Haven habang iniikot kami sa lugar. “It looks wrecked because it hasn’t been renovated since the typhoon. And this restaurant is also on sale, you already know the reason.”
Sa unang tingin pa lang, halata na ang pinagdaanan ng lugar. May mga basag na salamin, kupas na pintura, at bakas ng baha sa pader. Pero kahit gano’n, malinaw ang potensyal, nasa seaside ito, bukás ang tanawin, at ramdam mong puwedeng gawing maganda kung papasukin ng tamang puhunan.
“I’ll talk to my secretary,” malamig at diretso ang sabi ni Ali, tila ba napagdesisyunan na niya ang lahat. “We’ll buy this entire area.”
Umuwang ang labi ko.
Walang pag-aalinlangan. Walang tanong. Walang kahit anong pagdududa. Para sa kanya, parang simpleng grocery lang ang pagbili ng buong lugar.
Agad siyang lumayo nang kaunti at tinawagan ang kanyang secretary, habang kami naman ay naiwan nina L at Nico. Kita sa kilos ng mga lalaki na sanay na sila sa ganitong galawan, mabilis, diretso, walang emosyon.
“How about a land for a rest house or a vacation house?” tanong ni Zane habang nakatanaw pa rin sa paligid.
Napaisip si Haven, sinuri sa isip ang isla. “Sa Maria meron,” sagot niya. “Medyo malapit lang din dito. Gusto mo bang puntahan?”
Nagkatinginan kami ni Zane. “Should we?” tanong niya. “Hindi na sasama sina Ali, Nico, at L. May meeting pa silang paghahandaan mamaya.”
Napatango si Haven. “Sige.”
Sakto namang natapos na rin ang tawag ni Ali at bumalik siya sa amin.
“You guys can go back to the resort,” bungad ni Haven sa kanila. “May pupuntahan lang kami ni Zane at Lily.”
Kumunot ang noo ni Ali. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Habang nakatayo siya roon, napansin ko na naman ang tattoo sa braso niya, makapal, detalyado, at halos sakop ang buong isang kamay. Kaya pala kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao.
“Where?” tanong niya, diretso.
“I’m looking for a lot for future purposes,” si Zane ang sumagot.
Napabuka ang bibig ko. Maging si Haven ay halatang nagulat.
“What?” tawa ni Haven. “Akala ko rest house lang. Mukhang may ibabahay ka na yata! Magpapakasal ka na?”
Umiling si Zane, medyo nahiya. “Hindi pa naman. Gusto ko lang maging handa.”
At saka siya tumingin sa akin.
Ngumiti siya, banayad, walang malisya, pero sapat para mabigla ako. Mabilis akong umiwas ng tingin, hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko.
“Sasama ako.”
Mababa ngunit matigas ang boses ni Ali. Isang iglap, napatingin kaming lahat sa kanya.
“You still have to prepare for a meeting, Ali,” paalala ni Haven. “Isa pa, hindi ka naman bibili ng lupa para sa bahay—”
Pinutol ni Ali ang sasabihin niya, walang pagbabago ang ekspresyon. “Sasama ako.”
Walang paliwanag. Walang dahilan.
Isang desisyon na parang hindi na kailangan pang kuwestiyunin.
Naunang umalis sina L at Nico, kapwa nagmamadali dahil may mahalaga silang pupuntahan. Si Ali sana ang kasama nila, pero sa hindi ko maintindihang dahilan, ayaw pa rin niyang umalis. Kita sa kilos ng dalawa ang bahagyang pagkainis, pero wala na silang nagawa kundi iwan siya.
Sa totoo lang, giginhawa na sana ang pakiramdam ko kung sumama siya sa kanila. Mas magiging tahimik ang biyahe, mas magiging magaang ang paghinga ko. Pero heto siya, walang balak umalis, nakatayo pa roon na parang sinasadya akong guluhin.
Muli kaming sumakay sa iisang e-tric. Sa unahan, abala sina Haven at Zane sa pag-uusap tungkol sa plano ni Zane sa lupa. Pareho kaming nakikinig ni Ali, pero ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko, hindi man siya nagsasalita, pero parang may bigat ang bawat sandali.
Hindi nga ito kalayuan mula sa mismong seaside, pero ibang-iba ang lugar. Parang panibagong bahagi ng isla, mas tahimik, mas payak. May mga kabahayan na gawa sa kahoy, may ilang bangkang nakahimpil sa tabi ng dagat, at wala ni isang turista. Pawang mga taga-rito talaga ang naroon.
“They are the people of the island,” paliwanag ni Haven. “Lahat ng nandito mababait. They’re welcoming and warm, basta huwag mo lang pakikialaman kung ano ang meron sila. That huge land you see? Owned by them. And they make sure that what they own stays theirs.”
Sabay kaming napatango ni Zane. Si Ali naman ay tahimik na nakatingin sa mga kabahayan, seryoso ang mukha, tila sinusukat sa mata ang bawat sulok ng lugar.
Sana naman hindi sumapit ang araw na pati ito ay maisip niyang bilhin.
Awa na lang sana.
“Kung may pera, maganda ang lugar na ’to, Zane,” hindi ko napigilang magkomento.
Maganda naman talaga. May sapat na layo ang mga bahay sa isa’t isa, may espasyong makahinga. Nakikita ko na sa isip ko kung gaano kaganda ang lugar kapag dapithapon, kapag ginuguhit ng araw ang dagat sa kulay kahel at ginto. O kaya naman tuwing madaling-araw, tahimik, malamig ang hangin, at puro alon lang ang maririnig.
Kung marami lang akong pera… baka binili ko na ang lupang ito. Mamumuhay ako rito nang tahimik, malayo sa gulo, malayo sa lahat.
Pero wala eh. Wala akong pera. Wala nga akong sapat na pambuhay sa kapatid ko, lupa pa kaya? Isa pa, hindi lang lupa ang gastos. May bahay pang itatayo, mas lalo pang magiging magastos.
“Maganda dito kung kulay puti ang bahay,” patuloy ko, hindi namamalayang nadadala na ako ng imahinasyon. “Tapos may terrace na nakaharap sa dagat. Puwede mo ring gawing glass ang ikalawang palapag, yung kita mo ang labas pero hindi ka nila nakikita sa loob. Ang ganda nun.”
Bigla kong napagtantong napahaba na ang sinasabi ko.
Napadilat ako at napatingin sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila ba nagulat.
Uminit ang pisngi ko sa hiya.
Ngumiti si Zane, halatang natuwa. “That’s actually a good idea.”
Humalakhak si Haven, puno ng tuwa. “See? May designer pala tayo dito.”
Tahimik lang si Ali.
Pero ramdam ko ang tingin niya, mas mabigat kaysa sa iba.
At hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.
“I’ll contact the owner and buy this lot,” ani Zane sabay ngiti sa akin.
Ngumiti din ako dahil magandang ideya na bilhin niya na kaagad ang lupa bago pa siya maunahan ng iba. Napatingin naman ako kay Ali na nasa likuran niya na nakamasid lamang sa amin, kunot ang noo, at ang buhok ay nagsisiyawan sa hangin. Agad din naman akong umiwas dahil biglang tumaas ang kanyang kilay na animo’y galit nang tinignan ko siya.
Bumalik kami sa resort pagkabalik ko sa aking silid ay tumunog ang cellphone na pagmamay-ari ni Ate. Agad ko naman sinagot iyon dahil may iilang missed calls na doon.
“Tangina naman, Dahlia! Mabuti naman at sinagot mo, kanina pa ako tumatawag sa ‘yo! Akala ko kung ano na ang nangyari, hindi ka p’wedeng mamamatay diyan ng walang sinasabi sa akin!” walang pusong bungad sa akin ni Ate.
Ang kaninang saya ko ay napalitan kaagad ng dismaya dahil sa kanya. Ayos lang sa kanya na mamatay ako sa islang ‘to, ni hindi man lang niya naisip na kapatid niya ako. Ang gusto lamang niya ay makakuha ng impormasyon tungkol sa akin.
“Tangina, nandiyan ka pa ba?!” pagalit na sambit niya sa kabilang linya.
“Nandito pa ako.”
“Mabuti naman, may balita ka na ba? Kailangan ko ng impormasyon ngayon dahil tatawag mamaya sa akin si Tatay!”
Bumuntong hininga ako. Wala naman akong masasabi sa kanya dahil hindi ko pa naman nakikita si Alistair V. Ni anino nga niya hindi ko nakita eh.
“Wala pa, hindi ko pa rin siya nahahanap, Ate.”
Isang matigas na mura ang pinakawalan niya, maging si Bobby ay napamura din sa tinuran ko.
“Talaga bang ginagamit mo ang utak mo? Nasaan na ang pinagmamalaki mong talino kung hindi mo ginagamit ngayon?” Pang iinsulto pa niya sa akin.
“Kung may binigay ka na lang sana na litrato o kahit ano para makilala ko ang lalaking iyon. E ‘di sana hindi ako nahihirapan hanapin siya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang buong pangalan niya. Ang Alistair V, ay sa kanya ba iyon o palayaw niya lang.” hindi ko mapigilang magsalita dahil sobra na talaga si Ate, at tanga ko rin na pumunta ako rito nang walang ka alam alam kaya ako nahihirapan ako ngayon.
“Anong hindi niya alam?” dinig kong boses ni Bobby iyon. “Hindi ba may binigay na litrato sa ‘yo ang Tatay mo na mukha ni Alistair? Nasaan ‘yon? At nag usap din kayo tungkol dito hindi ba? Bakit walang alam si Dahlia sa isla na ‘yon?” sunod sunod na tanong ni Bobby sa kanya.
Ano may litratong binigay si Tatay kay Ate? Bakit wala siyang binigay sa akin? At ang sabi niya sa akin walang impormasyong binigay si Tatay kung ‘di ang pangalan na ‘yon lang.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Ano ba ang pinag-usapan nila?
Ako iyong naiipit dito sa gitna!!!
“Sagutin mo ‘ko, Ruby! H’wag kang umiyak sa harapan ko!” sigaw ni Bobby kay Ate.
Ngayon parang nag aaway pa ang dalawa dahil sa pagtanong ko. Patay, makakatikim na naman ako kay Ate kapag nawala si Bobby sa tabi niya.
“Nakalimutan ko lahat ng sinabi niya dahil nag aaway tayo ng araw na ‘yon, Bobby. Walang pumasok sa isip ko kung ‘di takot na baka iwan mo ‘ko! At iyong litrato ay naiwala ko rin noong hinabol kita noong umalis ka sa bahay namin!”
Napapikit ako dahil sa pag amin ni Ate. Hindi pa pinatay ang tawag at parang nakalimutan na nandito pa ako. Ganito naman talaga palagi si Ate kapag si Bobby na ang pinag uusapan. Nabubulag talaga siya sa pagmamahal niya sa lalaking iyon.
Isang sigaw ang pinakawalan ni Bobby, agad kong pinatay ang tawag. Gamit ang isang cellphone ay tinawagan ko si Eba para kamustahin si Ivy, mabuti na lang wala siya sa bahay at nasa kay Eba hindi niya makikita na nag-aaway iyong dalawa.
Napahiga ako sa kama at napatingin sa kisami. Ilang minuto pa ay muling tumunog ang cellphone ko at si Ate ulit iyon.
“Humanda ka sa akin, Dahlia. Kapag naghiwalay kaming dalawa ni Bobby hindi ko alam ang magagawa ko sa ‘yo… o talaga makakauwi ka pa ng buhay sa bahay na ‘to.” aniya bago pinatay ang tawag.