Ito ang pangatlong pagkakataon na nakaramdam ako ng labis na kalungkutan, ang mawala siya muli sa paningin ko. Lumabas ang mga luha sa aking mga mata habang isinara ang pinto papunta sa emergency exit na iyon. Nagtitiwala ako na kaya niyang malampasan ang pagkakataon na ito. Bumalik ako sa aking kwarto at nagbihis, pinunasan ang luha at nagsoot ng pants at sumbrero. Hinagis ko sa kama ang nakatagong baril at isinok-sok sa ilalim ng aking bewang. Sa aking paglabas ng kwarto ay inunahan ko ang group ni Alexa na umakyat papunta sa eka-22 na palapag gamit ang elevator. Tumayo ako sa harap ng pinto, ang pintuan kong saan nagtatago si Oliver, tinititigan ko ito habang inaalala na dito kami sabay lumabas ng oras na iyon. Maya maya pa dumating ang group ni Alexa. "Talya!" sigaw ni Alexa. Sumu

