Chapter 25 Deep Inlove Julienne's POV Isang buwan na kami ni Terrence at hanggang ngayon wala parin akong pagsisisi sa pagbabalikan namin. Sa katunayan, habang tumatagal mas lalo ko syang minamahal, para bang sya lang sapat na. Wala na akong mahihiling pa dahil lubos ang saya ko sa piling nya. Kaso ang nakakainis lang, first monthsary namin ngayon pero mukhang hindi nya naman tanda. Nakakalungkot yung ganun diba? Masakit din at the same time. Kaya eto ako ngayon hindi ko sya iniimik dahil nagtatampo ako. Nag e-expect pa naman ako ngayon na magde-date kami. O kaya reregaluhan nya 'ko, kaso wala. Nganga. "Julienne, what's wrong? Kanina kapa ganyan. Nung kaninang nasa orphanage din tayo hindi moko masyadong pinapansin, may problema ba?" Oo may problema, yun ay di mo maaalala ang months

