Chapter 29 When He Cries Julienne's POV Dumating ako sa apartment na umiiyak. Walang humpay ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Ganon pala talaga ang balak nya ah, balak nya kong gantihan, labasan lang pala ng galit. It hurts, dahil yon ang totoo. Sinasabi nyang nahulog sya sa sariling patibong? Walang pinagbago yun. Linoko nya padin ako. Tas may girlfriend pala talaga sya? Just what the hell. Panay ang ring ng phone ko ngayon, at ang walangyang Terrence ang tumatawag. Hindi ko sya sinasagot. Inalis ko ang battery ng phone ko at galit na itinapon ang sim sa wastebasket. Pinunasan ko ang basa kong mukha, at inumpisahan ko nang iempake ang mga gamit ko. Kung mananatili ako dito paniguradong hindi ako titigilan ni Terrence, ayoko nang makita pa sya. Naiinis ako dahil ganun lang pala

