Kabanata 30 Kita ko kung paano unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Haven. Iyong galit at lamig sa mga mata niya kanina ay napalitan ng gulat, at pagkatapos ay ng isang bagay na mas masakit pa. Pag-aalinlangan. Pag-unawa. O baka awa. Kay Peter naman, walang nagbago. Nanatiling madilim ang kanyang mga mata, matigas ang panga, parang ano mang oras ay kaya niyang iputok ang baril na hindi ko man lang makikita. Lumapit si Haven sa akin, dahan dahan, parang natatakot din siya na baka bigla akong mabasag kapag hinawakan niya ako. Akmang hahawakan na niya ang braso ko, nang biglang sumabog ang gabi sa sunod-sunod na putok ng baril. Napahiyaw ako. Mabilis akong sinakop ni Peter, hinila palayo sa direksyon ng putukan habang si Haven ay halos itinulak ako sa likuran niya. Sa hindi kala

