Chapter 21 Hormones Julienne's POV Pumasok na kami sa bahay nila, at as usual laglag padin ang panga ko, pagkakita ko sakanyang malaking-malaking mansion. Last time akong pumunta dito ay napakadaming tao, pero now. Halos wala kang makita, kung hindi ang mga katulong lang. Malaki din ang bahay namin dati, pero hindi naman katulad nito. Hindi kaya naboboring si Terrence dito? Sabagay, madami naman syang pinagkakaabalahan tulad ng business nya. Hinawakan nya ang kamay ko, pagkatapos ay umakyat na kami sa taas, doon siguro yung kwarto nya. "Terrence, kung dito ako matutulog, wala akong dala-dalang damit," tumigil sya at tsaka nya 'ko hinarapan. "Magpapabili ako. wag mo yung problemahin," tumango nalang ako, at nung makarating na kami sa kwarto nya, nag half open ulit ang aking bibig. N

