Kabanata 41 “A-Anong p-pinagsasabi mo?” nauutal kong sambit. Biglang nanlamig ang buong katawan ko, para bang may humigpit na lubid sa paligid ng dibdib ko sa bawat salitang binibitawan niya. Sumilay ang isang sarkastikong ngisi sa kanyang labi. Kita ko kung paano niya sinuri ang mukha ko, ang panginginig ng boses ko, ang pag-iwas ng tingin ko, parang iyon mismo ang hinihintay niyang ebidensya ng takot. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hinayaan kong makita niya iyon. “Why can’t you tell the truth?” malamig niyang tanong. “Bakit mo tinuturuan si Noah magsinungaling? Hindi dahil gawain mo, ituturo mo na rin sa anak mo.” Parang sinampal ako ng mga salita niya. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang pag-alon ng emosyon sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagtago sa nakaraan, alam kon

