Kabanata 16 “Putangina,” mura ni Ali nang makita akong bumaba mula sa ikalawang palapag. Hindi ko napigilang ngumisi. Kitang-kita ko ang paninigas ng kanyang panga, ang bahagyang pagkipot ng kanyang mga mata, eksaktong reaksyong inaasahan ko. Alam kong maiinis siya. Alam kong magagalit siya. Dahil hindi ko sinuot ang damit na inihanda niya para sa akin. Hindi iyon uubra sa misyon ko. Masyadong sarado. Masyadong maamo. Masyadong hindi bagay sa mga naunang damit na pinapakita ko. Kung nasa probinsya lang ako at namumuhay ng simple doon, baka pinilit kong isuot. Pero nandito ako sa Isla Dolor, at may kailangan akong makuha, may lalaking kailangan kong guluhin ang isip, at may larong kailangang paglaruan. “Tigas ng ulo mo!” galit niyang sambit nang tuluyan akong makababa. Tumaas ang kil

