CHAPTER 3

1533 Words
"WHAT'S this?" Nagtatakang tanong ni Davin kay Felix habang nakatingin sa folder na binigay nito. Sinadya niya ang kaibigan sa kumpanya nito. "Basahin mo kaya para malaman mo kung ano 'yan." Sabi ni Felix saka napailing. Davin looked at the folder that Felix gave to him. Kumunot ang nuo niya. "Crime Intelligence Organization." Basa niya. "What's this?" Felix sighed. "Basahin mo." Aniya saka napailing. Binasa naman ni Davin ang mga nakasulat. "Oh." Aniya nang mabasa. "You knew the Director?" Tanong niya. Tumango si Felix. "A friend of General Chavez. Actually, ang Crime Intelligence Organization ay isa sa mga secret organization dito sa Pilipinas na lumulutas ng mga mahihirap na kaso na hindi kayang lutasin ng gobyerno." Aniya. "I gave that to you. Baka sakling interesado ka." Davin sighed. "This is interesting." Aniya. "But I'm not a citizen of this country." "It's easy." Sabi ni Felix. "Convert to a Filipino. Then done." Napaisip naman si Davin. "This is actually good start for me if I could enter this Crime Intelligence Organization." Aniya saka napatango. "But their agency is in Manila. Man, nasa Baguio si Lexi. Malayo ang Maynila dito sa Baguio." Nakangising sabi ni Felix. Tinignan ni Davin ng masama si Felix. "Shut up." Napailing si Felix. "What?" He chuckled. "My mother already rejected me as his son. So, I won't go back anymore in US. I will stay here for good." Sabi ni Davin. "Trust me. Bunga lang 'yon ng galit niya. Tatawag rin ang Mommy mo sa 'yo kapag malamig na ang ulo niya." Felix said. "I hope." Davin said and sighed. Tumingin siya sa kaibigan. "How will I become a Filipino citizen? PUMASOK si Davin sa cafe ni Lexi. Tinignan niya ang loob ng cafe nito. Malawak ang cafe ni Lexi. Umupo siya sa isang bakanteng pwesto. Kaagad naman na may lumapit sa kaniyang waiter. "What's your order, Sir?" Tinignan niya ang menu na hawak saka siya tumingin sa waiter. "Chocolate raspberry, please. And Americano for coffee." "Okay, Sir. Wait for your order." Ani ng waiter. Tumango si Davin. He looked at his phone. It's just ten in the morning. Kagagaling niya lang sa pagkuha ng Identification Card niya. He's now a Filipino citizen, not an American anymore. Davin sighed. "Kuya." Napaangat ng tingin si Davin nang marinig ang boses ni Lexi. Ngumiti ang dalaga saka inilapag ang dala nito sa harapan. "Ang order mo, Kuya. Ako na ang nagdala at sabayan na rin kita." "Thanks." Sabi ni Davin. Ngumiti si Lexi saka sumimsim ng kape nito. "Nasabi sa akin ni Felix na pupunta ka sa Maynila sa susunod na araw para bisitahin ang mga magulang mo." Sabi ni Davin. He ate his cake. Tumango si Lexi. "Oo, Kuya. Baka nga magtatagal ako roon ng isang buwan siguro." Sabi niya. Napatango si Davin. "Sumabay ka na lang sa akin. Pupunta rin ako sa Maynila sa susunod na araw." Kumunot ang nuo ni Lexi. "Bakit, Kuya?" Nagtataka niyang tanong. "Babalik ka na ba sa US?" Umiling si Davin. "No. I already converted to a Filipino, so I'm a Filipino now." "Oh. Wow." Sabi ni Lexi at kumain ng cake. Uminom naman ng kape si Davin. "Hindi ka na babalik sa US, Kuya?" Nagkibit ng balikat si Davin. "Hindi ko alam. My Mom wanted me to marry a woman she likes for me but I don't like so I came here. Then she rejected me now as his own son." "So hard." Lexi commented. Ngumiti si Davin. "I'm used to it. Sanay na ako na ganun si Mommy. She's controlling my life. I'm already thirty-two years old but she still wanted to control me. I have my own life too. I want to do the things I want." Lexi was bit sad after hearing Davin's story. She can't relate buts she understood him. Sila kasing magkakapatid, lahat sila ay spoiled sa kanilang ama. Lahat ng gusto nila ay binibigay nito. Hinahayaan sila nito sa mga gusto nilang gawin. Lexi looked at Davin. She smiled. Kumuha siya ng tissue sa gilid ng mesa at eksakto naman na kukuha rin ng tissue si Davin. Nahawakan ni Davin ang kamay ni Lexi. Natigilan sila pareho at sandaling nagkatinginan. Kaagad na inilayo ni Lexi ang kamay dahil iba ang naramdaman niya nang mahawakan ni Davin ang kamay nila. Tumikhim siya saka naramdaman ang pag-iinit ng mukha. Anong nangyayari sa akin? Tanong ni Lexi sa sarili saka napahawak sa sariling mukha. Ngumiti naman si Davin at siya na ang kumuha ng tissue. Ibinigay niya kay Lexi ang tissue na una niyang kinuha saka naman siya kumuha ng sa kaniya. "Thank you, Kuya." Davin just nod his head. "Your place is nice." Aniya. Ngumiti si Lexi saka tumayo at nagmamadaling pumasok sa opisina nito. Hindi naman napigilan ni Davin ang matawa ng mahina. Lexi looks cute while blushing. Tumayo siya saka kinuha ang kape na hindi pa niya naubos. Lumabas siya ng cafe at tinignan ang kamay. He smiled and continued walking. DAVIN drove Lexi to their mansion. Hiniram niya ang isang kotse ni Felix at ito ang ginamit nila ni Lexi patungo sa Maynila. Bumaba sila ng kotse. Ibinaba niya mula sa back compartment ang gamit ni Lexi. "Kuya, ako na." Sabi ni Lexi. "Ihahatid na kita hanggang sa loob. Mabigat pa naman 'tong dala mo." Sabi ni Davin. Ngumiti si Lexi. "Ano kasi, Kuya... nandiyan ang parents ko baka iba ang isipin nila." "Don't worry, Lexi. I will make clear everything to them." Lexi sighed. "Okay. Let's get inside." Bumukas ang maliit na gate. Doon pumasok si Lexi at Davin. Hindi nga nagkamali si Lexi dahil pagpasok nila sa loob ng mansyon, nadatnan nilang nasa sala ang mga magulang. Hindi na ng mga ito kasama ang triplets niyang kapatid dahil may asawa na ang mga ito. Kaya siya nagpunta sa Maynila upang samahan ang mga magulang. Hindi na nga siya nakapagpaalam kay Lincoln e pero tatawagan na lang niya ito mamaya. "Mommy! Daddy!" Niyakap niya ang mga magulang. "Lexi, your surprised us." Sabi ng ama. Ngumiti si Lexi. "Syempre naman, Dad." Aniya. "Hi, Mommy." Bati niya sa ina saka ito hinalikan sa pisngi. Napangiti naman si Davin habang nakatingin sa eksenang nasa harapan niya. They look like a happy family. Lexi's parents look like a good parents. Aniya. Natigilan si Russell nang makita ang kasama ni Lexi. "Lexi," tawag niya sa anak, "who's he?" "Dad, siya po pala si Kuya Davin. Kaibigan siya ni Kuya Felix." Sabi ni Lexi. "Kuya Davin, meet my Mommy Yvette and my Daddy Russell. Wala dito ang kapatid kong triplets so hindi mo sila makikilala." Bahagyang yumukod si Davin. "Kumusta po?" Aniya sa mga magulang ni Lexi. "Hinatid ko lang po si Lexi. Aalis rin po ako kaagad." "Lexi, he's not your boyfriend?" Tanong ni ina ni Yvette. "Hindi po niya ako boyfriend, Ma'am." Sabi ni Davin. "Aalis na po ako." "Kuya, salamat sa paghatid." Ngumiti lang si Davin saka bahagyang yumukod ulit sa mga magulang ni Lexi saka siya naglakad palabas ng mansyon ng mga ito. Mabilis siyang naglakad palabas ng compound at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito patungo sa Crime Intelligence Organization. General Chavez is a friend of the Director of the Crime Intelligence Organization, so General Chavez recommend him. Nang makarating siya sa Headquarters ng mga ito, he parked the car. Bumaba siya ng kotse saka naglakad patungo sa Crime Intelligence Organization. He used the card that General Chavez gave to him to enter the building. The CIO has a high-security. Hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino. Napansin niyang napapatingin sa kaniya ang ilang nasa loob ng building nang makapasok siya. Hindi na lang siya pinansin ang mga ito at dumeretso siya sa elevator. He pushed the tenth-floor button. Nang makarating siya doon, nagtungo siya sa opisina ni Director James. "Sir, do you have any appointment?" The secretary asked him when he approached her. Tumango si Davin. "Name, Sir. Please." "Davin Vargaz." Aniya. "A minute, Sir." Tumango si Davin. Tumawag naman ang sekretarya sa Director at nang matapos itong makipag-usap, tumingin ito sa kaniya. "You can go in, Sir." "Thank you." Sabi ni Davin. Naglakad siya patungo sa pinto saka kumatok bago itinulak ang pinto pabukas. Nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa sofa. Tumingin ito sa kaniya. "I've been waiting for you since General Chavez told me that you want to become agent." Ani Director James. "Have a seat." "Thank you, Sir." Umupo si Davin sa katapat nitong sofa. "Davin Vargaz, right?" Tumango si Davin. "I'm Director James." Inilahad ni Director James ang kamay na kaagad namang tinaggap ni Davin. "Nice to meet you, Sir. Actually, I'm a retired FBI Agent but I already resigned." Ngumiti si Director James. "I know. General Chavez told me so I didn't hesitate to make you as one of the agents here in Crime Intelligence Organization." "Director, thank you. I'll do my best." Itinaas ni Director James ang kamay. "Don't thank me. I've read all your records while you were still an FBI, you are very excellent. You solved many different hard cases." "It's just that I am dedicated to my work." "I know." Sabi ni Director James. "So, I decided you to become a part of Arsenal Team."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD