Kabanata 31 “Maraming salamat, Dahlia, sa tulong mo!” masiglang sambit ni Jema habang tinatanggal ang listahan sa clipboard niya. “Sasabihin ko kay Boss ang paglinis mo sa buong kitchen. Mauna ka na, sabi mo pa naman kanina may pupuntahan ka ngayong hapon. Iwan mo na kila Kyla lahat ng nandiyan.” Ngumiti ako sa kanya, kahit pagod na pagod na ang katawan ko. Tumango ako bilang pasasalamat, hinubad ang apron na suot ko, at mabilis na nagbihis. Ayaw kong mahuli, ayaw kong mapalampas ang programang hinanda ng foundation ngayong hapon. Kahit minsan lang, gusto kong makarating sa oras. Tuluyan kong nilisan ang restaurant, dala ang pagod at katahimikan ng isang buong araw na trabaho. Papalubog na ang araw. Kulay kahel ang langit, pero wala na akong oras para humanga. Sumakay ako ng jeep pauwi

