Kabanata 32

1995 Words

Kabanata 32 “H’wag ka munang lumabas,” mariin pang bilin ni Eba sa akin, mahigpit ang kapit niya sa braso ko. “Sinabihan ko na si Linda, kahit anong mangyari, h’wag na h’wag niyang palalabasin ang tatlo.” Umuwang ang labi ko, ngunit walang salitang lumabas. Hanggang ngayon ay tila nanlalambot pa rin ang tuhod ko sa gulat at kaba. Wala akong ideya kung sino ang mga nasa labas, o kung bakit ganoon na lang ang takot ni Eba. Nasa function hall silang lahat, at kahit dito sa likuran ay dinig na dinig ang ingay: halakhak, palakpakan, tunog ng mikropono. Hudyat iyon na puno na ang lugar. Hindi lang naman mga bata ang sakop ng foundation na ito. May matatanda, may single moms, may mga walang kakayahang mag-aral ng sarili, at higit sa lahat, mga deaf and mute na matagal nang kinalimutan ng lipun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD