Blurb:
Nang ipadala si Dahlia sa isang isla, dala niya ang bigat ng isang misyong hindi niya ginusto: akitin at paikutin ang mayamang tagapagmana na si Ali Vescovi, isang lalaking kilala sa talas ng isip, lamig ng puso, at kapangyarihang kayang gumiba ng sinumang hahadlang sa kanya.
Sa bawat araw na lumilipas, nagiging delikado ang laro. Hindi lang dahil kay Ali, kundi dahil sa mga damdaming unti-unting umuusbong na hindi dapat umusbong. Sa mundong puno ng sikreto, utos, at manipulasyon, mapipilitang mamili si Dahlia: sundin ang pamilyang matagal niyang pinaglingkuran o ang lalaking unti-unting tumatagos sa mga pader na buong buhay niyang binuo.
Isang isla. Isang misyon. Isang pag-ibig na bawal. At isang katotohanang kayang baguhin ang buhay nilang dalawa.
Pero paano kapag nalaman ni Ali ang totoo, na ang bawat ngiti, bawat sulyap, at bawat paglapit ni Dahlia ay bahagi lang ng isang misyon?
At paano naman si Dahlia?
Paano niya haharapin ang katotohanang hindi lang puso niya ang nakataya… kundi ang batang hawak ng kanyang sinapupunan, buhay na hindi niya pinlano, pero desperado niyang protektahan?
Sa gitna ng mga kasinungalingan at panganib, may isang tanong na hindi niya matakasan:
Hanggang saan siya lalaban para sa sarili at sa batang kailanman ay hindi dapat maging bahagi ng mundong ito?
*****
This story will be under MAN Series, stay tuned!
Kung mahilig kayo sa taguan ng anak, para sa 'yo ang story na 'to! Enjoy reading & don't forget to follow and Vote! Thank you!