Kabanata 33 Parang may kumurot sa puso ko sa mga salitang iniwan ni Noah. Hindi iyon masakit na biglaan, kung ‘di iyong unti-unting humihigpit, paulit-ulit, hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Gusto kong sumagot, gusto kong mangako, gusto kong sabihin na gagawin ko, pero ang totoo, hindi ko kaya. Gusto ko ring makarinig si Ary. Araw-araw ko iyong hinihiling. Pero kahit anong pilit ko sa sarili , ko, kahit anong bilang ng overtime, kahit anong pagtitipid hindi pa sapat ang pera ko. May ipon ako, oo, pero kaunti pa lang. Malayo pa sa halagang kailangan. Siguro balang araw, kapag nakaipon na ako… kapag hindi na kami hinahabol ng gutom at takot… saka ko iyon bubuuin, piso-piso, dahan-dahan. Pero hindi ngayon. Hinawakan ni Noah ang pisngi ko at marahang pinaharap ang mukha ko sa kanya

