Kabanata 7
Muling nagpatuloy ang aming paglalakbay sa buong isla. Kung kanina ay magkahiwalay pa ang sinasakyan naming e-tric ni Haven at ng mga lalaki, ngayon ay nasa iisang sasakyan na kami, kasama sina Zane at Ali.
Sa una ay nag-alangan pa ako, pero ayon kina Zane at Ali, mas marami raw talagang alam si Haven tungkol sa Isla Dolor dahil mas matagal na siyang nananatili rito. Kaya kami pinaupo sa e-tric kasama nila at ang kasama ay nandoon na ngayon sa sinasakyan namin kanina. At dahil hindi naman niya ako maiwan na mag-isa sa kabilang e-tric kasama ang dalawang lalaking halos hindi ko kilala, nadamay na rin ako.
Kaya heto kami, magkatabi ni Haven sa likuran, habang sina Zane at Ali ay nasa unahan.
Habang umaandar ang e-tric, bawat madaanan naming lugar ay agad tinuturo ni Haven, mga dalampasigan, gusali, kalsadang paikot-ikot. Halata na kahit sanay siya rito, may saya pa rin sa boses niya tuwing nagkukuwento. Samantalang sina Zane at Ali, gaya ko, ay mukhang baguhan din, nakamasid, nagmamasid, at tahimik na nag-oobserba.
“That’s the church I told you about,” biglang sabi ni Haven sabay turo sa malayong istruktura.m “Diyan daw magpapakasal si Lily.”
May halakhak sa huli niyang sinabi, halatang nang-aasar.
Napalingon si Zane sa amin, kita ang kuryosidad sa mukha niya. “Huh? That’s the curse church, right?” tanong niya. “’Di ba sabi mo kanina, hindi nagtatagal ang mga nagpapakasal diyan?”
Humalakhak si Haven. “Yup! Lily wants to break the curse, Zane.”
Hindi ko napigilan ang masamang tingin sa kanya, umaasang matitigil siya sa pang-aasar. Pero lalo lang siyang natuwa. Maging si Zane ay nakisabay pa.
“Ganyan ba talaga ang epekto kapag broken-hearted?” natatawa niyang sabi.
Umiling lang ako at hinawi ang buhok ko palayo sa mukha. Hindi ko na sinagot. Hinayaan ko na lang silang asarin ako, hanggang sa marinig ko ang biglang malamig na boses ni Ali. Mukhang iritang irita na rin si Ali dahil sa ingay nilang dalawa, dalawa ba naman silang nagsama dito, magulo talaga.
“Enough.”
Isang salita lang, pero sapat para mapatahimik sina Haven at Zane. Kita sa tindig ni Ali na iritado na siya sa ingay. Tahimik kaming lahat saglit habang patuloy ang pag-usad ng e-tric.
Maya maya, napabuka ang labi ko nang mapansing papalapit na kami sa seaside. Iba ito sa bahaging malapit sa resort.
Mas maraming tao rito, may mga batang naglalaro sa buhangin, mga tindang street food, maliliit na bangkang nakadaong. Mas abot-kaya, mas buhay, mas totoo. Dito mo makikita ang araw araw na galaw ng Isla Dolor, hindi lang ang mukha nitong para sa mayayaman.
Pero may mga turista din naman, may mga establishment na bago at matagal na, may mga naghahanap buhay kagaya ng island hopping o ano ano pa. Ito ata ang tinuturing nilang puso ng Isla Dolor.
Doon kasi sa resort na pinagtutuluyan ko sa kabilang bahagi, kitang kita na mayaman o may pera ang may kayang mamalagi ng matagal doon.
“I heard there’s an available lot around this area,” sabi ni Haven, seryoso na ulit ang tono. “Medyo malaki. And the adjacent property is also for sale, palugi na raw ang negosyo.”
Tumango si Zane, nakatanaw sa paligid. “Kahit seaside, hindi pa rin guaranteed ang success.”
Tahimik si Ali, nakatingin sa abot-tanaw. Halata sa mga mata niya na iniisa-isa na niya sa isip ang bawat posibilidad, lokasyon, galaw ng tao, potential.
Habang nakamasid ako sa paligid, isang bagay ang malinaw sa akin: Hindi lang lupa ang hinahanap nila sa isla. Hinahanap nila ang lugar kung saan kikita ang kanilang mga plano.
At ako?
Hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang hinahanap ko rito, pero pakiramdam ko, unti-unti ko na itong nilalapitan.
Lumabas kami nang sinasakyan at lumapit sa seaside. Sobrang ganda ng paligid kahit na medyo mainit. Ang puting buhangin ay kumikislap dahil sa araw. May mga turistang nahiga habang nagbabasa ng libro, iyong iba ay kumukuha ng litrato.
Masaya. Mukhang masaya ang lugar na ‘to kumpara sa seaside na kung saan ako naroroon.
Muli kaming ang lakad, may mga restaurant din nito na sa palagay ko ay may kamahalan din. May mga sikat na kilala ko rin na fastfood chain at kung ano ano.
“Should we get a drink first? Kanina pa ako nauuhaw,” sambit ni Zane.
“It’s kinda hot too, we need some drink,” si L iyon.
Pumasok kami sa kilalang coffee shop at nasa likuran ako ni Haven. Mabuti na lang at ready ako sa ganito, dala ko rin ang wallet ko kaya makakabili din ako.
“What’s yours, Lily?” tanong ni Zane sa akin.
Napatingin ako sa menu. Hindi ko alam kung ano ang naroroon dahil first time ko lang, ni hindi ko nga ito napupuntahan sa probinsya namin dahil medyo may kamahalan. Dahil ayaw ko namang ipahalata sa kanila na wala akong pera ay bibili ako, nakakatipid din naman ako sa pagkain dahil kasama na iyon sa resort.
“Hmmmm,” pinagdugtong ko ang aking labi. “Spanish Latte na lang,” sabi ko nang tuluyang walang napili. Iyon lang din ang alam kong kape na nabibili ng mura sa mga coffee shops na malapit sa amin.
Binuksan ko ang wallet ko at kumuha ng pera, iaabot na sana iyon kay Zane ngunit tumalikod na iyon at umorder. Tatawagin ko pa sana ay iaabot ang pera ngunit humarang na iyong malapad na likod ni Ali sa akin.
“It’s already paid,” aniya sa akin ng lumingon ang kanyang ulo.
Kumunot ang noo ko.
“Pero may pera ako.”
“I have cards too, keep that.”
Tinignan ko siya at wala nang nagawa pa. Pinauna na kami ni Zane dahil siya na raw ang bahala, habang si Haven naman ay busy sa pagtingin sa mga dessert na nandoon. Si L at Nico ay may pinuntahan saglit sa labas kaya kaming dalawa ni Ali ang naiwan.
“Medyo padami na ang tao, you guys should reserve seat!” pagalit sa amin ni Zane dahil walang gustong umalis sa amin ni Ali.
Nagkatinginan pa kaming dalawa hanggang sa tuluyan na kaming pumunta sa ikalawang palapag. Mabuti na lang at may saktong anim na upuan doon kaya doon kami pumwestong dalawa.
“Paano kita mababayaran?” hindi pa rin talaga ako tapos doon.
Tumaas ang kilay niya. Nakaupo siya sa pang isahang sofa na parang may ari ng coffee shop na ‘to, may napapatingin na rin sa bahagi niya dahil sa lakas ng dating niya.
“Are you insulting me?” pabalik niya sa akin.
“Am I insulting you?” ingles na pabalik ko. “Nagtanong lang naman ako kung paano ako makakabayad sa ‘yo dahil may pera ako at kaya kong magbayad.”
“I told you to keep it, right?”
Hindi talaga ako matatahimik dahil pakiramdam ko gagamitin niya iyon sa akin sa huli. Natatakot ako lalo na’t makapangyarihan siya at maraming pera. Baka isipin pa niya ay kaya niya akong bilhin.
“Pero—”
“Don’t overthink it. Three hundred pesos is nothing to me.” putol niya sa sasabihin ko.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, wala na talaga akong magagawa pa sa lalaking ‘to. At kapag nagsalita pa ako ay mas lalong hahaba ang bangayan namin at hahantong lang iyon sa pag aaway, hindi pa naman kami komportable sa isa’t isa.