Ang mundo ay parang isang bukid ng langgam, patong-patong ang bilang nito sa dami, at dinudumog ang mga bagay na sinusubukang kainin ang iyong tanghalian. Nangyayari itong muli, habang tinititigan ko ang mga langgam na nagku-kumpulan sa isang malaking bato. Para lang akong nananaginip ngunit tila nagising ang diwa ko na biglang gumalaw ang inuupuan ko. "Ma'am Alexa.. ingat po." sinabi ng isang lalaking staff nang makitang natapilok siya dahil sa kanyang soot na high heels, tumango lang si Alexa sa kanya at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad papunta sa unahan. Tulak-tulak ni Alexa ang wellchair kung saan ako nakaupo ngayon. Malakas ang aking pandinig, pero paralisado naman ang katawan ko na ang tanging magagawa ko lang ay ang pagbukas ng aking mga mata. Ang sumunod ay may tumunog na pa

